MALDITA 3

1.2M 31.9K 5.8K
                                    

MALDITA 3

Nagpasundo ako sa driver ko pagkatapos ng break. Wala ako sa mood pumasok sa susunod kong subject kaya umuwi na lang ako sa bahay ko. Alam kong iniisip ng ilan na inaabuso ko ang pagiging anak ng may-ari ng School na pinapasukan ko. But who cares?

Care? What's the meaning of that word again? I never heard nor felt that since I decided to be numb. Until that Nerdy thanked me. I wrinkled my nose in disgust. Really? Someone thanked me? Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala. It's so surreal.

"Nandito na po tayo Ms. Avah." Napatigil ako sa pag-iisip noong nag-salita si Manong Sic.

I let out a sigh noong pinagmasdan ko ang labas ng bahay ko. Five storey house; masyadong malaki para sa akin at sa mga katulong ko. I took a deep breath before I entered my house.

"Good afternoon po Ms. Avah."

I rolled my eyes. As usual, sino pa bang inaasahan ko na babati sa akin bukod sa mga katulong? Wala namang bago, they will bid me goodbye with the smile on their faces and they will welcome me with their fake smiles and start killing me inside their heads. Hindi ko naman sila masisisi, sa araw-araw ba naman na pagtaasan ko sila ng kilay at sigaw-sigawan paano nila ako magugustuhan?

Hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Papaakyat na sana ako papunta sa kwarto ko noong bigla na lang sumulpot na parang kabute si Witch; ang atribidang mayordoma na kung umasta akala mopretty.

"Hindi ba't oras pa ng klase mo? Hindi ka na naman pumasok?" Pagbibida nya.

I eye her from head to toe trying to compare what's the difference between her face and her toes. Kahit na masakit sa mata ang tignan sya ginawa ko pa din. Walang bago, pangit pa din sya. Nangingintab ang mapula-pula at maitim-itim nyang mukha kakagamit ng panglinis ng mukha. Manipis ang kilay nya kaya nagmumukha syang mataray at maitim ang labi nya.Nakakatawa ang itsura nya, pilit pinaputi ang mukha at pinabayaang maitim ang buong katawan nya.

Here we go again. Seeing her ugly face makes me sick! If only I got the power to kick her butt out of my house, matagal ko ng ginawa! Only my dear father has the rights to kick her out, kaya ang lakas ng loob nya. Malakas din kasi ang kapit ng bruha.But in time, magagawa ko din syang mapaalis sa pamamahay ko.

"Did I give you a permission to speak?" Pagtataray ko.

"Hindi ko kailangan ng permiso mula sa'yo, baka nakakalimutan mong may karapatan akong kwestunin ka." Oh diba? May attitude problem ang gaga.

"Ahh, so kasama na pala sa job description ng mga katulong ngayon ang maging pakialamera."

"Hindi ako basta katulong lang."

"Mayordoma, katulong, driver, hardinero o kusinera ka man iisa lang ang trabaho nyo, ang pagsilbihan ako. So anong pinag-kaiba mo sa kanila?" I said and crossedmy arms.

"Baka gusto mong isama ko sa report ko sa Daddy mo ang ginagawa mong pagbubulakbol." Pananakot nya at nag-cross arms din sya. Kapal!

I really hate this woman. Masyadong malakas ang loob para kalabanin ako. Palibhasa kasi, sya ang nagsisilbing mata ng mga magulang ko. Inire-report nya lahat ng ginagawa ko sa araw-araw. Kailangan akong i-monitor ng mga magulang ko na kasalukuyang nasa China. Baka kasi may gawin na naman akong bagay na makakasira ng reputasyon nila. Maging isa na naman akong disappointment sa kanila at madungisan ang pangalan nila.

"Oh. Dapat na ba akong kabahan sa banta mo o dapat akong matawa dahil mukha kang tanga? What do you think me? A pre-schooler? Trying to scare a 19 years old lady?Magsusumbong ka lang pala eh, gusto mo samahan pa kita?"

"Nagtataka talaga ako kung paano ka naging anak nina Ma'am Alicia at Sir Victor dahil sa kasamaan ng ugali mo. Mabuti na lang at nandyan pa si Avy, may isa pa silang anak na maipagmamalaki nila kaysa sa'yo. Hindi ko sila masisisi kung bakit ka nila iniwan dito sa Pilipinas at pati ang nag-iisang kakampi mong Yaya Sally...ayaw na din sa'yo."

My hands form into fist dahil sa mga sinabi nya. I glare at her hanggang sa hindi na ako makapagpigil atbuong pwersa ko syang sinampal kaya naman na-out of balance sya.

"Serves you right." I said through gritted teeth.

Sapo ang kaliwang pisngi; mabilis syang umayos sa pagkakatayo at tinignan ako nang masama.

"Makakarating lahat ng 'to sa Daddy mo. Wala kang galang!"

"Go ahead! Magsumbong ka hangga't gusto mo...wala akong pakialam. Kung ikaw rin lang naman ang gagalangin ko, wag na lang. Hindi ka karapat-dapat galangin. You don't deserve my respect! At kung sobrang proud ka sa alaga mong impostora, bakit hindi mo sya sundan sa China or much better kung gagawa kayo ng sarili nyong langit-langitan tutal naman pareho kayong nagbabait-baitan." Tinalikuran ko sya at tuluyan nang umakyat papunta sa kwarto ko.Ibinagsak ko ang pintuan ng kwarto ko nang malakas dahil sa inis.

Ibang klase ka talaga Avy, nasa China ka na nga nagagawa mo pa ding sirain ang araw ko. Salamat sa Witch mong Yaya, pinaalala na naman nya kung gaano ka kagaling at kung gaano ako kawalang kwenta.

Ang anak na maipagmamalaki daw ng pamilya Chen. The perfect daughter daw, achiever, role model, blah blah blah according to them. She's always right and I'm always wrong. She's the good one and I am the bad one. Everyone loves her and everyone hates me. Nasaan ang hustisya? Grabe sobrang fair ng buhay ha!

Edi sya na lahat! Hakutin nya ang lahat ng awards! Gusto nya hampasin ko pa sya ng trophy, sakalin ng sash, patungan ng koronang tinik at abutan ng bulaklak ng patay. Good Lord! Bakit kailangan kong magkaroon ng kapatid na katulad nya? Hindi ko pa matanggap kung bakit sya ang unang ipinanganak.

But despite all the good things people say about her, I know better; behind those innocent chinky eyes are hidden lies.

Avy Chen is her name and pretending is her game. Loved by everyone and hated by me. Half-Chinese. Pure Impostora.

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon