MALDITA 2

1.5M 36.9K 11.9K
                                    

MALDITA 2

I really hate Monday! School's sucks! Paano ba naman ako gaganahang pumasok kung puro mga stupid students lang ang makakasalamuha ko? Burn all those stupidents! Plus the professors who love to talk about their lives! As if I care about their autobiography! I pay them to teach me not to tell a story.

Inis akong nag-blower ng buhok ko sa harapan ng salamin. Nakakainis! Late 'yong stylist ko. Hindi ako nakatiis at pumunta ako sa may intercom and pressed it hard.

"Where the hell is Nayi?"

Nakakasira ng araw! It's 8:00 a.m at sumisigaw na ako. Nagpunta na lang ako sa dressing room ko at binuksan ang walk-in closet ko. I don't feel like dressing up today kaya naman kumuha lang ako ng isang skinny jeans at white printed shirt.

"Ms. Avah?" Narinig kong tawag saakin ng stylist ko mula sa labas ng kwarto.

Pinagbuksan ko sya ng pinto at tinaasan ng kilay.

"You're late!" I shouted saka ko sya tinalikuran at umupo sa may harapan ng salamin.

"S-Sorry po Ms. Avah...i-c-curl ko po ba? Messy buns o braid?" Tanong nya at inumpisahan na nyang i-blower ang buhok ko.

"No. Iron it."

After nya akong ayusan at lagyan ng light make-up, humarap ako sa kanya at sinampal ko sya na ikinagulat nya.

"You're fired." Mataray kong sabi sa kanya. Isinukbit ko ang Hermes bag ko at iniwan ko syang nakatayo habang sapo ang pisngi nya at humihikbi.

Ayoko sa lahat, pinaghihintay ako. Gusto ko, ako ang hinihintay.

"Ikuha nyo ako ng bagong stylist. Ayoko ng late." Mataray kong utos sa mga katulong bago tuluyang lumabas ng bahay para pumasok sa School.

-

Kakababa ko pa lang sa purple mini cooper ko, nakatingin na sa akin ang mga stupidents na nasa parking lot.

"Problem?" Mataray kong tanong at nag-iwas sila ng tingin. Na-amaze na naman ba sila sa ganda ko? God! Ang hirap talagang maging maganda, ang daming natutulala. Mabuti na lang, sanay na ako.

Taas noo akong naglakad papunta sa building ko, halos lahat ng stupidents ay sinusundan ako ng tingin. Walang nagtatakang harangan ang dadaanan ko at lahat sila nag-g-give-way para sa akin. Aba, dapat lang. Hindi ako ang tatabi para sa kanila, sila ang tumabi.

Noong makarating ako sa tapat ng classroom ko walang pasabi kong binuksan ang pintuan, automatic na napatigil sa pagsasalita ang gay Professor ko at napatingin sa akin ang mga stupidents kong kaklase. Naglakad na ako papuntasa pwesto ko; sa may last row sa tabi ng bintana.

"Oh, I think you are too early for tomorrow Ms. Chen." Sarcastic na sabi noong Professor ko.

"I'm sorry? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo. And I am very aware that I am late, I have my Bvlgari watch to keep track of time." Kalmado kong sagot sa kanya.

"I know who I am talking to Ms. Chen. I am very aware that you are the daughter of the School owner. Nahiya naman ako sa pangalan ng School na 'to kung hindi kita ma-recognize...Avah Chen's International School, they named it after you. Anyway I missed you." Sabi nya saka ngumiti.

I just smiled at him.

Mikee Reyes. Isang Half-Pinoy, Half-Pinay na Professor sa eskwelahan ko.

I don't know when Mikee and I consider each other as friends. Hindi sobrang close, civil friends...maybe? Kung meron mang ganoon. Ang alam ko lang, inabutan nya ako ng panyo noong nakita nya akong umiiyak sa may School Garden and since then, naging aware na ako sa existence nya. Kaya kapag nagkakasalubong kami sa loob ng School I will nod at him and he will do the same. No talks, just nods. That's how our friendship goes.

Sa kalagitnaan ng klase may biglang kumatok sa pintuan ng classroom kaya napatingin ako doon. May mas late pa pala sa akin.

Pinagbuksan sya ni Mikee at pumasok ang isang babaeng baduy na mukhang nerd. Napataas ang kilay ko sa suot nya. Nakasuot sya ng salamin na kasing kapal ng kilay nya ang lens at kulay black ang frame. Nakapalda sya na mahaba at kulang na lang pati paa nya ay takpan nya. Suot nyang pang-itaas ay isang maluwag at simpleng t-shirt. Nakalugay ang mahaba at magulo nyang kulot na buhok. Nakuha pa nyang mag-scarf ha! May bitbit syang makapal na libro at naka-back pack.

Napapikit ako at napailing. Sumakit ang mata at ulo ko sa pagtingin sa suot nya. God! Anong ginagawa ng katulong dito?

"Sorry po Mr. Reyes. I'm late." Mahinang sabi nya.

Student sya dito at kaklase ko pa sya? Sabagay, wala naman akong pakialam sa mga kaklase ko. Duh? Hindi ko sila kailanganin kilalanin, ako lang dapat ang kilala nila. It's a must to know who I am in this School.

"It's ok Ms. Aguilar, you may take your sit."

"Thank you po Sir."

Naglakad na si Nerd papunta sa upuan nya. Buti na lang I have this talent of naming people base on their looks or attitude. I don't personally know them so why bother asking for their real names. Tumigil sya sa katabing upuan ko, pero bago sya maka-upo tinanong ko sya.

"Paano nakapasok ang hampaslupang kagaya mo sa School ko?"

Nagulat sya sa tanong ko at napunta ang atensyon sa amin.

"Dahil may pambayad ako ng tuition fee?" Sagot nya na parang sinasabing tanga ako para hindi malaman 'yon.

"How come?" Gulat na tanong ko. Sa itsura nyang 'yan, na-afford nya ang tuition fee ng School ko pero hindi nya afford ang bumili ng suklay?

"Because I can?" Kunot-noo nyang sabi.

"New stupident?"

"Not stupid...just student." Sagot nya at ngumiti ng pilit. Fake! A nerdy bitch huh.

Umupo na sya at binuksan ang laptop sa may harapan nya saka nakinig kay Mikee tulad ng karaniwang ginagawa ng mga Nerd. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa bintana.

-

When break time came, I decided to go to the School cafeteria. Napakunot ang noo ko noong mapansin ko ang kumpulan ng mga stupidents malapit sa counter. I don't really care about the scenes they are making. Na-bother lang ako sa nagkalat na pagkain sa sahig, kaya lumapit ako sa kanila.

"Sino sa inyo ang naglakas ng loob para magsayang ng pagkain?" Malakas kong tanong at natigilan ang lahat saka napatingin sa direksyon ko.

Nagpalitan ng tingin ang apat na babaeng sa sobrang kapal ng make-up ay mapagkakamalan mong payaso. Mabilis ding nagsibalikan sa kani-kanilang table ang mga usisero't usisera na ayaw madamay. Doon ko lang napansin si Nerd na naka-salampak sa sahig at naliligo sa spaghetti. Saka sya biglang pinagtawanan ng apat na payaso.

"May nakakatawa ba?" Tanong ko. Sunod-sunod na iling ang natanggap ko bilang sagot.

"Before laughing your ass off, fix your make up first. Mukha kasi kayong payaso." Pagtataray ko at nagtawanana ang ilang mga tao sa cafeteria.

Bilang parusa sa ginawa nilang pagkakalat pinaglinis ko sila ng buong cafeteria. They grunted and stomped their feet habang kinukuha ang mga panlinis. Sa School ko, ako ang batas. Wala silang choice kung hindi ang sumunod. Because this School is my Kingdom and I am the Queen.

Tinignan ko ang hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin sa sahig na si Nerd.

"You look stupid down there. Get up Nerdy, show's over." Sabi ko at nag-ayos na sya para tumayo. Tatayo din pala sya ang dami pang arte.

Pumunta na ako sa pwesto ko at lumapit ang isang staff. Sinabi ko kung anong gusto ko at napansin kong nakatayo si Nerd sa harapan ko. Tinaasan ko sya ng kilay.

"T-Thank you Ms. Chen."

Ok. That is weird. This Nerd is thanking me, just wow. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil after a long years may taong nag-thank you sa akin. It's kinda awkward to hear those words lalo na kapag nasanay ka nang kinamumuhian ka ng lahat.

"Tinapon nila 'yong pagkain mo 'di ba?" Tanong ko at tumango sya.

"Order anything you want Nerdy." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Magre-react pa sana s'ya pero inunahan ko na.

"Oh? Aarte pa?"

Avah Maldita (Aarte pa?) - Book VersionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon