Chapter 14.3 - Haibara's Awake?!

43.6K 694 59
                                    

Ai-chan's Note: Hi! Enjoy Reading!

#DaredevilGangsters #HaiCo

___

CONAN"S POV


Nang marinig ko ang mga katagang iyon ay biglang nanlambot ang mga  tuhod ko at bumagsak ako sa sahig dahilan para mapansin na nila ako.Tumingin sila sa akin ng blangko ngunit 'di ko nalang sila pinansin dahil 'di parin natatanggap ng sistema ko ang mga katagang binitawan ng Doctor na 'yon. Hindi ako makapaniwala.

Totoo ba talaga 'to? Sana panaginip lang ang mga ito. Alam ko na ang totoo! Alam ko na wala siyang kasalanan kaya bakit nangyari 'to?! B-bakit pa 'to nangyari?!

Ikaw, ikaw ang may kasalanan Conan. Ikaw.


Tama, ako. A-ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to. A-ako dapat ang nasa k-kalagayan niya ngayon. Pinunasan ko agad ang mga luha kong tumutulo nap ala mula sa aking mga mata nang hindi ko namamalayan.


Maya-maya ay may umakbay sa akin at itanayo ako. Pasimple kong sinulyapan ang umakbay sa akin para ako'y itayo, at si Yui 'yun. Iginaya niya ako sa soa at duon pinaupo. Ngayong nakagala na ang mga mata ko, andito sina Ash at ang mga magulang ni Ai-kun na sina Tito Satoshi at Tita Ayumi.L umingon lang sila sa akin at ibinaling muli ang tingin nila kay Ai-kun.

"Iwanan muna natin sina Haibara at Conan dito." Napatingin ako kay Tita Ayumi nang bigla siyang nagsalita. Awtomatikong tumayo sina Ash at umalis ng kwarto. Umalis narin si Tita Ayumi at kasunod niya si Tito Satoshi. Subalit, bago pa man masara ni Tito Satosh ang pintuan ay tinitigan niya ako direkta sa aking mga mata.


"Take care of her."matigas niyang saad.

Tumango nalang ako sa kaniya at isinara niya na agad ang pinto.

Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Ai-kun. Hindi ko siya kayang makitang ganito. Sleeping and very fragile. Hindi ko na namalayan na tumulo na ulit pala ang mga luha ko ngunit pinabayaan ko lang ang mga 'yun tumulo.

Ngayon lang, ngayon lang ako iiyak dahil kay Ai-kun. I really love her and I regret when I let my anger prevailed within me. I-it's my biggest mistake and it leads to destruction, to the accident of Ai-kun.


"A-ai-kun." nauutal kong saad dahil sa pag-iyak ko. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil.

"I-I'm sorry." Dagdag ko pa at nilagay ang kamay niya sa pisngi ko.


"Ai-kun, I'm sorry to what I've done. It's my fault for not believing you. It's my fault because I didn't consult you on that matter. I'm very sorry. I-I'm terribly sorry." Napahigpit ang pagpisil ko sa kamay ni Ai-kun dahil sa paghihnagpis. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya.

"Sana mapatawad mo ako, Ai-kun. Mapapatawad mo pa ba ako?" hinawi ko ang buhok na humaharang sa inosente niyang mukha. Halos mapaluha ulit ako nang makita ko ang benda niya sa leeg, ulo at mga paa, too many sufferings for her to bear.

"Pangako, simula ngayon, hihingin ko na ang testimonya mo. Paniniwalaan na kita. At hindi na kita iiwan pa ulit." Saad ko at hinalikan ang noo niya. Inalis ko na ang pagkakahawak ko sa mga kamay niya at pinunasan ang mga luha ko. Bumuntong hininga ako.

"Kaya, kailangan mong lumaban. Magising ka na, ha?" saad ko habang nakahalumbaba. Pinaglaruan ko ang buhok niya sa mga daliri ko hanggang makatulog ako.

__

Naalimpungatan ako nang marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Sinagot ko ito.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Hello, Conan? Magpahinga ka na. Kami muna ang magbabantay sa kaniya. Papunta na kami." Napaayos ako ng sarili ko.

