Chapter 11.1 - Someone is really evil.

51.2K 837 80
                                    

Ai-chan's Note: Hi!! Meron na po tayong group at page sa FB! Kindly like it and join to our group! It would be definitely fun!

Enjoy Reading!

_____

HAIBARA'S POV

Aish! Wala parin ang mga ka-gangmates ko hanggang ngayon? First Period na oh! Tch. Humalumbaba ako at tumanaw nalang sa kawalan. So freakin' annoying.

"Aga natin ah! Ai-kun." may umupo sa tabi ko at inakbayan ako. Lumingon ako sa kaniya gamit ang gilid ng aking mga mata.

"Tsk." tugon ko nalang at lumihis ng tingin. Kitang nakatanaw ako sa bintana ng kawalan.

"Ai-kun, galit ka ba sa'kin?" tanong niya at yinugyog pa ako.

"Hindi." mahina kong saad at hindi siya pinasadahan ng tingin. Ugh! Pinagtitinginan na kami ng tao rito sa room dahil sa kaniya! Ano ba?!

"Sorry." pagpapa-umanhin niya at biglang dumilim ang mukha. Napapikit kao ng mariin. Nakonsensya tuloy ako bigla.

"It's okay." I replied at lumihis ulit ng tingin. 

''Goodmorning Class! Take your seats!'' saad nung professor na kadadating palang. Siya ay may salamin, maputi at may mahabang unat na buhok na nakapuyod sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo. Kumbaga, nakababang pigtail. Umayos ako ng upo habang sina Cy-kun na kasama pala ang mga ka-gangmates ko ay bumalik na sa kanilang mga sari-sariling upuan.

"First of all, The admin told us teachers, that the Contest between three schools is now canceled. By the way, I am your new homeroom teacher, Yamaguchi Kumiko." saad niya at nagsulat ng name niya sa board pero habang nagsusulat siya ay binabato siya ng papel. Dahil sa tindig at itsura niya na....

"Walang kwenta!"

"Dork!

 Pati mga babae, nakikisama narin pero si Miss Kumiko, bumuntong hininga lang at pinagpatuloy ang pagsusulat. Tch, anong klaseng teacher.

Habang nagsusulat si Miss Kumiko ay may nagbato ng tennis ball sa kinaroroonan niya. Napangisi ako nang makita kong nasalo niya ito gamit ang kaliwang kamay niya habang nakatalikod sa amin. I think i know this person already. Biglang tumahimik ang buong class room. Napaiing ako. Na-shock ata.

Humarap si Miss Kumiko at inosenteng ngumiti. Psh. Kahit kailan, best actress talaga. Binato niya ang tennis ball sa bumato nito at pinagpatuloy ang pagsusulat habang ang bumato sa kaniya ng tennis ball ay napaupo dahil sa lakas ng impact. Reckless judgments wouldn't do better on you.

Pinagpatuloy ni Miss Kumiko ang pagsusulat at ang dating maingay na classroom ay biglang naging tahimik at nakikinig sa mga nilelesson niya. Pwera nalang sa'kin, nakakatamad makinig sa isang lesson na napag-aralan ko na. It's too boring.

Maya-maya lang ay may naramdaman akong isang bagay na papalapit sa kinaroroonan ko kaya walang alinlangan ko itong sinalo gamit ang dalawang daliri ko at napatingin dito. Tss, chalk

''Hello irma mais velha. (older sister)''nakangisi kong sambit sa kaniya. Napapitlag naman siya sa sinabi ko at napakurap ng ilang beses. Portuguese ang linggwaheng ginamit ko sa kaniya dahilan para mapakunot noo ang lahat ng kaklase ko.

Daredevil GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon