Kabanata 1

84.5K 1.1K 105
                                    

PAALALA: UNEDITED VERSION. WALANG NAAYOS. PUNO NG GRAMMATICAL ERRORS. BASAHIN LANG KUNG SINO ANG MAY GUSTO. CONSIDER YOURSELF WARNED. THANKS. 

Kabanata 1

Everything has changed

Akala natin kaya nating kalkulahin ang bagay dito sa mundo. Iyong lahat ng akala natin mangyayari at naayon sa gusto mo.

Hindi talaga nating alam kung ano talaga ang nakatadhana sa atin. Iyong akala natin na panghabangbuhay ay hindi pala totoo. Maraming magbabago. Maraming mangyayari. Sa huli hindi talaga kayo.

Parang kami.

Akala ko kami na. Akala ko mag-uumpisa na kami. Pero ang lahat ng akala ay nauwi sa wala. Maraming nagbago sa dalawang taon. Maraming nagbago sa akin. Maraming taong nawala sa akin. Si mom, si dad, mga kaibigan at si Gideon. Wala na sila ngayon sa tabi ko dahil pinili kong umalis at mamuhay ng mag-isa ng wala sila.

Hindi ko alam kung anong nangyari kung bakit ganito na lang na buhay ang binigay sa akin. Hindi na ako kilala ni Gideon. Hindi ko alam kung bakit nagkagayon ang mga magulang ko. Wala namang ginagawang masama ang mga Jimenez. Hindi ko alam.

Lahat ng mayroon ako nagbago. Wala man lang natirang nanatli. Hindi ko alam kung sino ba ang may kasalanan. Hindi ko alam kung sino o ano ang punu't dulo ng lahat kung bakit nangyari iyon.

Wala akong kaalam alam.

At dahil doon, umalis ako. Mom and dad changed. Marahil sa impluwensya ng pamilya ni Nick.  I didn't know.

Pero ngayon, kailangang itama ko na ang lahat. Yung maayos at wala ng masasaktan. Ayoko ng makasira ng buhay. Ayoko ng may napapahamak dahil sa akin. Ayoko nang mapahamak ang taong mahal ko katulad ni Gideon.

Ayoko na.

Tama lang siguro ang ginawa ko. Tama lang din na sundin ko ang sinabi nila. Tama lang siguro ito...kahit masakit.

"Alysson! Si Benj nasa labas!" sigaw ni roommate. Ngayong araw pala ako lilipat sa condo ni Benj. Si Benj ang boss ko ngayon. Mahabang kuwento kung paano kami nagkakilala. Maraming nagbago sa dalawang taon. Marami akong nakilala at lalo kong nakilala ang buhay sa dalawang taon.

"Uh...sige." Sinukbit ko na ang bag sa balikat ko. Nag-umpisa na rin akong maglakad papuntang pinto.

"Uy, mamimiss kita. Mag-ingat ka palagi Alysson."

"Ikaw din Mae." Ngumiti ako at binuksan ko na ang pintuan. Bumungad sa akin ang isang lalaking nakasandal sa itim na kotse. Tila ba napukaw ang atensyon niya at bigla siyang lumingon. Huminto siya sa paglalaro ng susi at unti unting kumurba ang labi niya sa isang sexy na ngiti.

Ang sexy talaga ng ngiti ni Benj. Urgh!

"AJ." Naramdaman ko ang pagbagsak ng panga ko ng iaayos niya ang sarili sa pagkakatayo. "Akin na 'yan" Nilahad niya ang kamay niya. Nakasimple shirt lang siya at maong pero lakas talaga ng dating ni Benj.

"Uy, wag na, kaya ko na 'to." Gusto pa niyang buhatin ang bag e kaya ko naman. Ito talagang si Benj. Binuksan ko na ang pinto ng kotse at sumakay na roon.

Inihagis ko sa back seat ang bag ko. Pagkatapos ay iniharap si Benj na inistart na ang kotse. Pero bago niya paadarin yun ay bigla siyang tumingin sa akin nang nakangiti...ngiting may balak gawin sa akin kapilyuhan.

"Benj! Isa, huwaaag—" Pinisil na niya ang ilong ko. Urgh! Ang harot talaga ng lalaking ito. Naku! Lagi niyang pinipisil ang ilong ko. Hay!

"Alam mo ang kulit mo talaga. Ang cute mo talaga. Nag-offer na nga akong buhatin ang bag ayaw mo pa." At pinisil pisil niya ang ilong ko. Hindi pa siya nakuntento pati pisngi ko pinisil niya rin

"Benj!" Medyo  hindi maayos ang pagkakasabi ko. Tinulak tulak ko na si Benj. Ang harot talaga. Pero natigil lang siya ng may kumatok sa bintana ng kotse. Hindi ko naman maaninag kung sino iyon kasi inaayos ko ang sarili ko.

Tinignan ko ng masama si Benj pero ayun siya tumatawa. Urgh! Binaba na ni Benj ang bintana ng kotse at...

"Are you guys making—" Napaawang talaga ang bibig ko.  Oh. My. God. Is this real?

"Hayaan mo na lang—bes!"

Halos hindi ko na alam kung paano ba lumabas ng kotse. Hindi ko alam kung paano ko nabuksan yung kotse. Basta ang alam ko patakbo na ako at yinakap si Nica. Dalawang taong kaming hindi nagkita. Dalawang taong hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila.

URGH!

"BES!" Tumalon na si Nica sa akin. At napakahigpit talaga ng yakap namin sa isa't isa. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Humahagulgol.

"Bes!" ani ko habang nakayakap kay Nica.

"Luka luka kang babae ka. Pinag-alalala mo ko. Ni hindi ko man lang alam, wala akong alam." Naramdaman ko ang hampas ng kamay niya sa braso ko. Hindi pa rin nagbabago ang bestfriend ko.

Hindi ako makapagsalita.

Umalis si Nica sa pagkakayakap sa akin at pinagmasdan ang mukha ko. "Ano bang nangyari a? bes? Bakit mo sinolo?" napalunok ako. Ang talim kasi ng titig ni Nica sa akin.

"Uy! Nica!" Umeksena si Karl sa amin. Agad niya akong hinila kay Nica at yinakap. Binuhat pa ko ni Karl habang yakap yakap niya ako. "Ang payat mo na." Sabi niya pagkababa sa akin. Karl pats my head.

Ngumiti lang ako sa kanya pagkatapos ay tinuon ang atensyon kay Nica. "Kayo na? Ano yan? Bes?"  Namula ang pisngi ni Bes pagkasabi ko nun. Hindi siya makatingin sa akin. Tinignan ko naman si Karl, ayun ngiting ngiti.

Sila na nga.

"Yes, Aly." Hinapit ni Karl si bes sa beywang at hinalikan ang buhok nito. Namumula ng todo si bes.

"Tumigil ka nga Karl sa kakornihan mo. Buset!" Taray ng bestfriend ko pero sa loob loob kinikilig na 'yan. Ganun pa rin si bes, sexy, maganda at ganun na ganun pa rin ang postura ng katawan.

Gayon din si Karl, malalim pa rin ang dimples. Hay!

"AJ." Napalingon ako sa likod. Nakalimutan ko si Benj. Oh my! My appointment kasi kami sa isang kliyenteng kakauwi lang ng Pilipinas at ngayon lang pwedeng makausap iyon. Malaking kompanya pa naman iyon.

May photoshoot kasing mangyayari kaya kailangan magkameeting.

"Bes, Karl, kailangan na namang umalis. Ito cc namin ni Benj!" Binigay ko ang calling card sa kanila. Mabilis ko silang yinakap pagkatapos ay sumakay na ng kotse. Hindi nila alam kung ano ang irereact nila.

Ang galing ko talagang tumakas. Tumakas.

Humingi ako ng pasensya kay Benj. Hindi niya ako tinanong kung sino sila. Ganun talaga si Benj hangga't hindi ko inoopen ang isang topic hindi yan magsasalita. Kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.

Mga kalahating oras ang byahe bago kami makarating sa kompanya. Pagkababa ko ng kotse, hindi ko alam pero biglang bumagal ang paghinga ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Autohub Company

Kitang kita ng dalawang mata ko iyon. Nakakailang lunok na ako at hindi ako makakilos. Seriously? Dito talaga?

Pero ang mas nakatuyo sa lalamunan ko ay ang paglabas ng isang lalaking nakaitim na suit sa automatic sliding glass door ng kompanyang iyon.

Si Gideon.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon