Chapter 8 : Suplado

34 7 5
                                    

Thalia.

Iiling-iling na lang ako habang naglalakad. Nakakatuwang asarin ang lalaking 'yon. Ibang klase , nagmumukha siyang loko dahil sa pagkunot ng noo niya. Tss.

"Thalia!" Napalingon naman ako kung saan nang-galing ang boses na 'yon , hindi ako nagkamali. Si Hyacinth.

"Hya..." Hindi pa man ako nanatapos sa pagbanggit ng kaniyang pangalan ay kaagad niya akong niyakap. Kaya hindi ako nakapalag. Nakakabigla e.

"Namiss kita e. Hihi." Sabi niya pagka-kalas niya sa pagkakayap sa'kin. Pilit na lang akong napangiti. Hindi ko alam kung ano ire-react ko.

"How are you?" Tanong niya , nagsimula na kaming maglakad. Magka-klase nga pala kaming dalawa. "Ayos naman." Sagot ko , gumuhit naman ang matamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Good. Mabuti naman wala akong nababalitaan kay Jess na napahamak ka na naman dahil kina Abegail at Tiff." Tumingin siya sa'kin , nag-aalala.

"Ayos lang naman ako. Sa ngayon , wala pa 'yung presensya nung dalawa pati nung mga alipores nila." Natatawa kong sabi. "Wag ka ngang ganiyan." Nakanguso niyang sabi kaya napa-iling na lang ako.

"Wag na kayong mag-alala. Ayos lang ako. Tsaka wala lang sa'kin 'yon." Kumbinsi ko pa.   "Yan ang mahirap sa'yo e. Sobra mong bait. Tch. Siguro nung nagpasabog ng kabaitan , gising na gising ka kaya nasalo mo lahat." Napa-irap pa siya pagkatapos sabihin 'yon. Kaya napatawa ako.

"Tara na nga lang." Pag-aya ko , mala-late na kaming dalawa. Ang daldal kasi eh kahit naglalakad. Mabilis naman kaming nakarating sa room namin at mabuti na lang talaga naunahan namin 'yung professor. Malilintikan kaming dalawa kapag na-late kami.

Ngunit ganoon na lang saya na naramdaman ko ng matapos kaagad ang klase. Hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa upuan ko , gustong-gusto ko ng matapos ang klase. Wala lang , mas trip ko e.

Lumabas kaagad kami ni Hyacinth sa silid na iyon at sabay na naglakad papunta sa sunod naming subject.

"Oh Drew!" Tumigil sa paglalakad si Hyacinth kaya napatigil rin ako. "What's up?" Tinanguhan lamang siya nito,

"Hi Thalia!" Nagulat ako sa pagbati niya. Naguguluhan akong ngumiti kay Drew. Kakagulat naman talaga eh. Hindi naman kasi siya ganyan.

"So sabay-sabay na tayo?" Tumango si Hyacinth. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala. "Ang saya natin ah. Anong meron? Di ka na rin late."

"Tss." Naiiling na lang ako kay Drew. Oh diba nakaka-gulat kung naging bigla syang ganon?

"Manunuod ako ng practice niyo." Maya-maya'y sabi ni Hyacinth habang pumapalakpak pa.

"Para-paraan ka rin 'no?" Drew,

Umirap si Hyacinth sa sagot ni Drew. Hindi niya siguro nagustuhan ang sagot. Nagkibit balikat ako.

"As if naman ikaw ang pinunta ko dun ano?" Mataray na tanong ni Hyacinth,

"Alam kong si Xian pero istorbo ka lang dun. Kaya mas magandang wag ka na lang pumunta dahil hindi magiging ayos ang mood ko."

Napamaang si Hyacinth. Ano bang pinaglalaban nila? Nakakatawa,

"Pupunta ako at wala kang paki alam. Tch! Sama ka Thalia?"
Napatigil ako sa paglalakad dahil napakinggan ko ang pangalan ko. Nagtataka naman akong tumingin kay Hyacinth.

"Ha?"

"Sama ka sa practice nila." Practice!? Para saan naman?
Mabilis akong umiling,

"Busy ako e. Pasensya." Sabi ko,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Star In My TearsWhere stories live. Discover now