Chapter 27

20K 288 9
                                    




POV- SERENA











"What?" Tanong ko kay Rezzy na nakatingin lang sa akin.






"You tell me what S." Habang sinusubo nito ang lettuce na kanina pa nito tinutusok-tusok.


Puro gulay na ngayon itong si Rezzy dahil daw sa diet siya ngayon at tumataba daw siya. Honestly hindi ko malaman-laman bakit kailangan pang mag-diet. May iisang buhay lang tayong mga tao kaya dapat wag nating i-restrict ang sarili natin katulad ng pag-di-diet.




"Tell you what?" Sabi ko kay Rezzy habang sinusubo ko ang chicken na nilalangtakan ko ngayon. Nagiging adik na naman itong si Rezzy.






"I'll ask you straight S. What happened between the two of you? Last three months lang hindi kayo mapaghiwalay like he would stick to you and wouldn't look at any women kahit na inihahagis na nila ang sarili nila kay Devon. I even saw you at the party making out near the comfort room so I thought you two are doing well. But now look, he's with another girl on and on for three months now." We both sighed.






"Nothing is going on Rez." I smiled at her lazily.






"Really? Wag mo akong gawing bulag Serena. Your married to him and he knows how much you love him. Alam niyang masasaktan ka pag nakikita mo siyang ganito Serena. So don't tell me nothing is going on." Sumeryoso ang mukha nito.






"When I tell you there's nothing going on, there is nothing. Okay?!" Napasigaw ako rito. I sighed again. "I'm sorry. I.. I didn't mean to shout at you Rez. I have to go." Mabilis akong tumayo, dinala ang lahat ng gamit ko at tumakbo. Alam kong nakatingin sa akin ang mga tao.






Siguro nagtataka sila bakit sumigaw ako specially sa best friend ko pa. Sa nag-iisang nagtatanggol sa akin noon at magpahanggang ngayon.







What's happening to me?!





Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na namalayan kung saan ako napadpad ng paa ko.


Litong-lito ang utak ko ngayon. This past few months, Ngumingiti ako ng natural na para bang normal lang ang nangyayari sa buhay ko. Sa bawat araw na lumilipas na nakakasama ko si Tyron at Rezzy ngumingiti ako sa harap nila na para bang okay lang ang lahat.





Nagyon lang nagpagtanto na hindi naman talaga ako okay, na pinipilit ko lang ang sarili kong ngumiti. Pakiramdam ko pag-ngumingiti ako naka scotch tape ang bibig ko para lang magmukha akong nakangiti. Na para bang may nakasuot na maskara sa mukha ko dahil pinipiki ko lang ang sarili ko para magmukhang okay sa mga taong nakakakita sa akin.




Sa katunayan lang, itong maskarang nakatabon sa mukha ko ay unti-unti naglalaho at nilalabas ang tunay kong nararamdaman. Pakiramdam ko may nakadagan sa aking malaking bato sa bigat ng pakiramdam ko.





Pagod na akong umiyak gabi-gabi. Pagod na akong mag-exert ng effort para sa kanya pero kahit anong gawin ko hindi ko kayang lumayo sa kanya. Hindi ko kayang hindi siya nakikita, hindi ko kayang ipaubaya siya sa iba.




I want to hate him but I can't because I know it's my fault from loving him. I know from the very start that it would be like this and from the very start he already told me that it would be like this.




Pero bakit ganon? Bakit hindi ko mapigilang umasa na mamahalin niya din ako? Bakit hindi ko mapigilang umasa na balang araw ma-iisip niya ding ako lang ang kailangan niya at wala ng iba?



Bakit ba ako umaasa? Ngumiti ako ng mapait. Dahil mahal ko siya, mahal na mahal ko siya at kaya kong gawin ang lahat para sa kanya.




Gusto kong isipin sa sarili kong wala namang nagbago sa akin, iyong dating ako. Ako pa naman ito pero bakit ganon parang nag-iiba na ako? Ibang-iba na ako.



Ibang-iba na ako na nagawa kong sigawan ang matalik kong kaibigan at tinuring kong parang kapatid. Gustong-gusto ko talagang sabihin kay Rezzy ang lahat, ang katotohanan pero hindi ko kaya. Hindi ko magawang sabihin ang lahat dahil alam ko at naniniwala akong magiging okay rin kami ni Renzo, na wala namang dapat sabihin kay Rezzy dahil wala lang naman ito.




Alam kong nilloloko ko na naman ang sarili ko. Pero anong magagawa ko kung ito ang gusto kong isipin? Luha, mga luhang kahit anong pigil kong pahid sa aking mga kamay ay hindi pa din maubos-ubos sa aking mga mata.





Napatingin ako sa kalangitan, sa paligid ko. Dinala ako ng mga paa ko sa gitna ng field. Napaupo ako katabia ng mga gamit kong nagkalat. Nawalan na ako ng lakas na tumayo ng maramdaman kong may nakahawak sa pisngi ko at pinapahid nito ang mga luha ko sa kamay nito.






"Nandito ka lang pala." Napatingin ako sa nakangiti nitong mukha. Mabilis ko itong niyakap ng mahigpit habang mabilis ding dumadaloy ang mga luha ko. My vision wag blurred but I can feel the warmth of Tyron.






"Last night I fell in love without you.
I waved goodbye to that heart of mine
Beating solo on your lawn




Every aching wound will cauterize and bruise
In memory of what we used to call in love
And only time will tell if violins will swell
In memory of what we used to call in love
We used to call it love




Last night I fell in love without you
The coup-de-grace that set me off
Would've made for decent fiction




Every aching wound will cauterize and bruise
In memory of what we used to call in love
And only time will tell if violins will swell
In memory of what we used to call in love
We used to call it..."






Sa tuwing may nangyayari sa akin masama parating si Tyron ang nagliligtas sa akin. Sa tuwing umiiyak ako at kailangang-kailangan ko ng taong hindi manghuhusga sa akin nandiyan siya sa tabi ko. Sa tuwing kailangan ko ng masasandalan at maiiyakan parating kahanda ang braso niya para yakapain ako. Sa tuwing kailangan ko ng clown para sumaya ako ay handa siyang maging isa. Sa tuwing kailangan ko ng taong magsasabi sa akin na magiging ok din ang lahat nandiyan siya at hindi ako iniiwan.




Nakadantay ako ngayon sa dibdib niya habang kumakanta siya. Nahimasmasan na ako ng kaunti kaya lumayo na ako sa kanya dahil sa napansin kong mabasang basa na ang damit niya dahil sa luha ko.





"Sorry, nabasa pa tuloy ang damit mo dahil sa pag-iyak ko." Inabot niya sa akin ang panyong kakakiha niya lang sa bulsa niya.






"Don't worry mas ok namang hindi ako nakadamit." Then he winked at natawa ako sa sinabi nito. Kahit awkward na tumawa habang kakaiyak lang ay wala na akong pakialam. Gumaan na din ang pakiramdam ko salamat kay Tyron.



"Mag palit ka na lang, ayokong makita yang hubad mong katawan." Sabi ko dito habang pinapahid ang sipon ko s apanyo niya. Oo sanay na sa akin si Tyron na ganyan-ganyan ako.



"Namamanyak ka lang eh. Gusto mo maghubad pa ako dito sa harapan mo eh. Walang bayad, live show." Sinuntok ko ito sa braso at tumawa lang ito habang ako ay nakita na din."






"I glad that your smiling and laughing again." Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. "Whenever you feel sad, you want someone to shout to or you feel like punching someone, I am always here at your service. Kahit pa anong gawin mo sa akin o kung gusto mo nga akong i-rape o manyakin ako ok lang sa akin basta maging ok ka lang at ngumiti ulit. I want to see your smiling face now then o kahit iyong sinusupladang mukha mo na lang basta hindi lang kitang makitang umiiyak. Alam mo bang nasasaktan din ako pag-nakikita kitang ganyan. Sa tuwing umiiyak ka ng dahil sa gagong iyon parang gusto ko din siyang suntukin sa bilang ng bawat luhang pumapatak sa mga mata mo. Listen to me carefully, I love you Serena and I am willing to risk everything for you. Kukunin kita sa kanya , alam kong siya ang mahal mo pero hindi siya karapat dapat sa pagmamahal mo. Maghanda siya dahil nanakawin ko ang puso mo sa kanya."

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon