chapter 63: Kasi, mahal na mahal ko siya.

5.3K 110 33
                                    

VOTE/COMMENT.

Pag magulo, magtanong lang kayo :D Basahin niyo nalang mabuti para mas maintindihan.

Salamat.

----Moi.

Last 2 :)

Chapter 63

 

Cheska’s Point of view

Ang sakit pa rin tanggapin. Kapag paulit ulit kong naririnig ang tungkol sa sakit niya, mas lalo kong sinisisi ang sarili ko. Nung nalaman ko yun, sumagi din sa isip ko na kaya niya ko naiwan dahil ayaw niya kong masaktan, pero kahit naman hindi ko yun malaman, nasasaktan pa rin ako. Sobrang masakit.

Nung nanggaling ako sa condo niya, nakita ko yung gamot niya, alam kong gamot yun para sa pain reliever sa mga taong may tumor. Dati kasi, may ginawang program sa school namin nung nasa Australia ako. Na-assign ako para magbantay sa mga batang may tumor, nakikita ko yung gamot na yun. Ganung ganon din. Kaya nung nakita ko yun, pumasok agad sa isip ko na may sakit siya, sinabi na rin ng Mama niya.

May sakit din ang kapatid ni Ran kaya na-namatay to. Ang kasalanan lang nila, iniwan nila si Ran.

After naming mag-usap ni Tita Ney, umuwi na ko sa condo ko.

Idadaan ko na lang sa pagkain lahat ng problema ko. Tsk.

*dingdong*dingdong*

 

 

Istorbo naman oh. Tinuloy ko lang ang pagkain ko, pero hindi tumitigil ng pagdoorbell ang kung sino mang nasa labas.

Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan to..

“Ano bang problem----Gosh!”

Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Halata sa mata niya na kagagaling niya lang sa iyak.

“A-anong ginagawa m-mo?” – me

“Please talk to him…please Cheska, please” – Patricia

Yeah. Si Patricia. anong problema niya?

“T-tumayo ka nga dyan, tsk. TUMAYO KA SABI EH!” – me

“Cheska…he needs you. Please.” – Patricia

“ANO BANG GUSTO MONG MANGYARI?! BAKA GUSTO MONG PALAYASIN KITA DITO?! MATAPOS MO KONG SAMPALIN? AGAWAN? NGAYON LULUHOD LUHOD KA DYAN?! IKAW ANG PINILI NIYA TAPOS SAKIN KA LALAPIT? NAGPAPATAWA KA BA---” – me

Addicted to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon