12: PING..........PONG!!!

63 1 0
                                    

                                      Chapter 12

                                PING..........PONG!!!

Pero kung gaano kasaya si Sabine nang gabing iyon, kabaligtaran niyon ang nangyari kinabukasan.

“Anong PUWET! Sir LaPUES, LaPU-WES! Gusto ba ninyong ipadala ko kayo lahat sa disciplinary office?!”

“No, Sir.” Sagot ng mga estudyante.

“Sige, hanapin n’yo na ang mga kaparehas ninyo at pumunta sa table na naka-assign sa inyo.” Utos ni Sir Lapues. Nag-disperse ang mga estudyante matapos iyon.

Table tennis ang bagong lesson nila. May anim na hilera ng table sa gym. Tatlong pares ang salitang gagamitin niyon. Nasa table 6 sila ng kanyang kapareha.

“Sabine!” Tawag sa kanya ni Salma. “Dito!”

Nasa table 6 din si Salma pero hindi ito ang ka-partner niya. Nope. Ang babaeng nakahawak na ng paddle at nakapuwesto na sa isang side ng table ang partner niya. Si Ayesha.

“Kayo ang mauuna, Sabine!” masayang balita ni Salma.

Kinuha ni Sabine ang paddle na iniabot ni Salma at pumuwesto na rin siya.

Nagkatitigan sila ni Ayesha. Pagkuwa’y ngumisi ito sa kanya. Kinabahan tuloy si Sabine. Pakiramdam niya kasi ay may binabalak ito. Pero winalang-bahala niya iyon. Ang atensyon niya dapat ngayon ay nasa pakikipag-kaibigan rito.

“Hi, Ayesha!” Bati niya. Nginitian niya ito. Sana lang ay hindi nito nahalatang peke. Hindi ito sumagot. “Pwedeng bang Aya na lang ang itawag ko sa’yo?”

Nakita niyang gumalaw ang mga mata nito. Naningkit. Pinalo na ni Sabine ang bola papunta rito. Nang umabot iyon kay Ayesha ay malakas nitong pinalo ang bola.

Ang totoo, hindi pa nakakapaglaro ng table tennis si Sabine mula nang gumradweyt sa high school. Matagal na siyang walang practice. Habang mukhang sanay si Ayesha. Dahil nakapokus kay Ayesha ang atensyon niya, hindi niya naiwasan ang bola. Tumama iyon sa kanyang mata.

Nasaktan si Sabine at nabitiwan niya ang paddle. Napaupo siya habang natatabunan ng isang kamay niya ang nasaktang mata.

Lumapit si Ayesha sa kanya. “No. Hindi mo ako pwedeng tawaging Aya. In fact, wag na wag mo akong tatawagin sa kahit anong pangalan. At wag na wag mo rin akong kakausapin ulit.” Narinig niyang sabi ni Aya.

Nakayuko lang si Sabine, hawak ang mata niyang nasaktan.

“Sabine, okay ka lang?” tanong ni Salma sa kanya.

Tiningnan niya ang papalayong pigura ni Ayesha. Hindi niya maintindihan, gaano ba kalala ang ginawa niya at ganoon na lang ang galit nito sa kanya?

“Hoy, Soler! Hindi ka pa pwedeng umalis!” si Sir Lapues.

Mahihirapan talaga siyang mapaamo ang babaeng iyon. Alin sa mga experiences niya noong high school ang puwede niyang magamit para makuha ang loob ni Ayesha? Wala! Dahil ang totoo, wala naman talaga siyang maituturing na magandang karanasan sa high school. Wala siyang maalalang maganda sa high school. Ang apat na taong iyon ng kanyang buhay ay matagal na niyang kinalimutan!

HS Cutie-SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon