8: Graded Performance

142 2 3
                                    

Sa mga nagbabasa nito at nagtatiyagang naghihintay nito kung meron man. Mag-uupdate na ako! Mag-uupdate ulit ako after Christmas, pero kelangan may comment akong makikita at least isa lang. Dahil kung wala… Aba eh, ewan ko na lang kung mag-uupdate pa ako sa storyang ito haha. Unedited chappy.

xoxo,

CHiZUMi

---

Mami’s POV

*Tug, tug, pak!

“Yeah!” Sumigaw si Haruna na hudyat na tapos na ang kanta.

     Drummer si Rina, bassist naman si Tomomi, si Haruna naman second guitar at vocalist at ako naman  sa lead guitar. Pumalakpak kami at tinignan si Rina na kagat-kagat ang labi niya, “So… Ano sa tingin niyo? Hihi…” Alam kong kinakabahan siya. Sino ba naman ang hindi kakabahan sa isang performance na hinding-hindi mo napagpraktisan. Nagkasundo kami sa isang kanta na alam namin lahat, at madaling tugtugin.

“Magaling,” sabi ni Haruna.

“Galing-galing ni, Rina-chan! Four thumbs-up pati sa paa. Haha!” Napailing naman ako sa sinabi ni Tomomi.

“Wag na wag kang ma-tetense kapag nag-peperform ka, Rina. Nininerbyosin ka niyan eh. Pero super galing mo,” ngumiti ako at bumuntong-hininga naman siya.

“Alam niyo guys sobrang saya ko na, na pumayag kayo na maging kabanda ko. Okay lang naman sa akin kung hindi masyadong mataas ang grades ko ngayong graded performance kasi-”

     “Hindi ako papaya, Rina.” Napatingin kami lahat kay Haruna. “Napakagaling mo, Rina dapat alam mo yun. Hindi ka dapat makutento sa mababang grado na ibibigay sa’yo ng mga sempais kung ikaw mismo sa sarili mo alam mong gifted ka. Alam mo dapat na angat ka sa iba. When it comes to performance, ang unang-una mong pagkatiwalaan ang sarili mo,” sumang-ayon si Tomomi at hindi ko pa rin maialis ang tingin ko kay Haruna. First time kong marinig na mag-salita si Haruna ng ganun.

     Sa lahat ng taong nakilala ko isa si Haruna na marunong tumayo sa sarili niyang mga paa kahit hindi mo siya tulungan. Alam niya kung ano ang ginagawa niya at alam niya na magaling siya. Wala akong ganoong personalidad, ang akin lang naman kasi gusto kong tumugtug. Wala akong pake na magaling ako o di kaya angat ako sa iba. Ang importante sa akin makakatugtug ako kung kelan ko gusto. Kung matatag si Haruna, ganun din ako.

     Sabihin mo man o hindi labanan ng magagaling ang Caless o kahit ano mang performance arts na school. Kelangan pagbutihan mo kung gusto mong makilala o sumikat. Bawal ang sumuko at maging mahina, dahilan lang ang mga yan para hindi ka magtagumpay.

“Tama si Haru, Rina-chan. Alam mo dapat ang ginagawa mo at alam mo dapat na magaling ka,” sabi ko naman.

“Pero senyales lang yan ng pagiging hambog, diba?” Tanong niya.

Umiling si Haruna. Tinabihan niya si Rina at inakbayan ito, “Hindi pagiging hambog ang pagtiwala sa sarili, Rin-chan. Tandaan mo yan,”

     Tumayo si Haruna at nagpalakpak. “Alright. Mag-praktis pa tayo para makakuha ng mataas na grado si Rina-chan sa graded performance!” Sigaw niya. “Okay!” Sabay-sabay naming sagot. Sa totoo lang hindi ko alam kung bakit ko tinutulungan si Rina eh. Siguro naawa ako o di kaya naman napipilitan lang ako kasi gustong-gusto ni Haru at Tomo na tulungan siya. Pero, may kung ano dito sa kaloob-looban ko na gusto siyang tulungan. Natutuwa kasi ako akong tumugtug, sa unang pagkakataon naramdaman ko kung ano ang pakiramdam sa isang banda kung saan nagkakasundo kayong lahat.

“Suzuki-san! Humanda ka na at ang mga kasama mo! Kayo na ang susunod pagkatapos nito!” Sigaw ng isang staff.

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now