Chapter 4.3 - Bully

80.7K 1.3K 78
                                    

HAIBARA

Sinalubong na namin ang atake ng mga kalaban. Naging maingat ako sa paglapat ng mga bats sa katawan ko dahil kung nagkataon ay napakalaking damage ang matatamo ko galing doon. Walang emosyon ang mga butlers at para lang silang mga robots na sumusunod sa utos ng amo nila---si Nathalie.

Tatlong butler ang kumorner sa akin. Sa una ay walang gumalaw at pinakiramdaman ang isa. Obviously, I am outnumbered. Tatlo sila, isa ako. But heck, quality over quantity. Kung ikukumpara kami sa mga paninda sa isang tindahan, sila ang mga malapit nang ma-expire at ako naman ay ang bagong labas pala sa stocks. 

"Matapang ka, younglady." komento nang isa at binalak akong hampasin nang bat niya. Hinatak ko agad ang katabi kong butler at siya ang pinatama ko roon sa atake ng isa. Nawalan naman agad ng malay ang ginamit kong pangsangga at bumagsak sa sahig. Pinulot ko ang bat na hawak nito at hinarap ang natitira pang dalawa.

"Parang ang unfair naman diba kung ang younglady na nasa harapan niyo ay wala manlang armas?" saad ko at inatake sila. Sinalubong nung isa ang tira ko habang ang isa naman ay nagpunta sa likod ko. Agad kong sinipa ang nasa likuran ko nang akma niya akong hahampasin ng bat na hawak niya. Dahil natuon na angatensyon ko roon ay hinampas ng kaharap ko ang bat niya sa akin. Pinilit kong makaiwas pero nag-landing parin ang bat niya sa balikat ko.

"So, hindi nga kayo ordinaryong butlers, huh?" komento ko at sinapo ang balikat ko. It screams pains. Nanunuot sa kalamnan ang pwersa ng bat na hinampas niya.

"Ipagpatuloy niyo lang 'yan! Doble-pay kayong araw." komento ni Nathalie. Tinignan ko siya nang matalim at akmang lalapitan nang bigla akong itulak sa sahig ng mga butlers na kalaban ko. Mabilis akong tumayo pero naunahan agad nila ako. Inatake nila ako kahit nakaupo parin ako sa sahig. Sinalubong ko ang mga atake nila. 

"Grab the opportunity nga naman." saad ko at pinuwersang ilayo ang mga bat nila sa akin gamit ang bat ko. Nang mailayo ko ay akmang tatayo ako nang salubungin nila ako ng mga bat na magkasalunga ang direksyon---isa  sa harap at isa sa likod. Kaya imbes tumayo ako ay napahiga nalang ako ulit.

"Trabaho lang, walang personalan." sabay nilang saad at sinubukan akong atakihin kahit nakahiga pa. Gumulong-gulong ako para maiwasan ang mga atake nila. Jeez. Laking pagpapahirap ng mga 'to. Isama pa ang nanakit kong balikat. 

Mabilis kong ginala ang mga mata ko sa kanila at nakita kong open ang mga paa nila. Nagpatuloy lang ako sa pag-iwas ng mga atake hanggang makalapit sa gawi ng mga paa nila. 

"Sorry but the game is over." saad ko at pinulupot ang magkabilang binti ko sa mga paa nila. Hinatak ko ang mga 'yon palapit sa akin kaya natumba sila agad at humampas sa kanila ang mga bats nila. Kinuha ko ang tyansang tumayo at agad na pinag-untog ang mga ulo nila.

"Sleepwell." saad ko at binagsak na ang ma ulo nila sa sahig.

"Ichi!"

 Naalerto agad ako nang may naramdaman akong presensya sa likod ko. Kulang na ang oras para makaiwas o lumingon paharap. Kusang gumalaw ang katawan ko pakaliwa nang may bumagsak na kung ano sa sahig. 

Isang walang malay na butler. 

Pagtingin ko sa gilid ko ay andoon si Yui na ibinababa palang ang butler niyang hawak. Pinasadahan niya ako nang tingin at tsaka bumalik kina Miwa. Doon ko lang napansin na tapos narin pala sila at napabagsak narin ang mga butlers na kinalaban nila. 

"I-impossible." narinig kong saad ni Nathaliesod kaya napalingon ako sa kaniya. Akmang tatakbo siya nang bigla siyang hawakan sa braso ng magkapatid na Waileys.

"Think you can escape from her wrath?" saad ni Ash.

"Be ready. It's payback time." dagdag naman ni Gin at binalibag si Nathaliesod sa harapan ko. Marahas kong inabot ang wavy niyang buhok at hinigit ang ulo niya para humarap sa akin. Nangingilid na ang luha niya at nanginginig narin ang labi niya. Nanlambot na nga ang tuhod kaya hindi na siya makatayo pa at nanatiling nakaluhod sa harapan ko.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon