chapter 57

5.2K 90 16
                                    

Napatagal ang update. Sorry po. Sobrang busy lang.

Ito na po ang update!

May FB na po si Iniel ko, hindi po ako ang operator niyan, may nagpresinta. GORA LANG! Add niyo po ^^

VOTE/COMMENT

---Moi

Chapter 57


 

 

Sofia’s Point of View


Monday na naman. Papasok na naman >,< Di bale na, makikita ko na ulit si Iniel.

“Sofia!”

Tumingin ako sa tumawag sakin, napangiti ako nung nakita ko si Dale. Lumapit siya sakin.

“Oh? Ngiting ngiti ka? Para kang baliw!” – Dale

Hindi ko siya pinansin at patuloy na ngumiti. Para akong baliw talaga!

“Hay nako Sofia, kinakabahan ako sayo e. hindi mo na nga kami binalikan nung birthday mo tapos ngayon ngingiti ngiti ka dyan, anong oras ka nab a umuwi sa inyo? Ang tagal niyo naman ni Cheska eh, umuwi na tuloy kami” – Dale

“Anong nangyari? Marami. Maraming nangyari! Hahahaha! Kinikilig ako!” – me

“Tsk. laki ng problema mo. Bahala ka nga dyan” – Dale

“Bati na kami ni Iniel!!” – me

“WHAT?!”

Tumingin ako sa kanya, kung makasigaw naman to.

“Ayos na kayo? Pumayag kang makipagayos eh halos tatlong buwan ka niyang hindi pinansin? Nanloloko ka ba Sofia? Tatlong buwan ka niyang iniwasan tapos ngayon okay na kayo?!”

“Eh bakit ba nagagalit ka? imbes na matuwa ka sa bestfriend mo, nagagalit ka pa”

“Nakakaasar lang eh”

“Sus, wag ka na maasar dyan. Nung gabi, nagusap kami ni Iniel, ayos na kami ngayon…”

Tapos humawak ako sa braso niya at naglakad kami papunta sa room.

“Mukhang masaya ka nga” – Dale

“Oo naman, masaya na ko, sinabi niya sakin na ibibigay na niya yung buong tiwala niya sakin” – me

“Dapat lang naman” – Dale

“Tse! Inaaway mo na naman si Iniel” – me

“Di kasi siya marunong magtiwala” – Dale

“Ako naman ang may kasalanan nun eh. Kung pumunta lang sana ako sa game niya hindi na mangyayari to eh” – me

“Pero mas pinili mo pa rin ako” – Dale

Addicted to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon