Chapter Six

123K 4.2K 636
                                    

CHAPTER SIX

"SO, OKAY? Huwag muna tayong mag-holding hands!"

Kumunot noo si Eugene. "Ikaw lang naman ang humahawak sa kamay ko."

Humagikgik si Czarina at tumanaw sa kabilang bakuran. Nasa terrace na naman sila ni Eugene ng bahay para gumawa ng homeworks

Nakita ni Czarina ang sasakyan ni Bari. Ibig sabihin ay nandoon lang ang binata. Lalo siyang napangiti nang makita itong lumabas ng bahay. Nakapambahay lang ito at parang may kinuha sa kotse.

Napatayo siya at mas lumapit sa gilid ng terrace. Hinanda niya ang pinakamatamis na ngiti. "Bari!" tawag niya rito sabay kaway nang tiningala siya nito. "Hi!" halata ang lambing sa boses niya.

His eyes looked like it sparkled and a smile appeared on his lips. "Hello, Czarina."

"Hindi ka aalis?"

Umiling ito. "I'm studying inside."

Kinikilig siya! Parehas silang nag-aaral ngayon! Destinyyyyy! "Me, too! I'm studying with Eugene now." Nilingon niya ang kaibigang walang pakialam sa paligid habang nagsasagot ng assignment nila sa Statistics.

"Mag-aral kayong mabuti," bilin pa ni Bari, gamit ang tono na pang-kuya.

Bahagya niyang nalukot ang ilong. "Pagkatapos namin dito, can I come over? Magdadala ako ng lasagna!"

Tumango si Bari. Napangiti naman siya nang malapad. Na-inspire tuloy siyang sagutan ang mga natitira pang homeworks niya.

Paglipas ng isang oras ay parehas na silang tapos ni Eugene. Pagkaalis nito ay agad niyang pinahanda ang lasagna na dadalhin sa kabilang bahay.

"Bumalik ka dito bago maghapunan, ha?" bilin ng Yaya niya habang inaabot sa kanya ang isang mainit na tray ng lasagna. "Ikaw talagang bata ka, ang hilig mong abalahin si Sir Bari. Buti at hindi nakukulitan sa'yo."

Tumawa lang siya at saka nagmamadaling lumabas ng bahay dala ang lasagna. Palapit pa lang siya sa gate ni Bari ay nakita niya nang lumabas ito doon.

Sinalubong siya nito at ito na ang nagdala ng tray para sa kanya. Para na namang bulate ang puso ni Czarina na nabudburan ng asin. Hindi matanggal ang ngiti niya hanggang sa makapasok sila ng bahay nito.

"Natapos niyo ba ang mga homeworks niyo?" kaswal na tanong nito nang parehas na silang nasa kusina nito.

"Yes!" aniya at umupo sa may high stool ng kitchen counter. "Hindi ko hinawakan ang kamay niya."

Napansin niya ang pag-angat ng gilid ng labi ni Bari. "Very good."

Czarina innocently laughed. Hindi niya talaga alam kung bakit ganoon ang usapan nila pero masayang-masaya naman siyang sumunod basta ba susundin din iyon ni Bari.

No other girls. Just her.

Bari served the lasagna and they ate together. He focused talking about her school. At pagkatapos ay kinakumusta nito ang pagsusulat niya.

Madaming beses na naulit ang mga pagkakataong ganoon. Lagi siyang may dalang merienda sa tuwing pupunta sa bagay ni Bari. Ang dami nilang napagkukuwentuhan. At higit sa lahat, nararamdaman ni Czarina na mas nagiging malapit at komportable siya rito. Dahil kahit ano ay nasasabi niya rito. Kahit anong nararamdaman niya ay malaya niyang napapahayag.

Except that she can't tell him how much she really really likes him.

"You look sad," pansin nito nang minsang nag-invade na naman siya sa bahay nito. Nagdidilig ito ng halaman kaya nakidilig din siya.

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon