Chapter Nineteen

113K 3.8K 406
                                    

CHAPTER NINETEEN

"PAPA, wala talagang nangyari. You saw us! We're both fully clothed!"

Matalim siyang tinignan ng ama. "Did I give you permission to talk?"

Umurong ang dila ni Czarina at napatingin kay Bari na tahimik lang kanina pa.

Mula nang nahuli sila sa hindi kaaya-ayang posisyon kanina ay puro ang Papa niya na ang galit na nagsasalita. Parehas sila ni Bari na mga maamong tupa ngayong nakaupo sa loob ng personal office ng Papa niya.

"You," sabay turo nito kay Bari. "I trusted you! I trusted my daughter to you! Dahil tinitingala ko ang ginawa mong paghihintay. Ngunit matapos lang ang ilang linggo na puwede na ay ganito ang makikita ko?!"

Bari won't look at her. He was humbly looking at her father. "I'm sorry, Sir..." mapagkumbabang sabi nito kahit wala naman talaga itong kasalanan.

Napalunok si Czarina. It was her fault! This was her fault!

"I respected you, young man. But you failed me."

"Papa! Wala siyang kasalanan—"

"Quiet, Clara!" sigaw na sa kanya ng ama. "Isa ka pang bata ka! Hindi ko na alam kung anong kulang sa pagpapalaki ko sa'yo!"

Napalabi siya. "P-Papa, wala talagang nangyari..."

"Magkakaroon pa lang kung hindi ko kayo nahuli!" Halos maglabasan na ang litid nito sa leeg sa sobrang galit.

"W-We're just talking, Papa!" Hindi magawang maamin ni Czarina na siya ang may pakana nang lahat dahil baka lalong makunsimi ang ama.

Humarap ulit ito kay Bari. "At sinakto niyo pang 'mag-usap' kung kailan solo niyo ang buong bahay?" sarkastikong wika nito. "What a very good place to do something stupid! At sa loob pa ng pamamahay ko? Really, Mr. Delos Santos?"

Napabuntong hininga si Bari. "Forgive me, Sir."

"Bakit ka nagso-sorry?" harap niya kay Bari. "W-Wala ka namang kasalanan eh..." Nangilid na ang luha sa mga mata niya. "Papa, please. Bari has nothing to do with this."

"But he's on top of you!"

"Nadulas siya, Papa. Aksidenteng natumba kami--"

"Maria Clara, nagamit na ang ganyang rason! Hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko malaman kung anong gusto niyong gawin!" Nakuyom nito ang mga kamay. Ang mga kamay din na iyon ang sumuntok kay Bari kanina.

Her father was still strong at fifty-five. Patunay iyon ay ang nagdugong gilid na labi ni Bari kanina. Kung hindi pa siya pumagitna at baka may pasa pa si Bari ngayon. Oh, her poor love!

"Sinira mo ang tiwala ko sa'yo," mahinahon ngunit may diing sabi pa nito kay Bari.

Napayuko ang nobyo.

Lumapit siya sa ama. "Pa... Bari has been treating me like a princess. Bari has been respecting me the whole years that passed. Kahit nang naging kami na. He doesn't take advantage. His... He..." Napayuko na rin siya. "He loves me, Papa. Believe me, he doesn't have plans to disrespect you and our house. He's been the most perfect gentleman..." Hinawakan niya ang kamay ng ama. "Pa... punish me. I won't complain. Pero magtiwala ka kay Bari. Kung nandoon ka kanina..." napalunok siya. "You'll be proud of what he has done and what he has told me."

Kunot-noo pa rin ito. "What did he say?"

Napaangat ng tingin sa kanya si Bari. She looked at her love and smiled at him. "That I should wait. That no one deserves the whole of me, not even him. Unless he's married to me."

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon