Chapter 10

27.5K 384 14
                                    

A/N: type ko ngayong magsulat :D

Serena's POV

Nakatitig lang ako sa kotse ko ngayon. Flat ang dalawa kong gulong at alam kong intended na binutas ang mga ito.

Honestly?! Pati ba naman kotse ko pinagtripan nila!

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko ngayon, papaano ako makakauwi ngayon kung hindi ko magagamit ang kotse ko?

Wala namang masakyan na taxi o kahit jeep man lang sa labasan ng school dahil masukal ang papasok sa school na to at kung gusto kong makasakay ng taxi ay malayo pa ang lalakarin ko.

Hindi naman ako maihatid ni Rezzy dahil nauna na palang umuwi ang bruha.

Ayoko ring makisakay kay Renzo lalo na at nasaksihan ko kanina sa comfort room.

Renzo kissing no making out with that damn Heidi the Octopus. Naiiyak na naman ako pero pinahid ko lang at pinigilan ko ang sarili ko. Nakakaawa lang ako.

Bakit na ba naman kasi nag-assume pa akong mag-iiba na si Renzo ng kahit kaunti lang dahil sa mag-asawa na kami?

Sinabi na nga niya sa akin na sa papel lang kami mag-asawa kaya hindi dapat ako nasasaktan pero hindi ko parin mapigilan yung sarili ko.

I love him so much that it hurts a lot.

"Serena?...." Hindi ko nilingon ang tumawag sa akin dahil baka mas lalong lumakas ang iyak ko, kahiya-hiya yun lalo.

Hindi ko napansin na nasa harapan ko na pala si Tyron at nakatitig sa akin. He held my face and wiped away my tears. Then he hugged me tightly.

"Shhhhh, it's gonna be alright." I was crying my heart out. Inilabas ko na ang lahat ng sama ng loob ko sa lahat ng nangyari sa araw na na ito.

Unti-unti na ring humupa ang pag-iyak ko at lumayo na ako ng kaunti kay Tyron. Pinahid ko ang ilang luha sa aking mga pisngi sa pamamagitan ng panyong pinahiram ni Tyron sa akin.

---------------------

Tyron's POV

She was crying so hard. And all I wanted was to comfort her.

Hindi ko alam kong anong nangyari sa kanya. O ito yung tungkol sa mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanya.

Kanina ng makita ko siya nakayuko at nakaharap sa kotse niya akala ko may tinitignan lang siya yun pala ng makalapit ako umiiyak na. Ngayon ko lang siya nakitang ganito dahil parati nga siyang masungit sa akin.

"Are you okay now?" Lumayo ng kaunti si Serena sa akin. Tumango lang ito. Ngumiti ito sa akin, alam kong hindi siya okay sobrang Namumula nga ang bilugin nitong mga mata mapapansin talagang galing lang sa pag-iyak.

Napatingin ako sa likuran ni Serena, Nakatingin sa amin si Devon at alam kong nakita niya ang lahat ng nangyari dahil sa kanina pa ito nakatayo doon at pinapanood kami.

Binaling ko npang tingin sa kotse ni Serena. Flat ang dalawang gulong sa harapan, alam kong may gumawa nito sa kanya pero hindi na lang ako nagsalita pa.

"Halika na, ihahatid na lang kita sa inyo." Hindi ko na siya pinagsalita pa at hinawakan ko na lang sa kamay para maglakad na kami papunta sa kotse ko.

Napatingin ako kay Devon na kanina pa nakayingin kay Serena. Nadaanan na namin siya ng mapatigil si Serena sa paglalakad, nilngon ko ito at nakita kong hinawakan ni Devon ang isang kamay ni Serena.

"Halika na." Nakatingin si Serena kay Devon, mababasa sa mukah nito ang pagkalito.

"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabi ko rito. Nagsukatan kami ng tingin. Walang gustong magpatalo.

"Si Tyron na ang maghahatid sa akin." Napansin kong hindi na pala nakahawak si Devon kay Serena. Ngunit nahawakan ulit nito ang kamay ni Serena.

"Let go Pare. Ayaw nga niya sayo." Sabi ko rito. Dapat hindi nito pinagpipilitan ang sarili nito kay Serena. Ayaw nga eh.

"She's my responsibility. Whether she like's it or not ako ang maghahatid sa kanya." Habang sinasabi nito iyon ay nakatingin lang ito kay Serena.

"Pare ayaw niya sayo. Hindi mo ba yun naiintindihan?" Ang kapal rin ng lalaking to.

"Ayaw sa akin? Iyan ba ang sinabi niya sayo?" He smiled sarcastically. "Last time I checked she want me so much that we end up being married.Yeah, I'm his husband so back off." Napasinghap ako sa sinabi nito kaya nabitawan ko ang pagkakahawak sa kamay ni Serena.

Dahil sa nabitawan ko nga ang kamay ni Serena ay nahila agad ito ni Devon. Ni hindi ko magalaw yung katawan ko dahil pakiramdam ko namanhid na ito. Nakatingin lang ako sa kanila hanggang sa nawala na sila sa piningin ko.

They are married. They are husband and wife.

The only girl that I loved for so many years is now married.

The only girl that I dreamed to be with is now in someone's arm.

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon