9: Nasa huli nga talaga ang pagsisisi!

89 2 1
                                    

 Growth. Not over thinking this time, just accepting things as they are.

                                              Chapter 9

                             Nasa huli nga talaga ang pagsisisi! 

 “Wala sa hitsura mo pero mabilis ka ring kumilos, noh!”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Sabine sa kasamang si Salma habang iniisa-isa ang mga kaklase niyang nagkalat sa gym. Hinahanap niya si Ayesha sa mga ito. Hindi kasi niya ito nakita kaninang first period.

Nahagip ng mga mata niya si Dare na kausap ang P.E. teacher na si Sir Lapues. Ngumiti ito sa kanya. Gumanti siya ng ngiti rito.

“Kitam, siguro, playgirl ka? Walang pinapansin na girls si Dare dito sa school! Gusto ka rin yata niya!” bulong ni Salma sa kanya.

Tipid lang na ngumiti siya kay Salma. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagiging tsismosa nito at pagdikit-dikit nito sa kanya mula nang makita siyang inihatid ni Dare sa girl’s locker room. Hindi rin niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa mga sinasabi nito. Si Dare, walang ibang pinapansin na babae sa school kung hindi siya lang? Uh... no comment.

Lumapit sa kanila si Dare. “Kumusta, Sab? Halika, ipapakilala kita kay Sir. Hinahanap ka niya.”

“Ah, sige.” Sumunod siya kay Dare.

Nakita nilang may pinapagalitang estudyante ang teacher nila. Bumulong sa kanya si Dare. “Mahilig lang bumulyaw si Sir pero pusong mamon din iyan sa loob. ‘Wag mo lang pansinin kapag may nasabi siyang hindi maganda sa’yo, okay?” Tumango si Sabine at pasimpleng lumayo kay Dare.

Hindi niya maintindhihan kung ano ang nagiging reaksyon niya rito. Hindi naman siya madaling tablan ng gwapo, ah. Bigla niyang naalala ang isa pang mukha. Marco Silvestre. Uh! Kasunod niyon ay naramdaman na naman niyang nag-blush siya.

“Ah! Ano ba!”Naisabunot niya ang kamay sa buhok niya at ginalaw-galaw ang ulo. “Umalis ka sa isipan ko, ano ba! Alis! Alis!”

Nahinto siya sa ginagawa nang may humawak sa balikat niya.

“Hindi yata maganda ang pakiramdam mo, Sab. Gusto mo bang magpunta sa clinic?” concern na tanong ni Dare. Natigilan siya. Inayos niya ang buhok. Nababaliw na yata siya. “Okay lang ako, Dare. Kalimutan mong nasaksihan mo iyon, okay?”

Naging inosente ang mukha ni Dare. “Kalimutan ang alin? Wala naman akong nasaksihan, ah!” Nakangiting sabi nito.

Napangiti si Sabine. Bakit ang bait nito sa kanya? Ano bang ginawa niya para maging ganito ka-attentive si Dare sa kanya? Wait, hindi kaya... crush siya ni Dare? Eeeehhhh!!!!

“Sir, hindi po talaga ako ang nagsabi niyon...” narinig niyang sabi ng estudyanteng pinapagalitan ni Sir Lapues habang palapit sila ni Dare.

“Anong hindi ikaw? Narinig kita! Sir LaPUWET ang binanggit mo!” Nanggagalaiting sabi ng teacher.

“Sir, andito na si Sabine.” Pagtawag ni Dare sa pansin nito. Lumingon ang teacher sa kanila ni Dare. Binalingan uli ng P.E. teacher ang student.

“Ilang ulit mo na itong ginagawa. Sa susunod na marinig kita ulit, bibigyan na kita ng slip! Sige, alis!” Umalis na nga ang kakawang estudyante. “Diba ikaw iyong nasa gate kaninang umaga?”

“Yes, Sir.”

“Hmp. Mukhang dagdag ka na naman sa mga estudyanteng kakailanganin kong disiplinahin tuwing umaga.” Kinuha nito ang steno pad nito, binuklat iyon at may isinulat. “Sabine Morgan. Morgan, ‘wag naman sana ako magdilang-anghel.”

“Hindi po talaga, Sir.” Mahinang sabi ni Sabine.

“Anong sabi mo?” tanong ni Sir Lapues. Naramdaman ni Sabine na siniko siya ni Dare.

“Wala, ho. I said, it’s nice meeting you, Sir.”

“Huh! I don’t feel the same.” Tinalikuran na sila nito. “Magsiupo kayo sa gilid. Tatawagin ko kayo by five at lilinya ten steps from the ring. Isa-isa kayong magsu-shoot ng bola. Magkakaroon kayo ng three tries. 3 shots is equal to 60 points. 2 shots will be 30, and 1 shot will be 10. Do your best! This will be considered a quiz!”

Nag-angalan ang mga estudyante. “Miss Morgan, you will not be spared. According to your records,  member ka ng women’s basketball team sa inyo.” Tinitigan siya nito. “I’ll be watching you.”

“Ho?” Noon iyong high school pa siya. Hindi na nagba-basketball palagi si Sabine. “Ricooo! Humanda ka sa akin pag nagkita na tayo!”

“Ang lupit naman ng ten points sa isang shot lang. Ibig sabihin, zero na ako since hindi pa ako kahit kailan nakapagpasok ng bola sa ring!” Reklamo ni Salma sa tabi niya. “Okay ka lang, Sabine? Sinong hinahanap mo? Kanina ka pa lingon ng lingon, pansin ko.”

“Ah, wala. Mine-memorize ko lang ang mukha ng classmates natin.” How lame. Pero wala siyang oras na gumawa ng mas magandang sagot.

“Sabine Morgan! Annabelle Reyes! Jenny Santos! Ayesha Marie Soler!”

Naging alerto si Sabine nang marinig ang pangalan ni Ayesha. Tatlong babae ang tumayo pero wala sa mga iyon si Ayesha. Luminya sila sa harap ng ring. “Nasaan na siya?”

“Soler! Soler!” sigaw ni Sir Lapues.

Tsk. Tsk. Tsk. Hindi na magtataka si Sabine kung isa sa mga araw na ito ay isusugod sa hospital si Sir Lapues sa stroke dahil palaging galit o kaya ay sa pagkaputol ng mga litid sa leeg nito dahil sa palaging pagsigaw.

Hindi napansin ni Sabine ang estudyanteng tumayo sa likod niya. Nang lumingon siya, ang nakita niya ay ang emo punk na nakaaway niya kanina lang. Nag-aapoy pa rin ang tingin nito sa kanya.

“Ikaw?!” Shock na tanong ni Sabine. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. Suot nito ang pambabaeng P.E. uniform ng St. Bernadette.

“So, babae ka pala?” iyon naman ang kasagutang sa tanong niya kanina.

Hindi niya napansin ang suot nito kanina. Lahat ng pansin niya ay nakatuon sa mukha nitong maganda sana kung hindi lang sa make-up nito at sa buhok nitong panlalaki at naka-gel na nakapormang matutulis sa itaas ng ulo nito.

“Anong ibig mong sabihin?” Galit kaagad na tanong ni Ayesha kay Sabine. “Gusto mo bang suntukin kita ngayon din?!”

Hindi agad naka-react si Sabine nang kuwilyuhan siya ni Ayesha. Gulat na gulat talaga siya.

Si Ayesha na cute at mukhang harmless sa mga pictures na ipinakita sa kanya... isang emo at mukhang thug pala sa totoong buhay?!

________________________________

hahaha! Abangan n'yo po ang next chapters! Ito lang po muna ang ipo-post ko. Titingnan ko ang reaksyon ng magbabasa through comments and votes. pag mahina ang response, well, magde-decide ako sa next step ko which is hindi ko pa talaga alam! See you in the next chapter!

Kaya wag n'yo po kalimutang mag-comment o bomoto each chapter!

Di ko gets... kapag ba romance ang genre, PG 13 na kaagad? Ang alam ko, general ang rating na nilagay ko dito.

HS Cutie-SpyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum