6: RiNA SUZUKi

232 4 1
                                    

Rina’s POV

“Go! Go! Go! Rina!”

“We love you Rina!”

“Rina ang ganda mo!”

Ngiting-ngiti ako habang nag-ddrums sa harapan ng napaka-raming tao. Sikat na sikat na kasi ang banda namin. Nag wave ako sa kanila at nag wave back naman sila.

“Hello po!!!” Sigaw ko. Naghiyawan ang mga tao. “Kamusta kayo? Nag-eenjoy ba kayo!?”

“OO!!!” Sabay-sabay nilang sigaw. Tumawa ako. “Mag-sosolo ako! Sana magustuhan niyo, ne?” Kumindat ako at nilagay na ang microphone sa stand.

Huminga na ako ng malalim ng maramdaman kong medyo dumilim na ang stage. Yumuko at bumilang ng tatlo.

1

2

3

Boom!

     Nagsimula ko ng ihampas ang drumsticks ko sa drums. Mga ilang araw ko ring prinaktis ang beat na ito dahil alam kong mag-sosolo ako. Halos umabot ng tatlo o apat na minute ang solo ko. Hampas dito, hampas doon. Hindi ako tumitigil sa pag-ddrums dahil alam ko na ito ang gustong-gusto kong gawin kahit noon pa. Marinig ko lang ang sigawan ng mga tao, ang kanilang hiyaw, ang kanilang pagkagusto sa musikang ginagawa namin. Sapat na yun para ipagpatuloy ko ang pagiging drummer.

For me, music is nothing but love.

Tumayo ako na naka-yuko at dahan-dahang iniangat ang ulo ko. May malapad na ngiti na makikita sa mukha ko.

Dahil alam kong nagawa ko. Napasaya ko sila.

Krrrrriiiiiiinggg!!!

Krrrrriiiiiiinggg!!!

“Hnnn…”

Krrrrriiiiiiinggg!!!

“Ang ingaay…”

Krrrrriiiiiiinggg!!!

“RINAAAAAA! TANGHALI NAAAA!!! GUMISING KA NA!!!!!”

Nahulog ako sa kama dahil sa sigaw ng mama ko. Haiist! Kahit kelan panira talaga siya kapag nananaginip ako! Tsk!

“Gising na po! Gising na po!” Sagot ko.

     Dahan-dahan akong tumayo at pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para mag-almusal at pumasok sa school. “Ohayo, Rina-chan,” sabi ni papa habang nag-babasa ng diyaryo. Umupo ako sa tabi niya, “Ohayou, Oto-san,” sagot ko. “Ate! Ate! A-Alam mo may narinig akong balita! May aliens daw na nakita sa satellite!” Sabi ng kapatid kong si Mikasa. “Talaga? Edi mabuti! At least alam natin na di tayo nag-iisa, diba?” Sabi ko na may mga ngiti. Alam ko parang isip bata ako. Ke tanda tanda ko na, naniniwala pa ako sa UFO o aliens. Eh ano naman diba? Haha.

“Walang aliens. Ano ba kayo? Exaggerations lang ang mga balita na yan,” sagot naman ng isa ko pang kapatid na si Megumi. Palibhasa nerd kasi ang isang ‘to. Pero kahit nerd siya, di pa rin siya naniniwala sa aliens.

“Meron! Di ba, Rina nee-chan?” Sabi ni Mikasa.

“Oo,” sagot ko.

“Wala!” Umangal si Megumi.

“Meron!” Mikasa.

“Wala!” Megumi.

“Meron! Meron! Meron!” Mikasa.

“Wala! Wala! Wala!” Mikasa.

“MAG SI TIGIL NGA KAYO! KE AGA-AGA ANG IINGAY NIYONG DALAWA!” Napatakip ako sa tenga dahil sa nakakabinging boses ni mama.

SCANDAL(DISCONTINUED)Where stories live. Discover now