Kabanata 33

59.2K 945 161
                                    

Kabanata 33

I took...I take...I will take

Walang kumausap sa akin kinakabukasan. Ang tahimik ng buhay ko. Hindi ko alam kung bakit. Hindi naman tumawag si Benj kung may gagawin ba kami ngayong araw. Si Nica ganun din, hindi na rin siya nagtext sa akin.

Sila mom at dad busy naman sa trabaho nila. Kaya ang ginawa ko maghapon ay magbasa ng libro na gawa ni John Green o kaya ni David Levithan. Iyon naman ang libangan ko mula dati kahit nung college ako.

Noong naggabi ay may inabot sa kin si mom na box na may lamang dress. Ito iyong dress na pinagawa o binigay ni Maggie sa akin kahapon. Something on me aches when I utter Maggie. Ikakasal na sila bukas ni Gideon. Pero mayroon sa akin...na nasasaktan pa rin sa mangyayari.

Mahirap naman talaga ito. Paulit ulit ko mang sabihin na lalayo o magmomove on na ako sa nararamdaman ko ay hindi ko pa rin magawa kasi...parang may kulang. Ganun lang ba 'yun? Nagpanggap siya ng may amnesia dahil laman roon? The heck! Nag-iinit ang dugo kapag naalala ko iyon pero wala naman akong karapatan na sumbatan siya kung ayaw na niya talaga sa akin.

"Pinabibigay ni Maggie." Napakunot ako ng noo. Kilala ni mom si Maggie? May something sa ngiti niya na hindi ko maintindihan.

"A okay po."

"Sabi nga pala ni Benj bukas maaga kayo. Wear this." Pagkatapos nito ay umalis na si mom at pumuntang sa kusina. Si dad naman  busy sa office niya may ginagawa siguro siyang importante.

Damn. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko malaman kung anong dahilan nito.

Imbes na guluhin o abalahin ko ang sarili ko sa nonsense na bagay ay nagbasa na lamang ako ng libro hanggang sa hindi ko namalayang napapapikit na ako ng mata.

"Shit!" Napamulat ako ng mga mata sa sinag na tumatama sa akin. Napatingin ako sa side cabinet para tignan kung anong oras. Napalaki ako ng mata ng makita iyong orasan at ala syete na ng umaga!

Seven kasi ako susunduin ni Benj rito sa amin. O damn! Bakit ba napasarap ang tulog ko?! Nagmamadali akong pumunta sa banyo at naligo. Natataranta ako. Oh God. Bakit ba ganito?! Mabuti na nga naayos siguro ni mom yung dress na susuotin ko.

Agad kong sinuot iyong dress sa akin. Oh God. Saka iyong heels ko na white. Hindi na ako nakapag-ayos o naglagay ng make up dahil male-late talaga kami sa kasal ni Gideon at Maggie. The thought of it giving me pain in my heart. Shit.

"Kala ko nagbago na ang isip mo." Bungad ni Benj sa akin noong nakababa ako at pumunta na ako sa labas ng bahay namin. Nagulat ako sa biglang pagsulpot niya sa harapan ko.

"Hindi no!" Binuksan ko na iyong pinto ng kotse at sumakay roon. Ganun din ang ginawa ni Benj pero may kakaiba sa kanya na hindi ko matukoy.

Ilang beses siyang nagbuntong hininga bago paandarin iyong kotse. Hindi siya makatitig sa akin. Nago-open ako ng kwento pero malimit ang mga sagot niya. May bumabagabag talaga sa kanya ngayon.

"Benj may problema ba?" Napahinto ang kotse dahil red light. Medyo mahaba pa ang byahe namin bago makapunta sa simbahan.

"Wala." Ani niya at pinaandar na ang kotse.

Hindi na lang ako umimik pagkatapos nun. Inenjoy ko na lang 'yun view sa bintana at malimit na tinitignan si Benj. Hay, hindi ako sanay na ganito katahimik si Benj.

"Just tell me if you love me and I will fight for you..." Napaawang ako ng bibig. Na sana may lumabas na salita kahit isa pero wala...natameme ako. I saw pain in his beautiful eyes and I can't do anything. "Just tell me...to fight back. Or I will just...backing off" Hirap na hirap siyang sabihin iyong huling salita.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon