Chapter Thirteen

111K 3.7K 567
                                    

CHAPTER THIRTEEN

NAPAPIKIT sabay takip ng mukha si Czarina. Nahihiyang yumuko pa siya at hinihiling na sana ay kainin na siya ng lupa. Parang maiiyak siya sa sobrang kahihiyang nararamdaman.

Paano ba siyang nagpakakampante na hindi siya mabubuko ni Bari at habambuhay niya maitatago ang pagnakaw ng halik rito?

"Czarina."

Hindi siya nag-angat ng tingin sa binata. Gusto niya nang tumakbo papasok sa loob ng gate nila papunta sa bahay nila at diretso agad siya sa kuwarto para magkulong. But that's so childish. Dalaga na siya, eh. Kailangan niya nang harapin ito.

Humugot siya nang malalim na hininga at saka nag0-angat ng tingin. Ngunit nang magsalubong na naman ang mga mata nila ni Bari ay napayuko na lang ulit siya at napatakip muli ng mukha.

"I-I'm s-sorry..." parang maiiyak na talaga siya sa sobrang pagkapahiya. Why, oh why?

She heard him sighed. Ngunit hindi ito nagsalita.

Sinubukan niya ulit mag-angat ng tingin ngunit hindi niya na masalubong ang tingin nito. "B-Bari... s-sorry talaga. Ano... I just like... t-tried it."

"You were curious?" mahinang tanong nito.

Tumango na lang siya. "I was. Si Rayah kasi, eh!" paninisi niya pa sa walang kamalay-malay na blockmate. Tumingin siya sa CCTV camera na tapos nang ikabit sa taas ng gate nila. "Ano... n-nakita ko sila ng boyfriend niya na naghahalikan sa UP kaya ano... I was just curious h-how i-it..." What a shame, Czarina. What a shame. "I was just curious how it felt like."

"That's it?" he asked. Parang may iba itong sagot na gustong marinig.

Ngunit tumango na lang siya kahit na may iba pa siyang rason. She stole a kiss from Bari because she... she badly wanted to kiss him. Pero hindi naman siya pagbibigyan nito kahit humiling siya. Like, they need to wait until she graduates and everything is legal to do.

Napatingin na siya rito nang marahan itong tumango at saka tumalikod na. Naglakad na ito pabalik sa sariling bahay.

Napakurap siya at awtomatikong humakbang ang mga paa niya pasunod rito. "A-Am I forgiven?"

Nagkibit baikat ito. Hindi lumilingon.

Napalabi siya. "Pagalitan mo 'ko, okay lang..."

Huminto ito at nilingon na siya. Tumama tuloy siya sa likod nito dahil tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.

"Don't do it again," mariing wika nito. "Don't do it if you're just curious. I'm telling you, Czarina, you wait."

Maamo siyang tumango kahit ayaw niyang ginagamitan siya ng ganoong tono. Sa lahat ng manliligaw, si Bari ang nanenermon.

"Huwag ka nang magalit..." nakalabing pakiusap niya.

"Hindi ako nagagalit," seryosong wika nito. "I'm just telling you that curiosity for those kind of stuff could lead you to trouble now. May mga bagay na hindi ginagawa sa ganitong panahon, Czarina."

Nalukot ang ilong niya. Alam naman niya iyon. But the temptation yesterday was too strong. Bari's lips were inviting her to sin!

Dahan-dahan niyang sinalubong ang mga tingin nito. "I'm really sorry for stealing a k-kiss from you," she humbly said and smiled shyly. "Ano... puwede ko namang ibalik," she tried to joke.

Ngunit lalo lang nangunot ang noo nito.

"Ang big deal naman sa'yo," nanulas mula sa kanyang bibig. "It was just a peck if you have watched the video." Nawala ang kahihiyan niya bigla. "At lalaki ka naman. Ano ba ang ganoong halik sa'yo? Wala lang naman panigurado."

Touch Me More (More Trilogy #1)Where stories live. Discover now