Rage and Rebellion

1.5K 71 16
                                    

Huminga ng malalim si G, filling his lungs with as much air as he could.

"Summoning technique!" sigaw ni Miruto.

Naputol ang momentum ni G at napalingon siya sa ni-summon ni Miruto. Wala pala itong na-summon. Hindi pa niya nasusugatan ang kanyang daliri.

"Hehe. Ginugulo lang kita." sabi ni MIruto.

Bumalik si G sa pag-inhale. Dahil sa inis binilisan niya ang paglipad at paghigop ng hangin.

"Si Christine Reyes naliligo sa batis!" sigaw ulit ni Miruto.

Mabilis na naglililingon si G, hinahanap ang naturang batis. At bago pa man niya ma-realize na niloloko lang siya ni Miruto...

"Summoning technique!" sigaw ni Miruto, matapos guhitan ang palad ng dugo na natiris niya sa natagpuang garapata.  At finally may nagpoof na nilalang in midair, isang dambuhalang frog. Kasing laki nito ang isang

volleyball.

Yan na ang pinakamalaki na available sa earth. Kung may malaki pa diyan, sa anime lang yun.

Nataranta si G habang hindi pa nagki-clear ang clouds na dala ng technique.

"Sino'ng tumawag sa akin?" sabi ng malaking boses ng palaka.

"Ako." sabi ni Miruto.

"Ay. Dragon ka naman pala, papa-resbak ka sa palaka? Layas na ako dito." sabi ng palaka bago um-exit.

What a waste! Pero at least na-distract si G. Nakatakbo at nakapagtago na ang mga tao.

"Hindi mo ako matatalo Miruto. Estudyante lang kita." sabi ni G. Ni-expand niya ang kanyang mga muscles at nangintab ang mga ito sa sobrang laki.

Hindi nagpatalo si Miruto. Itinaas niya ang mga braso at ni-curl ang mga ito hanggang sa nag-pop ang mga muscle at nagmukha siyang binulutong. 

"You stand no chance," banta ni G sabay hampas ng kanyang buntot kay Miruto. "Ni-seal ko ang real powers mo."

Nag-concentrate si Miruto sa pag-ilag sa tail-attack ni G, hanggang sa napagod siya at natamaan. Napatag ang bundok na napag-landingan ng tumilapon na si Miruto. Nabalian siya ng dalawang buntot, tatlong daliri sa paa at apat sa kamay, at dahil doon, dumugo ang kanyang mouth. Hindi na nakabangon si Miruto.

Nilapitan siya ni G. At sa di inaasahan nakadama ng awa si G sa paborito niyang estudyante habang ito'y nakahilata sa lupa na nanginginig sa sakit ng mga natamong damage.

Naalala ni G na siya ang nagsilbing magulang ni Miruto simula nang maipatawag ito sa office niya. Lagi niyang sinasamahan ito sa dentista. Naalala niya ang unang beses na namasyal sila sa amusement park, ang bawat pagturo ni Miruto sa mga makukulay na kendi, ang panlalaki ng kanyang mata habang nanonood ng pyrolympics, at ang mga panahong tinatabihan niya sa pagtulog si Miruto sa tuwing may thunderstorm. Gumawa pa siya ng scrapbook ng mga memories na ito.

Nagbalik sa eksena si Pearly, and now she's not alone. Kasama niya ang grupo ng mga dragon na hindi naman talaga sumusuporta sa paghihiganting ito. Nagtipon-tipon din ang mga supporters ni G. They face each other in the battlefield. Dragon laban sa dragon. And G thought to himself, "ito ba talaga ang gusto ko?"

"Everything went wrong," sabi ni G sa kanyang sarili. "We shouldn't be fighting each other. Now we are acting like humans." 

Many years of preparation and brainwashing, only to stop as soon as war started and go home as if nothing happened? This is not G.

"Attack!" G declared.

---

"Nadare. Saiha. Homura. Setsuna. Madoka. Rui. Koku. Obeshi. Denaerys." bulong ni Miruto sa sarili.

"May flame dragons ka?" tanong ni Jennifer kay Miruto na nakahiga sa isang sulok habang naglalabanan ang mga dragon.

"Hindi, binilang ko lang kung kumpleto pa buntot ko," sagot ni Miruto. "JENNIFER! You're here!

Oh, all my nine tails have been released! How?"

"We're running out of time Miruto. Everything is almost burnt down. Look around." 

Sa puntong ito nadaig na ni G ang grupo ng mga nagrebelde laban sa adhikain niya. Nakakalat ang mga katawan ng mga namatay na dragon at isa sa kanila ay si Pearly. 

"I was supposed to save her. I failed." sabi ni Miruto bago inihagis ang sarili sa lupa at humagulgol.

How do we end a war? I have spent hours watching the news and making lengthy comments about the war in Mindanao, the war against hunger and nothing changed except for the channel. I remained a spectator, waiting for the result of the game, waiting for the bullets to reach my doorstep and finally get to be involved first hand.  I am the most opinionated person of all yet I am sitting here.

Am I just powerless? Is it impossible to help?

But have I tried?

Easy to say.

Seryoso na bigla. Ginugulo lang kita. Happy Birthday.

---

Habangan.

Ang Dragon ni JenniferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon