Chapter 4 : Again

28 6 0
                                    


Thalia.

Sobrang sakit ng ulo ko. Tapos kapag naglakad pa ako parang matutumba na ako. Kasalanan ito ni Jess , e. Kung hindi ba naman sumugod kami sa ulan hindi ako magkaka-ganito , e.

Syempre may payong kami sukob pa nga , e. Pero dahil sa sobrang lakas ng ulan nasira yung payong ko. Tapos hinila ako ni Jess at sinabing magpa-ulan na lang kami tutal basa na rin lang naman. Diba nakaka-inis.?

Pinilit kong maglakad para pumasok sa klase ko. Ng matanaw ko na 'yung classroom ko may mga pumasok na mga lalaki. Walo? Siyam? Kumunot ang noo ko. Bigla na lang kasi umingay ang classroom na 'yun.

Nagkibit-balikat ako at pinagpatuloy ang paglalakad ko papasok ng classroom. Ang iingay nila na parang walang mga estudyante sa mga katabing classroom. Hindi na naman sila mga high school para sa ganiyan , e. Mga tao nga naman.

Umupo na lang ako ng tahimik sa upuan ko habang nasalpak ang earphones sa tainga ko. Hindi ko alam pero pansin na pansin na 'yung siyam na kalalakihan ang nangunguna sa pag-iingay. 

Dapat pala ini-full ko ang volume ng music ko para hindi ko mapakinggan 'yung kaingayan nila pero wala , e. Sobrang ingay talaga nila. Anong oras pa kaya darating 'yung professor namin.?

Sumasakit lang lalo ang ulo ko sa kaingayan nila , e. "Hindi ba siya 'yung babaeng bigla na lamang nahila ni Third?" Masyadong malakas ang boses nila para mapakinggan ko 'yung sinabi nung lalaki.

"Paano ka naman nakaka-sigurado Lance?" Ayoko mang isipin pero ako ba 'yung tinutukoy nila? Hays mahirap maging assuming pero parang ako talaga , e.

"Pakiramdam ko lang Lex tsaka namukhaan ko kaagad siya." Sagot nung Lance ba 'yun? Nahagip naman ng mga mata ko 'yung lalaking humila sa'kin. Third yata pangalan nun!? Hays ewan ko.

Nagulat ako ng may lalaking biglang tumabi sa'kin. "Hi!" Bati niya sabay ng pag-ngiti niya. "I'm Kai." Napa-isip ako , parang napakinggan ko na yata ang pangalan na 'yun pero hindi ako sigurado kaya hindi ako sumagot.

Ngumiti ulit siya na parang ewan. "Ah! So you're Thalia." Bakit pa kasi nauso ang I.D !? Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Wala naman kasi akong paki-alam sa kaniya , e.

"Hoy! Kai alam kong gwapo ka pero mas gwapo ako. Pwede ba isantabi mo muna 'yang pagiging hot mo kahit na mas hot ako kasi parating na raw si Mr. Robinson."

"Alam ko Kris gwapo ako pero ikaw? Itanong mo sa baba mo. Tsaka alam ko ring hot ako kesa sa Venus kaya wag mo ng sabihin na mas hot ka. At saka dito ako uupo sa tabi ng magandang binibi." Sabi nung Kai kay Kris ba!?

"Gago. Hindi ka dyan uupo. Kay Calvin 'yang upuan. Ang kapal ng mukha mo na kasing kapal ng maitim mong balat na umupo dyan." Bulyaw ni Kris. Ako lang ba ang nakakarinig sa kanila?

Hanggang ngayon kasi maiingay pa rin sila , e. Mr. Robinson lumuwa ka na dyan sa pintuan parang awa niyo na po. Nagmamaka-awa ako.

"Tsk. Oo na." Wala na yatang sasabihin pa itong si Kai. Kaya lumipat na siya ng upuan. Pakiramdam ko tuloy sumaya ang puso ko dahil umalis na 'yung Kai. Hindi ko yata kakayanin ang kayabangan ng lalaking 'yun , e.

Nang dumating na si Mr. Robinson tumahimik na ang buong klase at pasimpleng nakikinig ang iba. Oo , pasimple lang. Kasi naman masyadong boring para sa kanila ang Literature kaya nga 'yung iba natutulog na lang , e.

"Hoy! Carl wag ka ngang matulog." Rinig kong bulong ng isang lalaki sa magkakaibigan. Nasa hulihan rin kasi sila , e. "Hays wag ka ngang istorbo Xian." Sabi naman nitong Carl. Hays bakit ko ba kasi pinapakinggan 'yung dalawa.

Umiling-iling naman 'yung Xian at nakinig na lang kay Mr. Robinson. Pagkatapos na mag-discussed ni Mr. Robinson nagbigay siya ng quiz at hanggang ngayon tulog pa rin 'yung Carl.

A Star In My TearsWhere stories live. Discover now