Chapter 7.1 - The new member.

63K 1K 32
                                    

GIN'S POV

Inangat ko ang paningin ko. Hyde's Exclusive HospitalTama, dito nga. Umabante na ako at awtomatikong bumukas ang sliding door. Tss! Bakit ba kasi kailangang poisoned ang batuhin ni Yui duon kay Jane?! Tuloy, ako pa ang nautusan na kumuha ng antidote.

Maya-maya lang ay nakarating narin ako sa destinasyon ko. Ang Emergency Room. Pagkapasok ko ay napagtanto ko na walang mga civilians sa loob kundi kaming Maja's Gang lang,mga doktor at pati narin ang mga nurse. Sabagay, magkahiwalay kasi ang E.R ng Hyde's Family. May sarili silang E.R na sadyang pinagawa para isagawa ang pag gagamot nang pribado, para walang makaalam.

Tumungo ako sa stool at umupo. Nakakangalay din kasing tumayo.

"Grae, musta na daw si Yui?" tanong ko kay Grae nang umupo rin siya sa tabi ko. Napalingon siya saakin habang nakahawak sa lollipop na nasa bibig niya. Hinugot niya ang lollipop at binuka ang bibig.

"Nawalan daw ng ulirat si Ate Yui dahil sa blood loss pero wala naman daw problema sa pagsalin ng dugo dahil Type AB siya. Diba Ate Gin, universal receiver ang AB? Kaya wala daw problema." paliwanag niya at sinubo ulit ang Lollipop. Napatango nalang ako.

"Si Jane? Musta daw siya?" tanong ko ulit sa kaniya. Narinig ko siyang suminghal kaya napatingin ako. Hinugot niya muli ang lollipop niya sa bibig niya.

"Ah, That bitch? Hmp! Ligtas daw, kasi ang binato ni Ate Yui ay low quality na poison lang kaya hindi agad kumalat. Inis nga!" parang bata niyang saad at marahas na sinubo muli ang kaniyang lollipop.

"Malay mo, ginawa lang 'yun ni Yui para makakuha ng impormasyon mula kay Jane. It's possible." saad ko nalang. Maya-maya ay dumating na si Hannah. Umupo siya sa katapat namin stool habang nakatupi ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib. Hula ko tapos na ang Blood Transfusion para kay Yui dahil nakabalik na si Hannah. Si Hannah kasi ang nagdonate ng dugo. Type O siya at pwede siyang magbigay ng kaniyang dugo sa kahit ano mang blood types dahil ang Type O ay isang universal donor.

"Papasok tayo bukas ng wala si Yui at Miwa." saad niya. Tumango nalang kami bilang pagsang-ayon.

"At dito na tayo matutulog. Baka kasi pag nagising 'yang si Jane, tumakas pa. Kahit na mahigpit ang seguridad ng silid na ito, mas mabuti nang nakakasiguro." dagdag niya at naglakad patungo sa isa sa mga higaan na naadnito sa silid na ito. Walong higaan ang meron dito na sakto lang saaming lahat. Dinagdagan kasi ang silid na ito ng isa pang higaan kanina para kay Jane.

Tumayo na ako at tsaka sinimulan nang tumungo sa higaan ko. Ganun rin ang ginawa nina Ash pero napatigil ako nang biglaang nagsabi si Hannah.

"Gin,turn off the lights." utos niya. Napasinghal ako. Padabog kong sinara ang switch ng ilaw at tsaka tumungo sa higaan ko. Bakit ba kasi 'yung higaan ko ang malapit sa ilaw?! Aish!

___

HAIBARA'S POV

"Oha-you-gu-zai-mas! Oha-you-gu-zai---" Ugh! Kinapa ko ang alarm clock at tsaka agaran itong binato. Aish! Pati ba naman dito sa Hospital may pesteng alarm clock?!  

"Ohayou guzaimasu.- (Good morning.)bati saakin ni Yui. Teka..Yui?! Napatingin ako agad sa kaliwang higaan na katabi ko at duon ko nakita si Yui na naka-upo na at naka-sandal sa headboard.

"Okay ka na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Oo, okay na ako pero medyo kumikirot lang 'yung sugat ko sa tagiliran at ayoko narin dito sa Hospital." tugon niya na 'di manlang lumingon saakin. Ginala ko ang paningin ko at napagtanto ko na wala na pala sina Ash, siguro pumasok na. Napansin kong gising narin si Miwa at si Jane...nakatingin lang sa kawalan.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon