Chapter 6 : So close

26 6 0
                                    

Thalia.

Habol ko ang pag-hinga ko. Malilintikan ako ni Mr. Robinson kapag nagkataon.  Nakakainis naman! Bwisit kasing lalaking 'yun. Nabunggo pa ako. Hindi tumitingin sa dinaraanan. Say what!? Siya na naman.

Naka-hinga ako ng maluwag ng makita kong mauunahan ko si Mr. Robinson. Ayaw pa naman niya ng late. Huhu! Prenteng umupo ako sa upuan ko.

"Sorry , I'm late." Napatingin kaming lahat sa pintuan. Kaklase ko pala ang lalaking 'yan? Tsk.

"Come in," Saad ni Mr. Robinson. At pumasok naman 'yung bwisit na lalaki.

Ay oh? Wag niyong sasabihin sa'kin na katabi ko ang lalaking 'yan? Bigla ko tuloy naisip 'yung sinabi ni Kris noong isang araw na katabi ko ang lalaking 'to.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo. NA AYOKO NG LATE." Nabigla ako sa sigaw ni Mr. Robinson. Aish.

Umupo naman kaagad ang lalaking 'to sa tabi ko. Tsk. Seatmate pa. Asar.

"Late," Wala sa sarili kong sambit. Ewan ko ba kung bakit nasabi ko 'yun. Pft.

Hindi naman siyang nag-abalang magtapon ng tingin kaya ayos lang sa'kin. Nag-focus na lang ako sa mga binibigay na lessons ni Mr. Robinson.

Kahit papaano naman masaya 'yung subject niya e. Minsan––madalas nga lang boring kaya 'yung iba walang paki-alam..

Matapos ang klase ko dun. Diretso na ako sa tatlo ko pang subject. At pinagpapasalamat ko 'yun kasi nakaraos ako. Pakiramdam ko tuloy mawawalan na ng dugo ang utak ko e. Hindi na rin mag-function.

Tinahak ko ang daan papalabas. Anong oras na wala pa rin si Jess. Saan naman kaya nagpunta ang babaeng 'yun? Hays

"Hi miss!" Nabigla ako dahil sa lalaking humawak ng braso ko. Pero kaagad ko itong binawi.

"Tumabi kayo." Seryoso kong sabi. Wala akong panahon sa mga ganito. Nasaan ka na ba Jess?

Nagtawanan sila. Anim na lalaki na itong kaharap ko ngayon. Tsk. Ano bang problema ng mga 'to?

"Ano ka ba miss. Wala naman kaming gagawin na masama e. Sasama ka lang." Bahagyang naka-ngising sambit ng isa sa kanila.

Niloloko 'yata ako pagong na 'to e. Walang gagawin na masama pero sasama ako sa'kanila. Mga sira ulo.

"Sinabing tumabi kayo." Mariin ko sabi. Pero bwisit lang. Dahil parang wala silang naririnig. Kainis.

"May ibubuga naman pala ang babaeng ito e." Naka-ngising sambit ng lalaking humarang kanina.

"Wala akong panahon sa inyo. Umalis kayo sa dinaraanan ko." Mas mariin kong sabi.

"Sinabing naming sumama ka na lang miss. Wala namang mawawala e." Mga gago ba 'to? Bwisit.

"Tumabi kayo,!" Inis kong sabi. Sumu-sobra na. Kaagad na lumapat ang kamay nung lalaki sa pisngi ko. Ang sakit.

"Masyado kang nagpapaka-hard to get miss!" Aba'y gago ka talaga kuya. Bwisit ka. Pero ngumisi lang ako. Kailangan kong maka-bawi sa sampal niya. Aba! Ang sakit kaya.

Muntikan na rin ulit lumapat ang magaspang niya kamay sa pisngi ko. Mabuti na lang may pumigil.

"Kalalaki mong tao. Nanakit ka ng babae." Nabigla ako. 'Yung bwisit na lalaki.

"Alam mo naman minamahal ang babae. Hindi sinasaktan." Dagdag pa niya , ano bang pinagsasabi ng kumag na 'to? Nagulat naman 'yung lalaki.

"Wala kang kadala-dala , Marcus." Si Third.

"Umalis na kayo ng mga bata mo bago pa man lumapat ang mga kamao ko sa iyong pangit na pagmumukha." Dagdag pa ni Third , nagsi-takbuhan naman  'yung mga lalaki kaya naka-hinga ako ng maluwag.

A Star In My TearsWhere stories live. Discover now