Special Chapter 1: Aine & Steven

34K 421 30
                                    

GAME OF LOVE is going to be PUBLISHED AS A BOOK soon. Abangan niyo po :) Sana bumili kayo. LIMITED EDITION din ang libro kaya sana makabili kayo. For more information and updates sa release ng book, sali kayo dito sa group na to. http://www.facebook.com/groups/AineTan/ o kaya ilike niyo ang page ko dahil dun ako nagpopost ng announcements. http://www.facebook.com/AineTanStories Wag din kayo mahihiya na magtanong about sa book.

Click the star icon to vote. Feel free na magcomment din :)

----------------------------------

Ano na nga ang nangyari kina Steven at Aine pagkatapos nilang magbreak at magkabati? :) Basahin na lang para malaman. Madaming naghintay nito at eto na yun.

~~

 Nasa opisina si Steven at walang ginagawa. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng mga magulang niya pero maghapon ay wala siyang ginagawa kung hindi maglaro doon at magpalipas ng oras. Lahat kasi ng trabaho ay inaasa niya sa mga empleyado. Inaaral niya lang ang mga kailangang pag-aralan kapag humaharap sa mga magulang niya at sa mga board members.

'Ang boring naman. Ang tagal nung sinasabe nila na dadating dito'

Hindi pa din halos nagbabago si Steven. Happy-go-lucky pa din siya. Alam niya naman na hindi niya kailangang pumalit sa pwesto ng mga magulang niya dahil may kapatid siya na pwedeng pumalit sa kanila. Habang nakatingin sa labas ay tumunog ang phone niya.

"Oh. Napatawag ka?"

[ Kuya Steven! Wag mong kakalimutan yung meeting mo kasama yung bagong shareholder ah? ]

"Oo na! Nandito na ko sa office. Wala naman akong ginagawa dito"

[ Maghintay ka lang dyan. Hindi ko kasi sigurado kung anong orassiya pupunta pero baga mga dinner siya pumunta dyan ]

Tiningnan ni Steven ang orasan at nakita na 1 pa lang ng hapon.

"Dinner?! Bakit mo ako pinapasok ng maaga?!"

[ Sabi ko nga sayo, hindi ako sigurado. Ready ka na ba sa sasabihin mo? ]

"Ano bang sasabihin ko?"

[ Kuya naman e! Ngayong araw lang ako mawawala sa trabaho kaya ako humingi ng tulong sayo. Tulungan mo naman ako ng maayos. Lagot tayo kay Daddy kapag pumalpak ka ]

"Niloloko lang kita. Ako na ang bahala. Babae ba yun?"

[ Oo kuya. Mga kasing-edad mo lang siya. Oo nga pala, padalhan mo siya ng bulaklak. Itetext ko sayo yung address ]

"Anong klaseng bulaklak ba? Pang patay?"

[ Kuya, magseryoso ka nga! Kahit ngayon lang, please? ]

Game of Love 2: Still in Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon