7: Problems

185 2 1
                                    

      Katatapos lang namin panuorin ang showing ng Backdancers. At successful naman ito. Marami pa kaming nakasamang mga sikat na artista. Kaya ayun ang dami ding picture, haha! Pero masaya ako ah. Dahil parang abot kamay ko na rin ang mga pangarap ko. Alam mo yung feeling na grabe ang hirap niyo sa pag-ensayo but at the end everything was still worth it. Na-appreciate din ng teacher namin ang effort. At hindi lang teacher ha, pati na rin yung mga taong nanood ng pelikula.

“Gusto ko sanang magpasalamat sa inyo,” sabi ni Sir Nomura.

     “Naku po, sir! Alam niyo naman kung hindi sa mga tinuro niyo sa amin wala kami sigurong break, diba Haruna?” Tanong ni Michiru. “Ah! Oo naman, sir. Kaya kayo ang dapat naming pasalamatan,” pagsasang-ayon ko. “Haaay, kayo talaga..” Nakangiti na sabi ni Sir Nomura. “Saan ba tayo pupunta, sir?” Tanong naman Chika. “Oo nga po, sir. Kanina pa po kayo nagddrive eh,” sabi ni Mika.

“E-lilibre ko kayo,” pag-aannounce ni sir. Natuwa naman kami sa sinabi ni sir, at excited na din kami.

     Nagpark si sir sa isang maliit na diner ata ‘to? Suzuki-chan’s Takoyaki. Tahimik kong binasa ang pangalan ng diner, teka teka. Suzuki? Parang narinig ko na yun ah. Kanino bang pangalan yun? “Hoy, Haru! Kanina ka pang nakatunganga jan! Pumasok ka na nga! Ang lamig jan sa labas,” tawag sa akin ni Michiru. Dali-dali naman akong pumasok sa loob ng diner.

Maliit lang ang diner ah at napakasimple ng design nito. Yung usual Japanese restaurant, puro kahoy ang upuan at may mga paintings ding decoration. Umupo ako habang tumingin-tingin sa paligid.

“Hello po. Ano po ang order niyo?” Napatingin ako sa waitress at nagulat naman ako ng makita ko kung sino ito.

“Suzuki-san?” Nagtatakang tanong ko.

     Ngumiti naman siya sa akin. “Ah! Hello, Ono-san!” Kumaway pa. “Ummm… Ano’ng ginagawa mo rito?” Tanong ko. “Nagtatrabaho, siyempre! Kami kasi ang may-ari nito eh,” proud na proud na sabi niya. “Talaga?” Tumingin-tingin ulit ako sa paligid. At may nakita akong family picture, mukhang totoo naman ata ang sinasabi ni Rina, sila naman talaga ang may-ari ng Suzuki Takoyaki. “Sino ba siya, Haruna?” Tanong naman ni Sir Nomura.

“Siya po si Rina Suzuki. Kaka-enroll lang po niya sa Caless a month ago,” sagot ko.

“Talaga? At ano naman ang inaaral mo, Suzuki-san?” Tanong ni Sir Nomura.

“Drums and vocals po,” nakangiting sagot ni Rina.

     Sandaling nagkuwentuhan sina sir at Rina. “Suzuki-san, alam mo ba ang kaibigan mo itong si Haru ay magiging propesyonal na dancer na?” Pagmamalaki sa akin ni sir. “Sir, hindi naman no. Parang cameo lang kami dun,” medyo napatawa pa ako sa sinabi ni sir sa akin. Nanlaki naman ang mga mata ni Rina, “Talaga, Ono-san? Ibig sabihin makikita ka na namin sa tv at sa mga movies?” Nakangiting tanong niya.

“Ay h-hindi pa noh wala-” Me

“Oo naman, Suzuki-san! Hindi lang naman si Haru ang makikita mo eh pati na rin itong mga kasama ko! Sina Michiru, Chika at Mika,” Sir

“Nakuu! Excited na ako, Ono-san!”

“Hindi pa naman sure-” Me

“Dapat lang, Suzuki-san. Alam mo naman ang produkto ng isang Caless, diba? We’re the best,”

“-___-“ Me

     Masyado na atang nagiging hambog si Sir Nomura sa amin ah. Okay, siya na… Siya na ang dancers. Proud lang naman siguro siya dahil sa na achieve namin. Parang one step forward na yun sa pagiging sikat or propesyonal na mananayaw. Sana wag naman sobrahan ni sir. Nahahalata na siya eh. At si Rina naman… Easily impressed naman ang isang ‘to.

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now