Kabanata 15

57K 734 10
                                    

Kabanata 15

Maggie

Nagpatuloy ang photoshoot na nawawala ako sa sarili. Tumutulala sa kawalan. Gusto kong maulit iyon. Isa pa.

Isa pang hawak niya.

Isa pang higpit ng hawak.

Isa pang titig.

Isa pa.

Sana.

Pero inalis ko na sa isip ko iyon.

Naging maayos na ang mga kuha nila. Nakisama na kasi ang pamilya Jimenez pati na rin ang pamilya ni Nathalie. Family picture na ang nagaganap. Grabe, ang gagandang lahi nila. God.

Matapos ang photoshoot ay biglang umalis si Gideon. Dahil daw may meeting pa siyang tutunguhan. Ganun din yung mga magulang ni Nathalie at ni kuya Harry. Si Nathalie naman umuwi na para kay baby Nate. Di bali kami na lang ni Benj at ni Harry dito sa venue.

Binigyan ako ng tingin ni Harry. Kaya binigyan ko rin siya ng tingin. Alam ko yung ibig sabihin niya sa tingin niya. He wants to talk. May gusto siyang sabihin sa akin. Na sa tingin ko kailangan kong malaman o gusto niya lang bang kausapin ako.

"Benj, mauna ka na. May pupuntahan lang ako."

"Want a ride?" Umiling ako.

"Okay na. Si Harry kasama ko." Ngumiti ako pagkatapos binigay iyong bag sa kanya.

 Tumango lang si Benj at pumunta na sa kotse. Binigyan niya ako ng isa pang tingin pagkatapos ay pinaandar na ang kotse.

Nung umalis na yung kotse ni Benj at may biglang umubo. Napatingin ako kay Harry. "Let's go?" Tumango ako.

Nagpunta kami sa isang mall. Naging madali lang naman ang byahe. Hindi kami nag-iimikan at iba ang aura ni Harry. Nung nasa mall na kami ay tumungo kami sa taas ng mall.

"Aly...I really don't know what happened. Sa inyo." Iyon agad ang bungad niya sa akin. Mayroon kasing parang garden ang taas ng mall na ito.

"Ha?" Alam ko naman kung anong ibig sabihin ni kuya pero...sana...Huwag na niyang ituloy.

Napatungo ako sa isang direkyson. "And I was not there. Dammit!"  Napatalon ang puso ko sa pagtunog ng knuckles ni kuya.

"Okay lang. Maayos na. Wala na naman dapat ikabahala." Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Something is wrong. Hindi maayos Alysson." There is an obvious seriousness on his eyes.

Alam ko. Alam ko namang mali pero hindi naman kailangang guluhin ulit kung maayos na. Hindi naman kailangang ayusin o manipulahin. Hayaan na ang tadhana ang dumikta ng lahat. "You don—"

"I need Alysson. My brother is a mystery."Napabukas ako ng bibig pero sinara ko rin naman iyon. "Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakahalata pero nagbago siya. After the accident, he became...something I can't figure Aly." Napailing si kuya at napayuko. "Mom told me he's okay but I think he's not. "

"Bakit?"

"Uh...don't mind. Anyways, Aly I just want to know if you're really okay." Ngumiti na si kuya and he spread his arms for a hug. Niyakap ko si kuya ng sobrang higpit. Damang dama ko iyong arm ni Harry sa akin. "I'm glad you're okay, baby." Naramdaman ko ang pagnginig ng dibdib ni kuya. Hmp. Tumatawa na naman 'to.

Kumalas ako ng yakap. "Kuya naman!" Okay ako naman ang mang-aasar. Ayaw niyang tinatawag ko siyang kuya. Yes!

"Aly!" He warned. Damn.

"Why kuya?" Napapatawa na ako.

"Okay. You're really okay." Sumabay din si Harry sa pagtawa ko. Mabuting ganito na lamang ang nangyayari. Masaya. Kahit parang hindi para sa akin. But someday, I know, mawawala rin to. Hindi ko na ulit ito mararamdaman coz I know someday nga, maaring hindi kami o maaring kami.

But I'm still hoping.

Naggala na lang kami ni kuya sa mall. Naglaro. Nagkuwentuhan. Kumain. Ang saya. Masaya kapag ganito. Kasalukuyan kaming nasa Toy Kingdom dahil bibilan ko ng laruan si baby Nate ng may mabangga akong dyosa.

Oh.My.God. "Bes." Lumingon iyong dyosa sa akin.

"Oh my God Besss!" Bigla akong niyakap ni bes. "Gravity ka!" Kinalas niya ang yakap at tinitigan ako. "Ano na! Ano nang nangyari sa atin. Gaga ka!"

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok sa eksena si Manager. Mga blooming. Hmp. Bigla niyang hinapit si bes sa kanya. Hmp. Kay.

"I miss you."

"OMG. I freaking miss you, to—" Napaawang ang bibig ni Nica. Oh my God. Si kuya Harry.

Naramdaman ko ang akbay ni Harry sa akin. Habang yung isa naman, itong si Karl humigpit ang hapit sa bes ko. Nakakatawa. Super. Grabe talaga tong si Karl. Kung alam lang niya!

"We need to go." Hindi na nakapagpaalam itong si bes dahil hinila na nitong si Karl. Ang sarap tumawa. Grabe.

Umiiling na lang si Kuya sa nangyari. So ako tinuloy ko na lang mamili ng laruan for baby Nate. Ano kayang maganda dun para sa cute na batang iyon.

Yung laruang aston martin na lang ang binili ko. Ako ang nagbayad kahit ayaw ni Harry. Regalo nga kay Nate tapos siya magbabayad? God.

Pagkatapos nito ay hinatid na ako ni Harry sa condo. Nagpaalam na ako at umalis na si kuya. Hay, kuya made my day.

"AJ."

"Benj." Ginaya ko siya. Medyo maggagabi na nung umuwi ako. Napansin kong may mga truck dito. Para bang may maglilipat.

"Anong meron?" tanong ko.

"Ano—"

"KUYAAA!" Biglang nagtatakbo yung babae kagagaling sa kotse. "Oh my God, kuya. I DAMN MISS YOU." Hinalikan niya sa pisngi si Benj. Sobrang higpit ng yakap niya kay Benj. Siguro ito yung lilipat sa kabila.

"Maggie!"

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon