Hungry Holdaper

11.6K 238 101
                                    

Kung hindi nila kayang ngitian siya kahit peke lang, they simply keep their distance.

Fear is the greatest factor for the peace and order of Ozamiz city. It intimidates the sharp mouths, creates an impression of supremacy and bends the hands of rebellion. All may be a projection of peace, but it's undeniably effective.

The Mayor sits proud for this record. He has the wit to lead, and ambitions to motivate him. More than anything else, he has a dragon underling. 

At si Jennifer ay ang kaisa-isang anak ng Mayor ng Ozamiz. Mahilig siya sa ubas at kumakain siya ng kahit anong gulay maliban sa okra. Best character introduction. Ever.

—-

"Class, this is a goat."sabi ni titser sabay gesture sa kulungan ng kambing.

Nag-field trip ang grade four ng Empire State Elementary School sa nag-iisang zoo sa kanilang munting bayan at ang zoo na ito ay hindi tulad ng zoo sa Maynila.

"Okay class, this is a horse..." sabi ulit ni titser sabay turo sa kulungan ng horse. Panay naman ang 'wow' ng mga bata. Bakat na bakat sa mukha nila na minsan lang sila makakita ng horse na nakakulong. Madalas nilang makita ang horse na may hatak-hatak na kalesa, yung mukhang haggard at bumubula ang bibig.

"Why are they so amused seeing caged animals?", tanong ni Jennifer.

"Don't look at it that way." Sagot ng kanyang yaya na first year sa school of law. "What I see are not caged animals. I see a representation of a specie, an amazing creature. Somewhere, these creatures live in peace in their natural habitat. And somehow, I feel a pulsing concern that the world they are living in may not be as safe as before...

The zoo is marketing these animals' survival. It educates and opens awareness at the same time."

Napanganga si Jennifer, hindi dahil nag-english na naman ang yaya niya kundi dahil ito ay natural na talaga niyang ginagawa.

"Why would you take them away from home? From where they truly belong? Why deny them of freedom?" Tanong ulit ni Jennifer.

"A lion in its savana can run around, sit and sleep anywhere it likes, but has to hunt hard for food, and protect itself from threats. Whilst a lion in a zoo may not be so privileged with a wider space, but it's needs are relatively assured. Freedom is not about the difference between land area. Anyway, cages has its' versions. You'll see when life traps you in one of its situations." Speech ni yaya.

Bago pa man lumalim nang lalo ang english ni yaya, nag-walkout si Jennifer. Naglalakad patungo sa kulungan ng paborito niyang hayop.

—-

"Mickey Mouse! Scooby Doo! Cinderella!", sabi ni Jennifer habang pinagtuturo ang tatlong buwayang nagsi-swimming sa artificial swamp. 

Dumating ang isang zoo-keeper na may dalang balde ng pagkain para sa mga buwaya. Nag-glitter ang mga eyeballs ng tatlong buwaya at pumwesto malapit sa maghuhulog ng food. Ihuhulog na sana ang unang piece of meat sa kulungan nang biglang may sumigaw.

"HOLDAP! Ibaba mo yang karneng hawak mo!", sabi nang boses. "And RUN beybeh RUN..."

Pagkalingon ng zoo-keeper sa source ng boses tumakbo siya agad, hindi dahil natakot siya sa histura ng nagdeklara ng holdap kundi dahil, unexpectedly, nagsasalita ito. Nagwala naman ang tatlong buwaya sa kulungan na para bang muntik na silang manalo sa suertres. Dumapa si Jennifer at nakita niya ang kakaibang nilalang habang inilipad nito ang balde sa loob ng kulungan ng mga crocs. At doon hinati niya sa kanilang apat ang pagkain. 

"Okay everybody... Mind your own food. It's been fairly divided. Let's eat." sabi ng nilalang. 

Bago pa man makakain ang nilalang, inatake siya ng isang buwaya. Simple lang ang sumunod na pangyayari... Binugahan siya ng nilalang ng apoy. Na-abo ang buwaya. Nagkatinginan ang dalawang natira and they decided to mind their own food. 

"Cinderella... huhu." Whispered Jennifer. Maluha-luha siya habang nakatingin sa alikabok na naiwan ng buwayang pinangalanan niya. Ngayon sigurado na siya na ang nilalang na ito ay Dragon. Ngayon lang siya nakakita ng dragon na hindi kasing amo ni Pearly, ang dragon ng kanyang tatay.

Dahan-dahang gumapang si Jennifer papalayo nang harangan siya nito.

"Hey there." Bati nito. At itinuro niya ang tumbler na naka-sling kay Jennifer. "Penge ako n'yan please."

Nagkatinginan sila ng matagal. At umuhip ang maalikabok na hangin.

Nabahing ang dragon.

Nabahing siya with FIRE.


And Jennifer found herself ablazed.


Will Jennifer survive this? But how? Why is this chapter mostly in tagalog while the previous one is mainly english? Hey Mickey you're so fine, you're so fine you blow my mind? Hey Mickey?

—-

Habangan.

Ang Dragon ni JenniferOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz