Epilogue: Addicted to Love

7.4K 164 89
  • Dedicated kay Sa Lahat ng Nagbabasa
                                    

Epilogue

“Wait up! Nagbibihis lang ako!”

Sigaw ni Franchesca, kanina ko pa kasi siya kinakatok sa kwarto niya.

 

“Ang bagal mo naman e” – me

“Oo na! Ito naaaaa!” – Franchesca

Lumabas na ng kwarto niya ang babaeng parte na ng buhay ko.

Ang puso ko. Si Zhane Franchesca.

Naging maayos naman ang buhay namin after college, nagaaral pa rin ako ngayon, dahil hindi ko napagpatuloy ang pag-aaral ko, one year akong tumigil dahil na rin sa naging sakit ko.

Ngayon na ang graduation ko, Civil Engineering. Magna cumlaude. Well :) Nag-aral na kong mabuti para kay Franchesca, gusto ko kasi siyang bigyan ng magandang buhay.

After ng graduation, kumuha ako ng board exam, at syempre, atat na atat sa result ang girlfriend ko.

“WAAAAAAAAAAAH! MY GOSHHHHHHHH!! MY GOSHHHHHHHHH! RAN DANE!! ENGINEER KA NA! ENGINEER NA ANG BOYFRIEND KO!!”

Hindi ko na siguro sasabihin ang result, alam niyo na right?

Si Naville, bumalik din siya ng states after ng graduation ng high school, wala na kong balita sa kanya ngayon e, pero alam ko bago siya umalis ng bansa, magkaaway sila ni Patricia. HAHAHA!

Si Dale? Ayun, may girlfriend na yata… after ng incident nung highschool, kinalimutan na niya si Sofia, pero hanggang ngayon, magkaibigan pa rin sila.

Family ko? Ayun, masaya naman sila for me. Si Patricia, umalis siya para daw makamove on, at para daw hindi niya makita si Naville. Tss. Malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil siguro kung wala siya, wala rin kami ni Franchesca ngayon, I respect her so much. Kahit na ginamit niya ang sarili niya para sakin, hindi pa rin mawawala ang respeto ko sa kanya. Ginawa niya yung para sakin, at para kay Franchesca.

Family ni Franchesca. boto na sakin, ayos na sa kanila ang relasyon namin ni Franchesca. Si Zei, tuwang tuwa pa rin at nakikita ang ate Franchesca niya, gandang ganda siya sa ate niya, at alam ko na boto rin sakin, lagi kasi akong nasa kanila pag may free time ako.

Si Sofia at Iniel? Ayun, break na. di, joke lang :) Sa totoo lang naman kasi, ang tagal ko ng kaibigan si Iniel, pero ngayon ko rin lang siya nakitang magmahal ng totoo. Ang tagal na rin nila ni Sofia, alam kong mas tatagal pa yun, parehas na silang CPA ngayon :)

Si Franchesca.. yun, mahal ko pa rin :) Yun nay un. Di joke! Architect na ^^ Syempre super proud ang boyfriend, niyakag ko nang magpakasal, pero hindi pumayag, oo, nung una nasaktan ko, tanggihan daw ba ako? Pero nung nalaman ko yung reason niya.. ayos na ulit.

Addicted to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon