Kabanata 32

56K 758 53
                                    


Kabanata 32

Team natin!

Kinabukasan tinawagan ako ni Maggie na samahan ko siya sa pagtingin ng mga gowns niya. Hindi kasi siya makapili ng gown, gusto raw niya iyong taste ko sa mga dress kaya ako ang natipuhan niyang pumili ng gown niya. Medyo magkasinkatawan kasi kami kaya siguro naisip niya iyon.

Mamaya kasi may photoshoot sila ni Benj. Hindi ako makakasama kasi may lakad kami ng bes ko. Sinabihan ko naman si Benj about roon kaya nga sinamahan ko na si Maggie dito sa shop.

"Sa tingin mo ito?" Lumabas si Maggie sa fitting room at bumungad sa akin ang isang model. Oh God. Ang ganda. Simple lamang iyong gown, may kauting diamonds sa pagilid pero napakaperfect na niya lalo na si Maggie iyon nagsuot.

"Perfect." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Kasi iyong iba ang arte na diba? Ito kasi ang elegante?" Umikot pa si Maggie para tignan iyong gown. "Saka hindi naman nakakatapilok kapag tumakbo ako." Napatawa pa siya nung sinabi niya iyon. Jusko Maggie, masyadong excited.

No. Hindi na ako nasasaktan. Wala ng dahilan.

"Oo mas maganda kasi ito kasi simple lang."

"Ikaw naman! Isukat mo rin ito!"

"Huwag! Hindi na." Umiling ako sa kanya. Uh my God. Kinabahan agad ako sinabi ni Maggie.

"O sige. Pumili ka dyan para sa'yo." Nagulat naman ako sa sinabi ni Maggie. Bakit? Hala, bakit?

"Hindi na..." Winagayway ko pa ang mga kamay ko para tumanggi. Pero mapilit talaga itong si Maggie at inabot sa akin iyong kulay putting dress na simple lang rin ang design na katulad na katulad ng gown niya pero itong dress ay short version. "Huwag na."

"Please. Ito na nga lang yung magagawa ko sa pagtulong mo tapos ayaw mo pa?" Ngumuso itong si Maggie. Hay, oo na lang talaga ako rito kay Maggie

"Oo na." Okay na defeat na naman ako nitong si Maggie.

"Isukat mo na dali." Tinulak tulak naman ako ni Maggie sa fitting room at binigay sa akin iyong dress na kahawig ng gown niya.

Napalunok ako noong nakapasok ako ng fitting. What the! Sinuot ko na iyong dress sa akin. Sakto lamang ang sukat nito. Oh God.

"Are you done?" Nanindig ang balahibo ko sa narinig kong boses. Gideon. What the hell?!

"Nope. Sinusukat pa ni Aly yung sa kanya." Sagot ni Maggie.

Kinakabahan akong lumabas. Damn, Aly tama na. Sobra na. I sigh and go. Lumabas akong fitting room. Mabuti na lamang ay nakatalikod si Gideon kaya si Maggie palang ang nakakakita. Napabukas siya ng bibig. Pero imbes na magsalita ay nag fake cough na lang siya.

Uhrgh...hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. U-oh!

Napaharap si Gideon at tinignan niya ako pababa pataas. Hanggang sa dumiretso ito sa aking mga mata. Damn it. Nakakalunod iyong mga titig niya pero walang kahit anong emosyon roon. Nakatitig lang siya and there's nothing about it.

"Ang ganda! Perfect nga!" Lumapit si Maggie sa akin. Umikot pa siya sa paligid ko at tinitignan maigi iyong dress. "Woo!" Niyakap ako mula sa likod ni Maggie. "Ang saya saya. Diba Gideon?" Hindi na ako tumingin sa kanya. Ayoko na. Baka masaktan ako. Ayoko na.

"Yes." There is something on that single word. May naramdaman akong emosyon roon. Hindi siya casual tone pero iyong yung tono ng boses niya kapag nag-uusap kami dati. Oh God. No. Mali. Mali ito. Mali. Damn, Aly tama na.

Naunang ng umalis ang dalawa at bitbit bitbit iyong gown. Ngayon na kasi iyong oras para sa photoshoot nila. Hindi naman ako kasama kasi may lakad ako. With my bestfriend.

Dalawang taon kaming hindi nagdate ni Nica at ngayon lang ulit mauulit iyon. Oh God.

As usual, favorite namin ang Trinoma. Ito lang kasi iyong malapit na mall sa university kaya naging fave mall namin ito kasama iyong SM North Edsa. Sabi rin ni Nica, siya raw ang bahala sa date namin. Treat niya raw ang lahat.

Lalamon daw kami. Magpapakabusog sa pagkain at kwentuhan. Bahala na si Nica. Kahit ano namang gawin namin basta kasama ko siya masaya na ako.

"BESSS!" Tinaas ni Nica iyong kamay niya at winagayway. Nakita ko agad ang dyosa kong kaibigan. Naka jeans siya at suot suot iyong bestfriend shirt.

Urgh. Nakakainis naman bakit ba kasi hindi ko nasuot iyon! Hay!

Niyakap niya agad ako ng napakahigpit. "Tayong dalawa lang ngayon a!" Kumalas siya ng yakap sa akin.

"Oo naman!" Hinalikan ko siya sa pisngi.

Pagkatapos ay nag-umpisa na kaming gumala. Ginawa iyong mga ginagawa namin dati nung college pa kami. Naglaro kami sa archade. Kumain sa favorite naming eat all you can resto. Kumain pagkatapos kumain. Nagpahinga. Nag sightseeing ng gwapo at chinito. Tumingin ng damit sa forever 21, ang fave naming boutique. At kung ano ano pa.

Hanggang sa natigil kami sa isang coffee shop at doon nagkwentuhan.

"Nakwento na sa akin ni Karl iyon. Hindi nga niya magawang makausap si Gideon e! Hay, jusko! Hindi ko rin naman magtignan ang gwapong pesteng lalaking iyon! Hay naku! Team Benj na talaga ako!" Inayos pa niya ang buhok niya mula sa likod. Magsasalita na sana ako pero naunhan ako ni bes. "Gosh! Yung beautiness ko. Huhubels talaga. Tapos ngayon magpapakasal na raw siya dun sa Maggie! My God. Benjamin na talaga ako!" Uminom siya ng frap at nagpaypay gamit ang kamay niya.

"Bes. Naman." Napatawa ako roon. May team team na siyang nalalaman ngayon.

"Dati, kulang na lang isubsob kita kay Gideon. Ngayon jusko ako pa ang maghihiwalay sa inyo. Hay, naku!"

"Bahala ka bes." Napahalakhak na ako. Ibang klase rin tong si Nica. Medyo freak pero masarap kausap. Ayokong mawalan ng dyosa sa buhay ko.

"Pero bes kung saan ka happy dun ako...kung sad ka susuport ako. Kasi ang alam kong team na pang habang buhay ay 'yung team nating dalawa." Napatayo ako sa pagkakaupo at agad na lumapit kay Nica. Niyakap ko siya mula sa likod kahit nakaupo siya.

"Salamat bes! Grabe ka talaga! Kaya deserve na deserve mo si Karl!"

"Tinitiis ko lang yung unggoy na 'yun!" Napatawa ako sa sinabi ni bes. Hay, naku bes. Ganyan ka naman e, pero alam ko mahal na mahal mo si Karl. Hay, nakakamiss din iyong kwentuhan namin ni manager dati.

I-request ko ngayon sa susunod!

Iniba na lang namin yung topic. Inisip na lang namin iyong mga crush namin sa university. Hinding hindi ko makakalimutana ang pagkahumaling ni bes kay R. Hay, jusko halos malaglag ang panty ni bes kapag napapadaan siya sa harapan namin. Halos maluka na kakapigil ng tili.

"Balita ko kasi kay R, magpapakasal na sila ni Nikki ba 'yun?" Napatango ako roon. Magsasalita na sana ako ng biglang may kamay na nakalapag sa mesa. "Maggie!" Napahawak ako sa chest ko sa gulat. Tumingin ako kay Nica, ayun naniningkit ang mapupungay niyang mata kay Maggie.

"Pasensya na hindi pwedeng kunin si Aly sa akin ngayon. Sa akin lang siya ngayon." Madidiin iyong bawat salitang sinasambit niya...ni Nica.

"Ah ganon ba? Tatanungin ko lang kasi kung anong magandang flowers para sa wedding."

"Hindi siya pwedeng tanungin!" Agad na sagot ni Nica. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Ang taray naman kasi.

"Ano...Maggie. White roses."

"Thankiess!" Hinalikan ako sa pisngi ni Maggie at agad umalis. Hindi ko alam kung bakit nalaman ni Maggie na nandito kami ngayon? But she asked Karl about it. I don't know.

"Ano 'yan bes?" Nanlilisik ang mata niya ng titigan ako ni Nica.

"I'm just trying to help her. Ano ka ba?" Hinawakan ko iyong kamay ni bes na nasa mesa. "Alam ko naman yung ginagawa ko bes. Sa tingin ko kasi makakabuti na rin kung ano iyong nangyayari ngayon."

She half smiles on it. But still, she's worried.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon