Chapter Four

141K 4.1K 493
                                    

CHAPTER FOUR

TAMAD na tamad si Czarina pagkalabas pa lang ng gate nila. Monday na naman. Papasok na naman sa school. Napahikab siya.Ayaw niyang pumasok pero pagagalitan siya ng Papa niya. Dapat kasi nagkunwari na lang siyang may sakit. Pero ang Yaya niya, hindi na naniniwala sa arte niya.

Kailangan niyang gumising nang maaga para mag-commute! Kung sana puwede siyang ihatid ng kotse nila ay mas naging mahaba pa sana ang tulog niya... She yawned again.

"Wala rin si Eugene, sinong kasabay ko ngayon? Wala!" Kausap niya sa sarili habang naglalakad papunta sa gate ng village. May aasikasuhin sa US Embassy ang best friend niya kaya hindi muna ito papasok sa school.

Laglag ang mga balikat at parang hinihila ang mga paa ang ginagawang paglalakad ni Czarina. Ang bigat bigat ng bagpack niya dahil limang libro yata ang dala niya plus the notebooks, pencil case, and all other school materials.

May nakita siyang taxi palabas ng village. Bawal din siya mag-taxi! Hindi kasya sa baon niya. Her father cut her allowance. Tumakas kasi siya Saturday last week.Nagsumbong ang Yaya niya kaya wala siyang kapera-pera.

Paano na siya ngayon? Hala, sige! Lakad pa, Czarina.Tapos maghihintay ka ng jeep. Sasakay ka sa jeep na masikip at mainit.

Napahikab na naman siya. Habang tinatanaw niya ang gate ng village ay tila kay layo niyon...

Napatalon sa gulat si Czarina nang may narinig siyang busina. Paglingon niya ay bumaba si Bari mula sa Hummer nito!

"Good morning, Czarina," nakangiting bati nito sa kanya. "Are you going to school?"

Nabuhay ang dugo ni Czarina. Ang kaninang nakasimangot niyang mukha ay napalitan ng maaliwalas na ngiti. "Bari! Good morning! Papasok na nga ako sa school."

"You're going to commute?"

"Yes!" Inayos niya ang pagkakasabit ng mabigat niyang bagpack. "Nakuwento ko na 'yon sa'yo, hindi ba? Pinagko-commute lang ako ni Papa para daw matuto ako."

Tumango ito."Papasok ako sa trabaho. Gusto mong sumabay na lang?"

"Sige, sige!" Mabilis agad niyang pagpayag. Hindi na siya mahihiya pa! Ayaw niya talagang sumasakay ng jeep.

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang bag niya. Napakunot noo ito ng makuha iyon."Ang bigat nito."

"Oo nga, eh. Si Eugene tagabitbit ko ng bag talaga. Sabay kasi kaming pumapasok. Kaso wala siya today," kuwento niya at sabik na sumakay sa kotse ni Bari.

Hirap si Czarina na itago ang mga ngiti niya. Nakasakay siya sa kotse ng crush niya! Doon talaga siya sumakay sa tabi ng driver's seat. Para magkatabi sila ni Bari.

Pumasok na si Bari at nilagay ang bag niya sa backseat. Nang napatingin ito sa kanya ay nginitian niya ito.

Umiwas ito ng tingin at nagmaneho na ulit.

"Salamat at sinabay mo 'ko. Tuwing anong oras ba ang pagpasok mo sa trabaho? Puwede bang sumabay na lang palagi?" nakangiting tanong niya. She's hitting two birds with one stone kapag nagkataon. Hindi na siya magko-commute plus araw araw niyang makakasama si Bari kahit ilang minutes lang!

Parang boyfriend ito na ihahatid siya sa school palagi! Iniisip pa lang niya ay kinikilig na siya kahit hindi pa siya sigurado sa sagot nito.

"Kung palagi kang sasabay sa'kin, paano na ang gusto ng Papa mong mangyari na masanay kang mag-commute?"

"Magko-commute pa rin naman ako pauwi. Nakakatamad lang talaga ang pagpasok. Ang aga-aga ko kasi laging gumigising, eh. Paano kapag na-late ako ng kaunti ay traffic na," angal niya. "Kaya ako inaantok palagi sa school, eh..."

Touch Me More (More Trilogy #1)Where stories live. Discover now