Chapter Nine

115K 3.8K 592
                                    

CHAPTER NINE

HINDI mapakali si Czarina. Last subject na lang at pinipilit niya na lang makinig sa teacher niya. Patingin-tingin siya sa wristwatch niya kada isang minutong dumadaan.

She's lightly stomping her right foot. Bakit napakabagal naman ng oras? Sana mag-uwian na.

"Flores."

Biglang napatayo si Czarina nang tinawag siya ng teacher.

"Yes, Miss?" aniya rito at bahagyang kinabahan. Recitation ba ito? Bakit di niya alam?

Napatingin siya sa mga kaklaseng nakatingin sa kanya.

"Nagmamadali ka ba, Miss Flores? Bakit dala-dala mo na agad ang bagpack mo?"

Nagtawanan ang mga kaklase niya nang makitang nakasukbit na nga sa mga balikat niya ang straps ng bagpack niya.

Nahihiyang binaba niya ang bag at saka nginitian ang teacher nila. "I'm sorry, Miss..."

"May date ka ba?" biro ng seatmate niya.

Ngumuso siya. Nangangati siyang sabihing mayroon.

"Take your seat, Miss Flores. You'll be the one to erase the board later."

Napakamot sa ulo si Czarina. Ma-e-extend pa tuloy siya ng ilang minuto! Baka naghihintay na si Bari...

Pagkatunog ng school bell ay agad na nagpa-dismiss ang teacher. Hindi pa nakakalabas ang mga kaklase niya ay tumakbo na siya sa board at mabilis na nagbura. Wala pang tatlong minuto ay malinis na ang buong board. Tumakbo siya pabalik sa upuan at saka nagpahid ng alcohol. Pagkatapos ay isinukbit ang bag sa isang balikat at nagtatatakbo palabas.

Habol habol ang hiningang nasa gate na siya. Pasinghap singhap pa siya habang tumitingin sa paligid.

"Hala, Czarina! Ang bilis mo naman!"

"Nauna ka pa sa'min? Nauna kaming lumabas sa'yo, ah?"

Nginitian niya lang ang mga kaklase at saka nag-inhale-exhale. Uminom din siya ng tubig at kumuha sa bulsa ng mint candy. Kumuha rin siya kaagad ng suklay sa bag at sinuklay-suklay pa niya ang mahabang buhok na nilagyan niya ng headband na may maliit na ribbon sa gitna. Kulay pink pa iyon at may glitters! Hiniram niya ang headband sa kaklase niya at bukas na lang niya ibabalik.

Kahit maayos na ang paghinga niya ay sobra pa rin ang kabog sa kanyang puso. She can't wait for Bari to arrive.

Umupo siya sa gilid ng gate kung saan nakahilera ang mga benches para sa mga tagasundo. Nakatanaw lang siya sa labas ng gate. Sa pag-aabang niya ay iba ang nakita niya.

Napatayo siyang bigla at nagningning ang mga mata. "Kuya Johann!"

Napaangat ng tingin ang lalaking kapapasok pa lang ng gate at may dalang mga cartolina at folders. Tila nagulat rin ito pagkakita sa kanya ngunit agad na napalitan ng ngiti ang mga labi. "Czarina."

"What are you doing here?" tanong niya pagkalapit rito.

"Tsk. Nahuli mo 'ko. Sayang," pitik nito habang inaayos ang mga dalang gamit.

"Bakit, Kuya?" Napatingin siya sa mga hawak nito na tila mga visual aids. "Oh, my! Magtuturo ka dito?!" hula niya agad. Sinundan niya ito habang naglalakad papunta sa admin's office ng school.

Ngumiti ito. "Sana. Nag-a-apply pa lang ako. Tapos na 'kong mag-exam at ma-interview. Demo na lang ngayon."

"Bakit hindi mo sinabi?" Kung ganoon ay pabalik-balik na pala doon si Kuya Johann nang hindi niya nalalaman.

Touch Me More (More Trilogy #1)Where stories live. Discover now