SCANDAL FOUR: TOMOMi OGAWA

303 5 3
                                    

SALAMAT SA PAGBABASA! 

This is the story of Tomomi naman. Kaya sa mga fans ng cute na cute na bassistang ito, ito na yun: D 

--- 

"Ateeeee akin na yaaaan!" Sigaw ko sabay hila sa damit na hawak-hawak ni ate. 

"Ano ba Tomo? Akin to eh!" Hinila naman ni ate yung damit. 

"Ate! Ako ang bumili niyan! Kaya akin na!" Hinila ko naman yung damit. 

Ngunit mas malakas lang talaga si ate. Muntik na ako madapa sa sobrang lakas ng hila niya sa damit at ganun din ang pagpasok ni papa sa kwarto. 

"Ano na naman bang kaguluhan ito, ha?!" Aniya. 

Tinuro ako ni ate. "Si Tomomi po, papa! Gusto niya kunin ang damit ko!" Nag-pout naman si Ate Kyo. Sasagot pa sana ako ng bigla akong tiningnan ni papa. "Hindi naman masama ang mag-share, Tomo. At tsaka ibigay mo na sa kanya ang damit. Sa kanya naman yan, diba?" Pinalabas na ni papa si ate sa room ko. Pero bago pa niya isara ang pintuan, benelatan niya muna ako. 

Nakakainis! Argh! 

Ganyan kami palagi ni ate. Grabe kami kung mag-away talo pa ang lindol sa Japan. Kapag sasabihin ko ang side ko hindi ako pinapatapos nina mama at papa. Palagi naman daw kasing tama si ate. So that means na palagi naman akong mali? Kunsabagay si ate lang kasi ang kinakampihan nila palagi. Hindi ko alam kung bakit. Minsan naiisip ko na baka adopted lang talaga ako. 

Si Ate Kyo kasi maganda, talented, matalino at mabait. Mabait, kung nanjan sina mama't papa. Pero kung wala nag-ttransform sa pagiging impakta niya. Hindi ko alam kung ba't inis na inis siya sa akin. Kung nakakamatay ang tingin matagal na akong nailibing. Kung maka-tingin kasi sa akin akala mo sinasaksak niya na ako. Lahat-lahat ng ginagawa ko ginagaya niya. Yung pag-enroll ko sa Caless, nag-enroll din siya. Yung-pagsasanay ko sa pagsayaw at pag-kanta, ginagawa din niya. Enebeyen! Nakakainis talaga eh.  

Sa mata nina mama't papa. The best na talaga si ate. Kahit na yung boses niya nagdudulot ng bagyo at kahit na pag-sumayaw siya parang pinipilit lang niyang gumalaw. Sabi nina mama't papa, napakagaling daw ni ate. At ako, second lang sa kanya. Isang bagay lang naman ang lamang ni ate sa akin ah, magaling lang siya mag-drawing. Yun lang yun, ang panget-panget ko naman kasi mag-drawing. 

Pero one thing na hindi talaga kayang gayahin ni ate sa akin kahit ano'ng gawin niya. 

Yung pagtugtug ko ng bass. 

Ang laki naman kasi ng bass eh. Kaya ang hirap bitbitin at inaamin ko. Ang hirap niyang tugtugin. Isasabay mo talaga siya sa beat ng drums. Pero love ko ang pag-bbass eh. Kaya I always do my best para maging perfect ang pagtugtug ko nito. 

--- 

Isang araw habang nag se-set up ako ng equipments ko para maka pag-practis ng bass ko. 

Nagulat ako na putol yung plug ng amplifier ko at yung isang string ng bass guitar ko ay putol din. 

Anak ng... 

Ano'ng nangyari dito?!!! 

ASDFGHJKL!!!!!! 

"Oh my god! Anyare dito?! Oh my god!" Yan lang ang paulit-ulit kong sinabi. Until may nag-spark na ideya sa ulo ko. 

Inggeterang froglet na si Ate Kyo! Sinira yung equipments ko! Humanda siya! 

Nagdadabog akong lumakad papuntang room niya. Not even caring to knock, binuksan ko ang pinto niya with full force. "IKAW!" duro ko. Tiningnan naman ako ni Ate Kyo tas' ibinalik ang atensyon niya sa pag n-nail polish. "Yes, Tomo?" She asks boringly. 

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now