Chapter 19.2

22.4K 286 8
                                    

A/N: Pag-pasensyahan na ang mga wrong spelling dito at wrong grammar, hindi ko na macheck at maedit eh hehehehe please paki-intindi na lang thanks :)







POV-Serena







I woke up like a zombie.

Shit ang sakit ng ulo ko. Bakit kaya?

Minabuting kong inalala kung ano ang mga pinanggagawa ko.



Nagdate kami ni Renzo, dumating iyong babae na baby boy iyong tawag sa kay Renzo at pagkatapos umalis ako at nagpunta sa isang bar na mag-isa.



Lalong umasim at sumakit ang ulo ko ng maalala ko ang kasamang babae ni Renzo kahapon. Kahapon lang ako nagselos ng sobra, kahapon ko lang naramdaman ang ganoong selos ng makita kong kasama ni Renzo ang babaeng iyon at mas masakit iyong makita silang dalawang masaya kesa ang makita siyang nakikipag-ano sa kung kani-kaninong babae. Tapos sobrang ganda pa noong babaeng iyon.



Tumayo na ako na dumiretso sa cr. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin. God! I look like I was raped in the face part pero napatingin ako sa damit ko.



I don't remember changing myself last night.



Well baka sobrang lasing ko lang at hindi ko maalala at wag na akong mag-assume na pinalitan ni Renzo ang damit ko. Baka nga hindi siya nakauwi dito kagabi O kaya wala pa din siya ngayon.



Kahit anong isipin ko, talong-talo ako doon sa babae na kasama niya kagabi. Beautiful, no scratch that, she's perfect mula ulo hanggang paa. At hindi ko nararamdamang masama siyang babae, iyong feeling na wala akong nararamdamang bitchiness sa kanya parang ang bait-bait niya at ang amo ng mukha niya. Talong-talo ako, wag ng i-compare ang sarili mo Serena dahil walang-wala ka doon.


Naghilamos na ako ng mukha, nagtooth brush at nagsuklay ng buhok at inipit ko into a messy bun. Wala pa akong planong mag-shower, wala rin namang tao dito sa bahay. Alam ko dahil kasama nga ni Renzo iyong magandang babae. *sigh*

Lumabas na ako ng c.r ng mapansin kong nakaayos na nakalagay sa isang upuan ang mga damit na sinuot ko kagabi. At naka night dress pa talaga ako na bumabakat ang hinaharap ko, sa lahat ng pantulog ko ito talaga ang nasuot ko.

Nagawa ko ito kagabi ng lasing ako? Ang galing ko naman.







Bumaba na ako at nagpunta sa kitchen para uminom ng tubig at ang alam ko may naitago akong mga gamot at isa na doon ang gamot sa hangover.



"Anong gamot kaya itong nandito?"



"Gamot sa hangover, inumin mo na yan. Wag na kasing uminom ng hindi naman pala kaya."

Biglang nanigas ang katawan ko ng marinig ko ang boses niya. Nandito siya!!

Ang akala ko doon na siya nagstay sa condo kasi nasanay na akong pagwala siya nandoon siya sa condo niya. Iyon lang ang alam ko pero hindi pa ako sigurado dahil hindi naman ako nagtatanong sa kanya.

"Thank you." Mabilis kong nilunok ang gamot at ang tubig na nakahanda na sa table. Tumalikod na ako para makaalis na dito ng mabangga ko ang malaki niyang katawan.



At dahil sa napakalaking clumsy ko at sa walang kamatayang sakit ng ulo kaya na out balance ako. Inaanticipate ko na ang masakit na pag-landing ko sa tiles ng maradaman kong naglanding ako sa dalawang malalaking braso. Ang mga braso ni Renzo.

I feel so safe in his arms.

Dinantay ko ang ulo ko sa dibdib niya, pakiramdam ko unti-unting nawawala ang sakit ng ulo ko. I felt his arms encircling at my back.

Sana mag-froze na lang ang oras at ganito na lang kami habangbuhay.



"Baby, Baby Boy." Narinig ko na lang na may sumigaw na babae sa may living room at naramdaman kong bumuntong hininga si Renzo.



"Baby" Sumigaw na naman ang babae, wait babae? at Baby daw?



Don't tell me nandito siya?!



Inalalayan ako ni Renzo papuntang living room ng mapatigil ako ng makita ko ang magandang babae na nakaupo sa sala namin at nakangiti sa aming dalawa o kay Renzo lang.



Bakit siya nandito?



Napatingin lang ako kay Renzo na nakatingin din pala sa akin at parang inoobserbahan lamang ako.



Gusto ko siyang sampalin dahil sa pagdala niya ng babae dito sa pamamahay namin. Dito pa talaga sa bahay namin, sa lahat ng lugar na pwede niyang pagdalhan at siguro dito din sila gumawa ng kababalaghan sa bahay namin.



"Baby Boy akala ko wala ka ng planong lumabas ng kusina eh." Nagsalita ang magandang babae na nakatingin lang kay Renzo at nakangiti pa.

Gusto kong sigawan ang babaeng ito na umalis dito sa bahay pero hindi ko magawa-gawa at hindi ko alam kung bakit.

"George, stop calling me that." Bumuntung hininga ulit si Renzo para pigilan ang pagtawa. Naramdaman kong tumaas na ang kilay ko.

So pinagtatawanan niya pa ako ngayon?

AT bakit nga pala hindi ko man lang napansin kanina itong babaeng ito pagdaan ko papuntang kusina.

Malamang dahil sa wala na akong pakialam sa paligid habang naglalakd na parang zombie dahil sa bwisit na hangover na ito.



"What? anong masama sa pagtawag ko sayo? OMG where is my manners!" Biglang tumakbo ang babae sa akin at niyakap ako ng mahigpit na hindi ko na magawang huminga.



Nang humiwalay na siya sa akin ay napatingin lang ako kay Renzo.



"George meet my dear wife. Serena meet my cousin Georgina."





Nanlaki ang mata ko. Ano daw?



Cousin o KASIN-tahan?

Wild Beat - BOOK 1 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon