Kabanata 31

55.3K 738 25
                                    

Kabanata 31

Nagiging bato

Kahit ilang beses mong sabihin na kakayanin mong mawala siya sa isipin mo ang hirap paring gawin. It takes time nga. Pero hindi mo alam kung hanggang kailan iyon.

"AJ..." Naudlot iyong sasabihin ni Benj dahil napatitig siya sa mata ko. No, I won't cry. No. Hindi na.

"I'm okay." Ngumiti ako sa kanya. Oo, magiging maayos din ako. Kaunti na lang. Maiisip ko rin naman na wala na ito. Lilipas din ito. Sa una talaga masakit kasi siya ang first love ko. Pero I know mawawala rin ito. Naniniwala ako roon.

"Pwede naman tayong umuwi na." Hindi ko na napigilan ang hindi yakapin si Benj. Gusto ko ng hug para hindi makita iyong nangyayari ngayon. Gusto ko mawala na 'tong nararamdaman ko. Ayoko na. Kahit ngayon Aly maging bato ka naman. Kahit ngayon lang.

"Hindi. Hintayin na nating matapos 'to." Kumalas ako ng yakap sa kanya. At humarap sa nangyayari ngayon. Kasalukuyang sinusuot ni Gideon iyong singsing kay Maggie. I am okay. This is nothing. I am okay. Wala lang ito.

Nagkaroon pa ng family gathering bago tuluyan kaming nakauwi. Napansin kong hindi nagpapasinan si Maggie at si Benj kasi wala silang imikan. Damn. Pati sila nag-away na. Bakit ba ganito?

Nung nasa kotse na kami ni Benj ay doon ko siya tinanong. "Benj...magkagalit ba kayo ni Maggie?" Bigla siyang napatingin sa akin.

"I think so..." Hindi na naman niya naituloy yung sasabihin niya dahil may naisip siya na hindi dapat sabihin sa akin. Parang ganun na nga. "Don't worry. Maayos din naman ito." He half smiles on me.

Oh my God. Alam ko namang tungkol iyon doon sa pag-aaway ni Gideon at Benj. Iyong pagsuntok ni Benj kay Gideon. Hanggang ngayon nga wala akong detalyadong kwentong nakukuha kay Benj kung bakit sila nag-away. Kung ano ang naging dahilan talaga. Oo maaring tungkol sa pagpapanggap ni Gideon. Pero parang kulang at dapat may malaman pa ako na hindi sinasabi ni Benj sa akin.

"Okay. Mag-usap na kayo." Tinuon ko na ang atensyon ko sa may bintana. Mag aala una na kasi ng madaling araw nasa daan pa kami at bumabyahe pauwi. Ihahatid pa ako ni Benj sa bahay. Nagtxt naman ako at pinaalalahanan ko si nay Carol na late akong makakauwi.

Hindi na ako sinagot ni Benj at narinig ko na lang iyong buntong hininga niya. Maya maya pa ay nasa village na kami. Pinagbuksan ako ni Benj ng pinto ng kotse.

Nung makababa ako ay agad ko siyang niyakap. "Please...Benj mag-usap na kayo ni Maggie." Kumalas ako ng yakap sa kanya. Tumingkayad ako at hinalikan siya sa pisngi.

"Sige na." Tinitigan ko lang ang mata niya. Pero nag-aalinlangan siyang tumingin pabalik.

"Fine. Mamaya." Nagbuntong hininga muna siya bago niya iyong sabihin. Niyakap ko ulit siya sa sobrang tuwa ko. Okay problem will solve.

"Ingat ka!" Tinulak ko na siya sa may kotse. I wave at him. Hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok ng bahay namin.

Nasa akin na ang lahat ng sagot. Na sa akin na silang lahat. Nawala na iyong pinanghahawakan ko kaya dapat siguro magmove on na akong tuluyan at kalimutan siya. Ito siguro yung sinasabi ng iba na mahirap makapag-umpisa ulit kapag una ka palang umibig. Masakit raw sa una. Oo nga masakit. Pero sabi nga nila, mawawala rin iyong nararamdaman mo.

Kung sana kapag dumilat ako bukas wala na ito. Sana nga.

"Aly, anak! May tumatawag sa'yo!" Napababa ako at napapunta ng sala sa tawag ni nay Carol sa akin.

"Aly!" Maggie is smiling widely on me when she saw me. Nagmamadali siyang pumunta sa pwesto ko. "Oh God. Aly. You don't really know how excited I am right now." Niyakap pa niya ako ng napakahigpit.

"Bakit naman?"

"Kasi diba...I'm getting married. Just 3 days na lang. Oh God." There is something on my throat. I can't speak. Oh Damn it.

"Wow..." Iyon ang nasabi ko. Wow.

"And you know...kaya ako napapunta rito kasi..." Nag-aalinlangan kasi si Maggie sa sinasabi niya. May gusto siyang sabihin pero nahihiya siya. God. "Kasi may favor ako. Please...please."

Pinagdaop pa niya ang palad niya at pinungay pungay ang mga mata.

Well, isa siguro ito sa mga paraan kailangan kong gawin. Ang maging bato. Ang maging manhid. Hanggang sa hindi ko na maramdaman iyong sakit. Para wala na siya.

Siguro itong yung unang step na dapat gawin. Maging bato.

"O sure. Ano ba 'yun?" Ngumiti ako kay Maggie. Nagtatalon naman siya ng marinig iyong sagot ko.

"Si kuya kasi ayaw pumayag na siya kumuha ng mga picture e. Please convince him. Please." Benj. I know Benj. Ayaw niya lang na masaktan ako sa mangyayari kaya nireject niya si Maggie. Pero sa tingin ko naman wala na siyang dapat ikabahala kasi ito na yung unang step para makamove on ang sumunod sa agos.

Mas naunang magpapakasal si Gideon kay Harry. Ang alam ko si Harry ay next year pa ng summer. I don't know what his reason. Hindi ko pa nga nakikita si Harry simula nung nagbakasyon kami sa San Mateo.

"A sige." Nagtatalon siya habang yakap yakap ako.

"Mags!" Napakalas siya ng yakap ng marinig iyong boses ni Benj. "What is this? Di ba nag-usap na tayo?" Nagmamadali siyang tumungo sa pwesto namin ni Maggie.

"Kuya naman e!" Isinabit ni Maggie ang braso niya kay Benj.

"No. Still a no!"

"Umoo na si Aly!"


"I don't care." Ang sungit naman nitong si Benjamin!

"Hayaan mo na Benj." Tinignan ko si Benj. Binigyan niya rin ako ng tingin pero nakakatakot iyong tingin niya sa amin ni Maggie. Uh no.

"Kuya naman kasi! Ang KJ!" Sumimangot na si Maggie kasi hindi magbago ang itsura ni Benj. Hay, Benj still care on my feelings.

"Benj okay lang naman talaga! Tignan mo nagkabati na nga kayo, tapos mag-aaway na naman kayo? Sige na!" Nagthumbs up ako kay Benjamin sungit.

He let a sigh. "Fine!" Umirap ang masungit sa amin ni Maggie. Lumalabas tuloy yung dimples na hindi nadevelop sa pisngi niya.

Maybe, this is the day to start a new life, Aly.

Naunang umalis si Maggie sa bahay. Nanatili naman si Benj dahil may pag-uusapan daw kami. "Are you really sure?" Tinitigan niya akong mabuti habang sinasabi iyon.

"Oo naman! Ito na siguro iyong magiging simula ko. Kung tatakasan ko at hindi kasi tinitignan iyong nangyayari lalo akong masasaktan at magtatago sa nararamdaman ko. Mabuti na siguro ito!"

"Alam mo namang nag-aalala lang ako sa'yo." Bumuntong hininga siya. Oh,Benj bakit ba ang bait bait mo?

"Sa una ganito talaga...masakit. Hindi ka makahinga. Kapag nandyan na ang sagot sa sakit ng nararamdaman mo nagiging bato ka na...manhid. Pagkatapos ay wala na. Hindi mo na ulit mararamdaman kasi nakaget over ka na. Wala na. Tapos na."

Sana tapos na.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon