2: Tigress Vs Eggplant

96 3 1
                                    

 “Self-education is, I firmly believe, the only kind of education there is.” ― Isaac Asimov (araw-araw pinipilit kong matututo sa mga experiences ko. Sa bawat salitang naisusulat ko, isang panibagong kaalaman ang natututunan ko. :) Thanks for reading!)

                              Chapter 2

                       Tigress Vs Eggplant

“Anong ibig mong sabihin?!” Galit na tanong ni Sabine kay Rico, kasama niyang pulis at matalik na kaibigan. “Itinaya ko ang buhay ko roon tapos sasabihin mong biglang may nabago sa plano, ganun?! Shit!”

Inis na ibinalibag niya ang bayong na hindi niya alam kung bakit pinulot-pulot pa niya. Ngayon alam na niya. Gusto niyang ibalibag iyon sa mukha ng kung sino. Sa isang partikular na pagmumukha.

Binigyan niya ng nakakalasong tingin ang lalaking ayon kay Rico ay nag-infiltrate sa sindikatong sinusubaybayan nila. Si Gado. Pero hindi iyon ang totoong pangalan nito. Kausap nito ang isang pulis. Tila naramdaman naman nito ang tingin niya at lumingon. May sinabi pa ito sa kausap bago naglakad sa direksyon niya.

“Inspector Marco Silvestre.” Inilahad nito ang kamay sa harap niya. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihing natutuwa akong makilala ka lalo na at ikaw ang sumira ng misyon ngayong gabi.” Naniningkit ang mata ni Sabine. Kinuha niya ang bayong sa lupa at may kinuha roon.

“Okay lang.” Sabi niya at nginitian ang lalaki ng peke. “Ito naman ang pagbati ko sa  pagkikilala nating ito.” May inilagay siya sa isang palad nito at saka naglakad palayo.

“Hoy, Sabine! Bumalik ka rito!” Tawag sa kanya ni Rico.

“Heh! Magsama kayo!” sagot lang niya.

Napabuntung-hininga na lang si Rico. “Pasensya ka na sa tigresang iyon, ha? At... pati na rin diyan.” Nakangiwing tiningnan ni Rico ang nasa palad ni Inspector Marco Silvestre.

Isang talong.

‘It’s okay.” Sagot nito. “This is not the first time I’ve been called a dick by a girl.” At isang amused na ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

***

Three days later...

 “Dahil sa hindi matagumpay na misyon at hindi pagkahuli kay Captain Armageddon, natakot at hindi na mahagilap pa si Rolando Soler...”

Nagbulungan ang maga nasa meeting. Kabilang sa mga iyon ang mga pulis na may direktang kinalaman sa Armageddon Syndicate Case. Isang malaking grupo ng sindikato na may kinalaman sa pagbebenta ng armas, droga at prostitusyon sa buong Asya. Hindi nakaligtas ang Pilipinas sa mga galamay nito sa pagbebenta ng mga bata at kababaihan.

“Natatakot si Rolando sa magiging banta sa buhay niya sakaling alam na ni Captain Armageddon ang ginawa niyang pagtatraydor. Dahil dito ay hindi siya sumipot sa lugar at oras kung saan ibibigay niya ang blackbook ng sindikatong kinaaaniban niya.”

“Ano ang ginagawa ninyong gawing hakbang para matunton natin siya, Rico?” Tanong ni Chief Silas.

Huminga ng malalim si SPO1 Rico Santos. Mukha ng isang dalagita ang lumabas mula sa projetor screen. Dumako roon ang mukha ng lahat.

“Ayesha Marie Soler o mas kilala sa tawag na Aya. Sixteen years old at nag-iisang anak ni Rolando Soler at sa kasalukuyan ay nag-iisang lead natin para matunton ang kanyang ama. Magkakaroon ng 24 hour surveillance sa kanya. Nag-aaral siya sa St. Bernadette Academy, fourth year high school at nakatira siya sa bahay ng kanyang tiyahin.”

“24-hour surveillance? Paano ka nakakasigurong sapat iyon? Paano na kapag nasa loob siya ng kanyang bahay, ng kanyang classroom?” tanong ni Chief Gilas. “May solusyon ka ba para doon?”

“Ahm...”

Nagsalita si Insp. Marco Silvestre na kanina pa tahimik. “How about we plant a mole inside her house, inside her school?”

“What do you mean, Silvestre?” tanong ni Chief Gilas.

Isang misteryosong ngiti ang isinukli ni Marco. Lahat ng naroroon ay sa kanya natuon ang atensyon.

________________________________________________

I am wondering kung sino ang nababagay na gumanap bilang Sabine at MArco,as well as the other characters? SA minor characters, meron na akong naisip pero sa mga leads, parang wala... hay...

HS Cutie-SpyWhere stories live. Discover now