Chapter 3 : Meet

49 8 0
                                    

Thalia.

"Sobrang nakakapagod , ano?" Ewan ko ba dito kay Jess. Malamang nakakapagod mag trabaho. "Uy , mag salita ka naman!" Maktol niya kaya napatawa na lang ako sa isip ko.

"Thalia!" Sigaw niya kaya 'yung mga estudyanteng nasa paligid namin napatingin sa kanya. Tsk! Sinabing wag sisigaw , e. "Diba sabi ko sa'yo wag ka ng sisigaw ng ganun kalakas." Sabi ko pagkalapit ko.

"Hindi mo nga ako pinapansin , e." Isip bata na naman niyang sabi. "Porque hindi lang nagsasalita hindi na rin pinapansin? Ganun ba 'yun?" Tila naman nahiya siya dahil sa sinabi ko.

"Sabi ko nga." Sabay nguso niya. "Itigil mo na 'yan kung ayaw mong ibalik kita sa sinapupunan ng nanay mo." Asar kong sabi kay Jess. "Hindi mo magagawa 'yun." Aba , pumalag ang babaeng ito.

Napangisi tuloy ako. "Sigurado ka bang hindi ko magagawa?" May halong pananakot na sabi ko. Kitang kita sa mukha ni Jess na kinakabahan siya. "Ah..oo!" Sabi ko na nga ba kinakabahan na siya , e.

"Sige! Mamaya." Sabi ko at tinalikuran siya. "Bakit mamaya pa? Pwede nam... Thalia!" Hindi ko alam kung paano nangyari 'yun basta na lang akong napaupo. "Ayos ka lang?" Kaagad akong tumango kay Jess. Kitang kita sa mga mata niya ang pag aalala.

Tumigil 'yung motor na muntikan ng bumangga sa'kin. "Kingina mo kuya! Umayos ka sa pag drive mo sa lintik mong motor!" Sigaw ni Jess duon sa naka motor. Nakita ko itong ngumisi.

"Kingina 'yun!" Inis na naman niyang sabi. Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. "Hayaan mo 'yun Jess. Tara na." Ayokong lumaki pa 'yung nangyari. "Sigurado ka bang ayos ka na? Dalhin kaya kita sa clinic." Ngumiti ako at hinawakan ang balikat ni Jess.

"Ayos nga lang ako. Wag ka ng masyadong mag alala. Okay" Niyakap niya ako ng mahigpit. "Ayoko lang na may mangyaring masama sa'yo." That's why I value most Jess. "Wala ako sa wisyo ko para mag drama , e." Natatawa kong sabi.

"Kahit kailan talaga panira ka!" Gustuhin ko mang mag drama mas prefer ako na mag isa lang. "Tara na kasi!" Sabi ko at hinila ko siya. Masaya ako kasi nariyan palagi si Jess para sa'kin. Kayang kaya niya akong tanggapin kung sino ako. Ganoon rin ako sa kanya.

"Magkita tayo mamayang vacant time natin Thalia ah! Mauna na ako." Paalam niya. "Sige!" Naglakad ako kung saan man ako dalhin ng mga paa ko. Ang bilis ng pangyayari kanina hindi ko namalayan na may paparating palang motor. Kung hindi dahil sa sigaw ni Jess. Siguro wala na ako sa mundong ginagalawan ko.

Naglakad ako pabalik dahil malayo layo na ang nilakad ko. Mag uumpisa na rin ang klase ko. Ayoko na namang ma-late. Mabuti na lang nahanap ko kaagad ang room ko. At wala pa ang Prof namin kaya ligtas ako.

Halos lahat ng kaklase ko kung ano ano ang mga ginagawa. Hindi nga nila napansin na pumasok ako sa silid na ito. May kanya kanya silang buhay kaya para kang isang estranghero kung makikisali ka sa kanila.

Wala rin naman akong magagawa. Katulad nga ng sinabi ko si Jess lang ang kaibigan ko. Ang totoo kong kaibigan. Huminga ako ng malalim tsaka ko sinuot ang earphones ko. Mas mabuti pang makinig na lang ako ng music kaysa pakinggan ang kaingayan ng mga kaklase ko.

Masyado nga yata akong napa aga sa pagpunta ko dito sa silid kasi hanggang ngayon wala pa rin ang Prof namin. Bigla na lamang may tumabi sa'kin. Hindi ko aakalaing may tatabi sa'kin lalo na't nasa hulihan ang upuan ko at nung upuan sa kanan ko.

Ngumiti 'yung babaeng tumabi sa'kin. Hindi ko pinansin 'yung ngiti niya at tinuon ang sarili ko sa pakikinig ng music. "Hi!" Ewan ko kung paano nangyari na narinig ko ang boses niya. Tinanggal ko ang earphones ko. "Hi! I'm Hyacinth!" Pagpapakilala niya sabay lahad ng kaniyang kamay. Tiningnan ko lang 'yung kamay niya. Kaagad naman niya itong binawi na tila nahiya dahil sa ginawa niya.

A Star In My TearsWhere stories live. Discover now