Chapter 5 : Pissed Off

24 6 0
                                    

Calvin.

-____-

"Kingina! Ang babagal niyong magsi-kilos! Ano kayo mga pagong!? Bilisan niyo mga kupad!" Sa sigaw pa lang na 'yun alam ko ng si Shawn 'yun. Bwisit na pandak! Bibigyan ko talaga ng height yan , e.

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong may pasok tayo!? Aba'y bilisan niyo!" Si Xian naman. Tsk.  Basta kapag mas malakas talaga na sigaw. Malamang kanya na yun. Mas may ilalakas pa dyan. Tsk.

"Ang aga-aga nagsisigawan kayo!" Si Drew naman yun. Parang hindi rin sumigaw , e. Tsk.

Hindi na nga maganda ang gising ko. Sigawan pa nila ang bubungad sakin. Mga lintek kong mga kaibigan talaga. Tss.

"Oh!? Bakit wala pa si Calvin!? Tulog pa ba yun Bryle!? Gisingin mo nga dun!" Sarap salaksakan ng hotdog ang bunganga ni Shawn. Tss.

"Gising na yun. Marami lang talagang ka-artehan sa katawan yun." Malumananay na sagot ni Bryle. At ako pa ang maraming ka-artehan sa katawan ah. Kumusta naman kaya siya? Tss.

"Oh!? Eh bakit wala pa dito yun!? Bwisit na kupad kupad ah!." Bwisit talaga 'tong si Shawn. Kinuha ko na lang yung gamit ko at lumabas dun sa kwarto namin ni Bryle.

Lintek na ang iingay. Sigawan ng sigawan. Mga nakalunok lagi ng mega phone kapag umaga. Dumiretso ako sa kitchen at yung iba roon ay kumakain na. Hindi pa rin tumitigil sa pagbulyaw si Shawn at Xian. Tss.

"Bwisit na! Bilisan niyo namang magsi-kain! Hindi naman kayo mga pagong ah!" Si Shawn na naman.

"Hoy! Calvin! Ano pang tinutunganga mo dyan!? Kumain ka na ba!" Si Xian naman ngayon.

Wala na akong nagawa kundi ang umupo at magsimulang kumain. Habang kumakain kami patuloy pa rin sa pagdakdak si Shawn. Bwisit na! Hindi ba napapagod ang bibig ng lalaking yan? Daig pa ang babae kung sumigaw eh.

"You're too loud." Sabat ni Kris.

"Tss." Singhal ni Shawn at natapos ng kumain. Sina Drew , Carl , Kai , Kris , Bryle , Xian , Third at Sky ay tapos na ring kumain. Meaning ako , Lance at si Lex na lang hindi pa. Tss.

"Hoy! Male-late na tayo! Aba! Alam ng traffic araw-araw!" Si Shawn na naman -.-

Tinapos na naming tatlo ang pagkain at sabay-sabay na lumabas ang sumakay sa van namin. Wala pang isang oras nakarating na kami sa DIS.

Inayos  ang postura namin at sabay sabay na bumaba at naglakad papasok sa loob.

"Waaaaaah! The Wolves are already here!"

"Omfg! Lance ang gwapo mo!"

Mas lalong nag-tilian ang mga kababaihan dahil sa pag-kindat ni Lance sa kanila. Tss.

"Did you see that girls!? Lance wink at me!"

"No! He wink at me!"

"No! Sakin!"

Pandag-dag pa sa sakit ng ulo itong mga 'to. Tss.

"Baby Kai! Pakasal tayo!"

"Ang cute cute mo Drew!"

Hindi man lang pinansin ni Drew yung sumigaw nun. Tss. Seryosong-seryoso ang mukha.

"Calvin! Ang sexy mo!"

I know right! Tss.

Patuloy pa rin sa paghiyaw at pag-tili ang mga kababaihan habang naglalakad kami. Pati na rin nga mga lalaki , bading at tomboy eh. Tss.

Pumasok na kami sa klase namin. At dumakdak na ng dumakdak ang professor namin.

"Ano ba yan!? Ang boring!" Bulong ni Carl kay Xian. Tumango naman si Xian bilang pagsang-ayon.

A Star In My TearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon