Kabanata 30

57.6K 778 65
                                    

Kabanata 30

Marry

Magkakaroon ng company party ang Autohub company dahil sa successful na launching ng Aston Martin dito sa Pilipinas. Naimbitahan si Benj na i-cover ang event kahit isa itong private party para lamang sa empleyado at ilang kompanya ng kotse.

Mamayang 7:00 ng gabi iyon kaya pumunta muna ako rito sa condo ni Benj. Wala kasi akong magawa sa bahay since sila mom at dad ay nag-umpisa ng magtrabaho sa company nila kanina lang.

"Sa tingin mo ba bagay talaga itong dress na ito sa akin? Medyo kita kasi yung likod o?" Pinakita ko sa kanya iyong blue dress na kita talaga iyong likod ko. Binigay kasi sa akin ni mom 'to sabi niya ito raw ang suotin ko mamaya.

"Uhmm." Lumapit si Benj sa akin. Kinuha iyong dress at kinilatis. "Siguro." Tinignan tignan pa niya iyong damit. "Basta sa akin ka lang lagi sa party." Napalaki ang mga mata ko. Kailan pa naging ganito itong si Benj?

"Huy! Benj, hindi ka ba kinakalibutan dyan sa sinasabi mo?" Kinuha ko sa kanya iyong dress. God, may sumapi na talaga kay Benj.

"Hindi. Sabi mo maybe we could start. Ito na yun mahal ko!" Napalaki pa lalo ang mga mata ko sa mga salitang lumalabas sa bibig niya. Uh my God. Kinakabahan ako sa lalaking ito.

"Ang baduy mo!" Tinalikuran ko na siya. Jusko.

"Uy mahal ko!" Humalakhak pa siya.

"Urgh! Benj, ang baduy mo talaga! God. Tumigil ka nga." I glared at him. "At hindi pa naman tayo a. May pamahal mahal ko ka pa diyan!" Humarap ako sa kanya noong nasa may pinto na ako. Ngumisi ako ng nakakaloko.

"Ano bang gusto mong tawagan?" Ngumisi rin siya pabalik.

"Wala!" Naramdaman ko na lang na uminit iyong pisngi ko. Damn, Benj. Ang landi landi talaga niya kahit kailan.

Bubuksan ko na sana ang pinto ngunit hinawakan ni Benj ang kamay ko. Pinaharap niya ako sa kanya. Kinuha niya iyong dalawang kamay ko at hinalikan niya iyon. Nagugulat na talaga ako sa mga actions nitong si Benjamin! "Manliligaw naman kasi ako. Huwag masyadong excited. Baka sagutin mo naman agad ako." Napalunok ako sa sagot niyang iyon.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa makapal na lalaking ito. Hmp. "Ha! Benj, tumigil tigil ka." Inalis ko iyong hawak niya sa kamay ko. "Una na ko."

"One thing for sure, all your broken pieces will stick back together, AJ. Trust me. I will do it. Just try." Ngumiti siya pagkatapos at binuksan iyong pinto. "Sunduin na lang kita mamaya."

Hindi na ako nagpahatid kay Benj kasi may aayusin pa siya. Uuwi na sana ako ng bahay ng may nakita akong pamilyar na 'to doon sa isang coffee shop.

Nilapit ko ang sarili ko roon at nakita ko si Maggie na may kasamang lalaki. Tumitig pa ako ng maigi para makita kung sino yung kasama niya. Napakunot ako ng noo noong alalahanin ko kung sino ba yung kasama niya.

Conrad? Oo si Conrad nga ito. Ito yung lalaking muntik ng mabangga ni Benj. Ito yung pinsan nila.  Hindi ko alam kung ano iyong pinag-uusapan nila at wala na akong pakelam kung ano man iyon. Imbes na makiosyosyo ay nagdiretso na lang ako sa village namin.

Conrad. Maggie. May something sa kanila. Hindi ko alam kung ano. God. Hindi ko naman dapat pakielaman iyon.

Noong mga 6:00 ay nagpagpasyahan kong mag-ayos. I took a quick shower. At nag-umpisahang ayusin ang sarili ko. Nilugay ko na lamang ang buhok ko. And I wear a light make up. Above the knee iyong sukat ng blue dress na binigay ni mom sa akin. Tinignan ko iyong likod at nakikita talaga iyon. God. Feeling ko wala akong suot kapag nakikita yung likod ko.

U.N.I. (Book 2 of U.N.I. Trilogy) (SC, #2)Where stories live. Discover now