Chapter 29

19.3K 275 7
                                    


A/N: I really tried to update more dahil pasukan na naman hahaha. :))

By the way malapit na po itong matapos. Siguro 7 chapters pa? Well book 1 po kasi ito. Nagplaplano akong gumawa ng book 2. :) what do you think guys? :)






POV-Serena







Nakatingin ako sa natutulog niyang mukha. Napansin kong mukhang hindi siya nakakatulog ng maayos at mukha talaga siyang pagod na pagod at kailangan ng mahabang tulog. Nakatulog ito sa sofa sa paghihintay sa aking maluto ang hinahanda kong pasta. Hindi ko mapigilang hawakan ang gwapo niyong mukha, mang mahaba nitong pilik mata, ang matangos at perpekto nitong ilong at ang pinakagusto ko sa lahat ng parte sa mukha niya ay ang mapula-pula niyang labi na talo ang akin.



Nalaman ko kay Manong Ben na driver ni Renzo in every occasion na business related straight na tatlong buwan na daw nitong hinahatid sa iba't-ibang hotel at parati din sa airport. I was not expecting this kasi ang buong akala ko naging busy lang siya sa pambabae niya pero hindi pala. Maling -mali ako, puro na lang ako akala kaya pala late siya parating nakakauwi at maagang maaga siya nawawala sa bahay.



Nalaman ko ding kay Manong Ben na nagsisinungaling sa akin si Renzo ng sinabi nitong nasa kabilang building lang ito dahil sa totoo lang hindi nito sinabi sa aking galing pala ito sa Cebu at nagmadaling bumalik dito sa Manila. Hindi ko maintindihan bakit hindi niya sinabi sa akin.


At ang isa ko pang pinagtataka bakit hindi na lang niya sinabi sa akin na may body guards pala ako. Bakit kailangan niya akong pabantayan ng patago? Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit naghahanap pa ako ng tyempo.



Nakapalumbaba ako habang nakahawak sa pisngi nito.


"Bakit napaka komplikado mo Renzo? Hindi ko maintindihan ang mga pinapakita mo sa akin minsan ang bait mo minsan naman pinagtatabuyan mo ako."



Sinara ko ang mga mata ko at unti-unti ko ng nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya sa labi. 5 seconds lang promise.

5

4

3

2

1


Ng binuka ko ang mata ko ay parang gusto ko na ding lamunin ako ng lupa dahil ang nakabukang mga mata ni Renzo ang una ko nasilayan.

Bigla akong napatayo sa harapan nito habang nakahiga parin si Renzo sa parehong posisyon kaya lang ay nakatitig siya sa akin.


"Wala akong ginawa, good night." Walang pakundangang nagtatakbo ako papuntang kwarto ko dahil sa kahihiyan. Naman kasi! dapat hindi na lang nagising o kaya magpanggap na lang siyang tulog siya. Whaaa!


















POV-RENZO






Nagising ako ng may maramdaman akong malabot sa labi ko. Nabigla ako ng pagbuka ko ay mukha agad ni Serena ang bumungad sa akin at hinahalikan niya ako.

Ang buong akala ko pa ay nanaginip lang ako dahil sa tatlong buwan ko na pinipigilan ang sarili ko. Ang akala ko nga siguro nasisiraan na ako ng ulo dahil hinahalikan ako ni Serena at nanaginip lang ako ng gising.


Bumangon ako ng pagkakahiga at napatingin sa kumot na pinatong ata sa akin ni Serena.



hindi nga ako nanaginip na hinalikan niya ako at hindi siya nagtatakbo at nagsisigaw na wala siyang ginawa sa akin. Hindi ko maintindihan kong matatawa ba ako o maiinis sa ginagawa niya sa akin.



Tatlong buwan ko siyang hindi nilalapitan, tatlong buwan ko na tinatanong sa sarili ko kung bakit ako nagkakaganito! Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi na maalis sa utak ko si Serena, na siya na lang lagi ang hinahanap ko sa bawat oras na lumipas na hindi ko siya kasama. Na wala na akong ibang babaeng gustong makasama kundi siya.



I tried to be back to my old self. I flirted and tried to bed beautiful ladies mostly are models or known artist but every time we ar about to do it all I can think about is the beautiful face and body of Serena. And damn that face body for having this effect in me.


Dahil sa litong-lito na ako sa sarili ko kaya ginawa kong busy ang sarili ko. Tamang-tama naman na kailangan ng tulong ni Papa sa ibang business deals niya kaya ako muna ang nagpresenta. I traveled a lot nowadays na hindi na ako nakakapasok at hindi ko na masyadong nakikita si Serena.

Hindi ko parin mapigilan ang sarili kong hindi malaman ang mga ginagawa niya kaya nagawa kong maglagay sa kanya ng body guard. Para na ring protektahan siya sa kung ano mang mangyari sa kanya ng wala ako sa tabi niya. Naalala ko pa noon ng malapit siyang gawan ng masama ng mga gagong lalaki iyon. Mabuti na lang at walang nangyari sa kanyang masama.


Gusto kong tanungin kung Hindi niya ba talaga alam ang ginagawa niya sa akin. May ginawa ba siya para magkaganito ako? Na nagiging bakla ako sa sobrang pag-alala sa kanya. Napasabunot ako sa sobrang inis sa sarili ko. Her simple gestures and this damn simple kiss of her made a big impact that makes my whole effort to avoid her became worthless.






I need a cold shower right now. Really COLD.

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon