4: Police Couple daw?

101 4 2
                                    

 “The world as we have created it is a process of our thinking. It cannot be changed without changing our thinking.” ― Albert Einstein

Hmmm, hindi ako kasingtalino ni Einstein. Pero walang masama kong i-wish kong ma-meet siya di ba?

Hehe. Joke lang po Sir Einstein, baka himatayin ako pag nakita kita ngayon sa harap ko!

                     Chapter 4

            Police Couple daw?

“Ano? Nasisiraan na kayo!” reaksyon ni Sabine matapos marinig ang report mula kay Rico.

“Ako, bilang high school student? I am 24! Paano ako magmumukhang fourth year high school?!”

“Sabine naman. Hindi ka pa naman ganoon katanda. Makakapasa ka pang teenager!” exasperated na sagot ni Rico.

“Ayoko!”

Tumayo na si Rico at lumapit sa kanya. “Makinig ka, napakahalagang mahuli kaagad si Captain Armageddon. Ang tanging lead natin para maibagsak ang grupo niya ay sa pamamagitan ni Rolando Soler na nawala na lang na parang bula. At ang anak niya ang posibleng makapagturo sa atin sa kinaroroonan ni Soler!”

Naisabunot ni Sabine ang kamay sa buhok sa inis. “Naman! High school? Anong maganda sa high school?!”

Tiningnan siya ni Rico na para bang may mga sungay siya sa ulo.

“What?”

“Itinatanong mo kung ano ang maganda sa high school?! Well, Sabine...” Tumayo si Rico.  Nagtaka siya nang biglang kumanta ito. “High school life, oh my high school life...” dumukwang ito sa table. “Let’s make you remember, Barbie Girl.”

Tawa nang tawa si Sabine nang biglang sumayaw-sayaw si Rico at kumanta ng “Barbie Girl”.

Natigil lang si Rico nang may marinig nila ang isang palakpak. Pagtingin nila sa pinto ay nakita nilang nakasandig roon si Inspector Silvestre. Pumapalakpak nga ito pero seryoso naman ang mukha.

“Sir!” Napaupo bigla si Rico na hiyang-hiya.

“Kailan pa naging gay show ang isang simpleng pagre-report lang, Rico?”

Hindi makasagot si Rico. Tumikhim si Sabine upang kunin ang atensyon ng Inspector.

“Kinukumbinse lang po niya akong pumayag sa plano, Sir.” Paliwanag niya. Numipis lang ang mga labi ng lalaki at naningkit ang mga mata.

“Tapos na ba kayo?”

“Yes, Sir.” Sa wakas ay nakabawi rin si Rico. “Right, Sabine? Payag ka na?”

Napipilitang tumango si Sabine.

“Good. Dahil hihiramin ko muna si Sabine, Rico.” Walang paalam na hinawakan ni Inspector Silvestre ang isang kamay ni Sabine at hinila siya patayo.

Naguguluhang nagpahila si Sabine dahil masyadong malakas ang lalaki sa pagkakahawak sa kanya.

“Ano ba?!” inis na pinagpapalo niya ang kamay nito. Napapatingin naman ang ilang kasamahan nilang pulis sa kanila. Ang ilan ay pinituhan pa sila. “Huy! Baka kung ano ang iniisip nila!”

“Wow! Mukhang magkakaroon na ng first PC dito sa atin!” kantiyaw ng isang pulis.

“PC? Anong PC?”

“Sabine and Marco. RIP! Oooopss! Hahaha!” Tawanan naman ang ibang kasamahan nila.

“Buwisit talaga oh!”

Huminto sila sa harap ng isang malaking motorsiklo. Astig na motorsiklo! Hindi niya maiwasang humanga sa ganda niyon. Halatang mamahalin.

“Sakay na.”

“Sa’yo ang motor na iyan?” “Shit, bagay sa kanya. Pang-lalake talaga ang motor. Grrr! Bakit ko ba pinupuri ang lalaking ito.”

Lumingon si Sabine sa loob ng presinto. Nakangisi ang mga kasamahan nilang pulis, pati na ang isa pang babaeng pulis na si Elena.

Dahil doon ay mas pinili ni Sabine na sumakay sa motor.

“Shit, ano ba ‘tong nangyayari? Paano ako sasakay na hindi siya kailangang yakapin?”

Si Inspector Silvestre na ang sumagot sa problema niya. Kinuha nito ang dalawang kamay niya at kusang ipinaikot iyon sa katawan nito.

Nanlaki ang mga mata niya. “Waa, abs ba ‘to?” Awtomatikong pumisil ang isang kamay niya.

“Careful, baka kung ano pang ibang bagay ang mapisil mo.” Nanunuksong sabi nito. “Hey, higpitan mo pa ang kapit. Baka mahulog ka.”

Namumulang sumunod na lang siya. “Arrrg, nawawala ang pagkamaton ko sa buwisit na ‘to, eh!”

Ilang sandali pa ay lumarga na sila.

HS Cutie-SpyWhere stories live. Discover now