"Sige po." Tugon ko at binaba na ang tawag.

"Ai-kun, aalis muna ako. Babalik ulit ako bukas. I love you." Saad ko at hinalikan siya sa noo. Tumungo na ako sa pinto at marahang sinara ito.

Sana magising ka na.


__

EMPEROR ICHI'S POV 

Nalaman ko ang plano ni Emperor Juu (Emperor Ten)  na lumikha ng isang gyera regarding sa 7 Killing Sakuras na tutol ako. Ang ayoko sa lahat ay ang mga taong ganid at maghahatid lamang ng isang kaguluhan sa Assassin's World. Kaya nga mayroong Emperors at Empresses dahil sila ang magpapanatili ng kapayapaan sa Assassin's World hindi ang maging pasimuno ng kaguluhan at gyera.

Bilang Leader ng mga Emperors, kailangan kong kumilos at pigilan iyon. Si Emperor Juu ang may pakana ng lahat, ang pinakamahina sa aming lahat dahil siya ang Tenth. Siya pa talaga ang nagbalak na lumikha, ni hindi niya lang iyon sinabi sa nakakataas o sa akin.

Kaya kaagad akong pumunta sa Condo Unit niya at kinompronta siya. Ang ayoko sa lahat ay kumikilos ng sarili niya lang at hindi sinasabi sa akin. Hindi ako makakapayag duon. Hindi rin naman naglaon ay sumuko rin siya.

Ngumisi nalang ako nang lumisan na ako sa lugar niya. Buti naman at mapipigilan ko ang gyera na dapat magaganap at naligtas ko rin ang anak ko dahil dito.

__

CONAN'S POV

Sumakay na ako sa motorbike ko at pinaandar na papunta sa Hyde's Hospital para makita ang pinakamamahal kong si Ai-kun. Apat na buwan na ang lumipas nung mangyari ang aksidenteng iyon ngunit 'di parin ako nawawalan ng pag-asa na magigising siya dahil alam ko na magigising siya para sa'kin, sa magulang niya at mga kaibigan niya. Kaya, hindi ako nawawalan ng pag-asa na magigising pa nga siya.

Ngayong araw na ito, kaarawan ni Ai-chan. January one, new year na new year pero parag hindi pa ata siya magigising. Subalit, kahit na ganun, may dala akong regalo. Isang gold necklace na may disenyo ng isang yin yang. 'Yun ay hango sa tattoo niya sa may braso kaya 'yun ang pinagawa ko para maging disenyo ng kwintas.

Pagkarating ko sa kwarto niya sa Hyde's Hospital, anduon na sina Ash, mga ka-gangmates ko at sina Tita Ayumi at Tito Satoshi. Nginitian ko lang sila at nginitian din nila ako pabalik. Sinara ko na ang pinto at pumunta sa tabi ni Yui. Nakatingin ako kay Ai-kun at natutulog parin siya. Humaba narin ang buhok niya at wala narin ang mag benda niya. Hilom na hilom na ang mga sugat niya kaya, bakit hindi pa sya nagigising?

Umupo na ako sa sofa nang nagsimula na ang kainan. Sabi ni Tita Ayumi, 'wag ko raw gagalawin ang Tocino at paborito raw 'yun ni Ai-kun. Napabusangot nalang ako. Kasi naman, paborito ko rin naman 'yun pero hayaan na, mamaya biglang magising si Ai-kun, hindi ba?

Mabilis na lumipas ang oras at umuwi na sila at ako lang ang nagpaiwan. Ala sais na at ako ang magbabantay kay Ai-kun magdamag. Tinitigan ko ang inosente niyang mukha. Hay, sana magising na siya. Kaarawan niya na kaya ngayon at seventeen years old na siya!

Hinawakan ko ang kamay niya at marahan itong pinisil at hinalikan. Lumaki ang mga mata ko nang gumalaw ang mga daliri niya na hawak-hawak ko.

"Ai-kun, magigising ka na ba?!" bulalas ko. Halos umabot sa tenga ko ang ngiti ko nang makita ko ang sunod na nangyari.

Ang marahang pagmulat ng mga mata niya.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon