chapter 30

5.2K 58 5
                                    

SECOND UPDATE !! NOVEMBER 5, 2011

ITO PO AY SECOND UPDATE! HAHAHAHAHA!

--Moi

Chapter 30

 

 

Cheska’s Point of view

 

Naging mahirap sakin ang mga sumunod na araw. Grabe. Parang naguguluhan na ko sa nangyayari e.

“Ran, may problema ka ba?” – me

“Ha? Wala naman. Bakit?” – Ran

Eh kasi kung hindi kita papansinin, hindi mo ko papansinin. Hay :(

 

“Wala” – me

Feeling ko. Ako na lang ang nagmamahal. Bwiset! Bumalik na ko sa pwesto ko at maya maya pa, dumating na ang teacher namin.

“Class, malapit na ang Battle of the Bands, so may sasali ba sa inyo?”- Ma’am

May ilang tumaas ng kamay, yung iba naman wala na yatang pakialam sa mundo e. amp.

Tapos after magdiscuss ni Ma’am, nagbreak na kami. Naisip ko na sasagutin ko si Ran after ng Battle of the Bands. Importante kasi ang date nay un e :)

Napunta ako sa canteen at nakita ko naman dun si Kesha, as usual, hinihintay ang kanyang irog.

“Hoy! Kesha!”

“Ay tipaklong! Bwiset ka naman Cheska e”

“Tulalang tulala ka dyan ha?” – me

“Wala. Wala”

Pero mukhang malungkot siya. Bakit?

“Kesha, ayos ka lang?” – me

“Ha? Oo naman”

“Isa”

Tapos maya-maya, umiyak na talaga siya. Dinala ko siya sa rooftop ng canteen.

“Bakit?” – me

“Kasi…kasi narinig ko si Lloyd kanina na may kausap sa phone”

“Oh tapos? May kausap lang pala e—”

“Kausap niya yung girlfriend niya…sila na ulit”

Hay. Kawawang bata, niyakap ko na lang siya. Mukhang malakas ang tama kay Lloyd e. psh.

“Hayaan mo nay un, tara na kumain” – me

Kumain na kami at bumalik na sa room. Tapos napansin kong nakatingin lang si Ran sa bintana. Nilapitan ko siya.

Addicted to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon