7: First Day, Away Agad?!

75 3 0
                                    

 Creativity comes from looking for the unexpected and stepping outside your own experience. - Masaru Ibuka 

                                        Chapter 7

                             First Day, Away Agad?!

Isang tipikal na klase sa high school kapag free period ang pinagdalhan sa kanya ni Mrs. Jimenez.

Isang private co-ed school ang St. Bernadette Academy pero nakagulat pa rin sa kanya ang iba’t ibang uri ng estudyante roon.

Matapos maipakilala ang sarili sa harap ng klase kung saan tila wala man lang nakarinig sa kanya sa mga naroon maliban kay Sir Roma, ang adviser, ay itinuro siya nito sa isang two-seater desk sa likod.

“Uhm... sa’yo ba’to?” napangiwi si Sabine nang lumingon sa kanya ang seatmate niya. “Gee, isang emo punk! Drat, pag minamalas nga naman ako o!”

Tiningnan siya nito ng masama habang nagpapalobo ng bubble gum. Sinulyapan nito ang itinuro niyang itim na bag na nakalagay sa uupuan sana niya.

Walang salitang kinuha nito iyon at itinapon sa paanan nito. Hindi malaman ni Sabine ang gagawin. Pero... ano ngayon? Hindi naman siya nasa paaralang ito para makipagsosyalan. Isa itong misyon. Misyon!

“Ano ngayon kung katabi ko ang emo na to? Tiis-tiis lang Sabine! Sa ngalan ng bansang ito, sa ngalan ng sinumpaan mong tungkulin! Para sa kaligtasan ng marami! Yooo!”

Lumingon si Sabine sa katabi. Itinago niya ang reaksyon nang makitang ang bubble gum na nasa bibig nito kanina ay nasa kamay nito at niro-roll iyon sa mga daliri nito.

“Baguhan ka.” Sabi ng emo.

“Hindi ba obvious?” mahinang sagot niya sa kabila ng sinabi niya kanina sa sarili na huwag itong pansinin.

“Sa totoo lang, hindi ka halatang 18. Mukha kang matanda.”

“Ano?” naniningkit ang matang hinarap niya ito.

Shocking! Alam ni Sabine na mas matanda siya sa mga ito pero nakakagulat at nakakainsulto pa rin na tawaging matanda.

“Ikaw naman, masyadong walang galang! Kilala mo ba kung sino ang kinakausap-grrr!” Bumuga siya ng hangin at pinakalma muna ang sarili. “Itong tandaan mo, ha? Seatmates tayo! Hindi tayo friends! Hindi tayo magpapansinan! Gets mo?”

“Kahit magmakaawa ka pang kaibiganin kita, hindi ko iyon gagawin. Duh. Gorang.” Nanlaki ang mata ni Sabine nang idikit nito ang bubblegum sa mismong desk niya.

Umakyat na yata ang lahat ng dugo sa ulo ni Sabine. Pinakaayaw niya ang mga katulad nitong nakakadiri!

“Ang batang ‘to!!!!!!! Naku!!!!!!”

Hindi na niya napigil ang sarili. Kinuha ni Sabine ang notebook nito na nanahimik sa mesa at ipinukpok sa ulo nito.

“Walang modo! Tanggalin mo ang bubblegum na iyan!!!!”

Tumahimik ang lahat sa klase. Lahat ng mga mata ay sa kanya natuon. Parang binuhusan ng may yelong tubig si Sabine.

“First day pa lang ‘to, Sabine! Cool ka lang! Cooooolll!”

Mabuti na lang kanina pa wala ang teacher. Napasinghap ang lahat ng tumayo ang seatmate niya. Nanlilisik ang mga mata nitong may makapal na eyeliner.

Tila na-froze sa kinauupuan niya si Sabine. What if gumanti rin ito ng sapak sa kanya? Papatulan ba niya ito?

Pero kinuha lang nito ang notebook sa kamay niya at bag nito. Tinalikuran siya nito. Akmang aalis ng classroom. Pero bago humakbang ay nilingon siya nito.

“Hoy, transferee! Huwag mong isipin na panalo ka. Tandaan mo ang ginawa mo! Sampung beses kong ibabalik iyon sa iyo!” pagbabanta nito saka umalis.

“Sandali!” Tawag ni Sabine. Muli itong lumingon, nanlilisik pa rin ang mga mata. “Hindi mo pa tinatanggal ang bubblegum. Basura mo, sagot mo, PUNK!” sabi niya sabay ngisi. Hah! Anong akala nito, matatakot siya rito? Asa!

“Shit ka! Maghintay ka lang.” Anas nito saka tuluyang umalis.

“Aba! Sino siya sa akala niya?! Hay, kainis naman o! Bahala na nga!” nandidiring tiningnan niya ang bubblegum.

Kinuha niya sa bag niya ang ballpen niya at ipinantanggal iyon sa nakadikit na bubblegum. “Babae ba iyon o lalaki? Akala niya kung sino siyang astig! Pa-emo-emo pa. Tsk. Tsk.”

______________________________

pasensya na sa maiikling chapters :)

HS Cutie-SpyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon