Kabanata Labimpito

50.8K 669 2
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Naghihintay kami nina Pia sa labas ng ER. Hindi ako mapakali. Ako ang dapat na pinaparusahan dito e. Wala naman siyang ginawang masama. Nung lumabas yung doktor, nilapitan ko agad siya.

"Dok, kamusta na po si Missy?" Tanong ko sa doktor.

"Ayos naman na siya. Kaya nga lang-"

"Kaya nga lang po, ano?" Pagpuputol ko sa sinasabi niya.

"Kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon. Pahina na ng pahina yung puso niya. Kapag hindi agad siya maoperahan, baka tuluyan na siyang mawala sa atin. Nasaan ba yung mga magulang ng pasyente?"

"Nagpunta po sa probinsya e. Sa isang buwan pa po ang balik. Pwede po bang operahan si Missy kahit wala yung mga magulang niya?" Sagot naman ni Pia.

"Hindi pwede e. Kailangan ng pahintulot nila o kaya ng taong maituturing na tagapagbantay niya."

"Pia, di ba yung nanay mo naman yung tagapagbantay ni Missy? Di ba sa kanya ipinagkakatiwala ng mga magulang ni Missy si Missy kapag wala sila?"

"Ay! Oo nga. Dok, yung nanay ko po! Pwede pong siya yung pumirma para maoperahan agad si Missy. Itatawag na lang din po namin sa mga magulang niya yung mga nangyari."

"Sige. Aasikasuhin ko na yung mga papeles para makahanap na rin tayo ng pwedeng magbigay ng bagong puso kay Missy."

"Sige. Salamat po dok."

Inilipat ni si Missy sa pangkaraniwang kwarto. Hindi pa rin siya gumigising. Sabi nung doktor, epekto daw nung gamot na ibinigay sa kanya. Umuwi na muna sina Pia at Jed. Inaaya na nila akong umuwi pero nagpaiwan pa rin ako. Ayaw kong iwan si Missy kasi baka iwanan na talaga niya ako. Gusto ko paggising niya, ako ang una niyang makikita. Pagkatapos nun, aayusin ko ang lahat para kahit papaano, mapagaan ko ang pakiramdam niya.

Hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa tabi ng kama ni Missy. Nagising lang ako kasi ginising niya ako. Kahit na gusto kong magsaya dahil kinakausap niya ulit ako, hindi ko magawa kasi alam kong mas malala yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

"O. Gising ka na pala." Sabi ko sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong naman niya sa akin.

"Inatake ka na naman e. Pasensya ka na ah. Puro pahamak na lang ang naidudulot ko sa'yo. Muntik ka pang mamatay ng dahil sa akin. Pangalawang beses na 'to. Pasensya ka na talaga." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Alam mo na?"

"Oo. Sinabi na sa akin nina Jed. Wag kang magalit sa kanila. Malalaman at malalaman ko rin naman yun e. Sabi nga pala nung doktor, kailangan mo ng maoperahan."

"Ha? Ganun na ba talaga kalala?"

"Siguro. Inaayos na nila yung mga papeles para maoperahan ka. Pero habang hindi ka pa inooperahan, hayaan mong alagaan muna kita."

"Hindi. Ayaw ko." Sabi niya sabay hatak ng kamay niya mula sa kamay ko.

"Anong ayaw mo?"

"Ayaw kong alagaan mo ako. Josh, wag mo na akong pahirapan. Hindi ko na kaya e. Masyado ng masakit." Sabi ni Missy habang pinipilit niyang labanan yung pagtulo ng mga luha niya.

"Pero ito na lang ang magagawa ko e. Missy, mahal na mahal kita. Kapag naoperahan ka, hindi ko na alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung may posibilidad pa ba na mahalin mo pa rin ako. Kaya hangga't hindi pa nangyayari yun, gusto kong maipakita sa'yo kung gaano kita kamahal."

"Yun na nga e. Kaya nga ayaw ko ng sumugal pa. Kasi hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos. Ayaw ko ng pahirapan yung mga taong mahalaga sa akin. At kahit masakit mang aminin, kasama ka dun. Ayaw na kitang mahirapan Josh."

Hindi ko namalayan, umiiyak na rin pala ako. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa mahalaga ako sa kanya o malulungkot ako dahil ayaw na niyang sumugal pa. Gusto ko pa siyang makasama e. Pero paano ko gagawin yun kung ipinagtutulakan na niya ako palayo? Gusto ko pa man ding siya ang makasama ko sa parating na sayawan. Hay. Bakit ba kasi ang gulo ng laro ng pag-ibig e? Pwede namang puro masayang pangyayari na lang di ba? Paano na kaya ako ngayon?

Pagkatapos ng tatlong linggo, may nahanap na raw na puso na pwedeng ipalit sa puso ni Missy. Sa makalawa na rin daw yung operasyon niya kaya bawal na muna siyang lumabas ng ospital. Kung hinahanap niyo naman yung mokong na si Ralph, ayun, araw-araw dumadalaw dito sa ospital. Ang sarap na ngang baliin nung leeg para di na muna makapunta dito e. Oo. Nagseselos ako pag nakikita ko silang dalawa. Peste naman kasi e!

Ayun nga. Malapit ng operahan si Missy. Bukas na rin yung sayawan at ako, eto, naglulungkut-lungkutan dahil di ko siya makikita o maisasayaw man lang. Pero kailangan ko pa ring pumunta dun kahit na pakitang-tao man lang.

Nung gabi na ng sayawan, malungkot pa rin ako. Pero pinipilit kong ngumiti para di naman masabi na KJ ako. Nung oras na para sa pagtugtog ng banda, nag-init ang ulo ko. Kung bakit, banda lang naman nung pesteng si Ralph yung tutugtog. Di ba nakakaasar?

"Ngayong gabi, 2 kanta lang yung tutugtugin namin. Yung isa may kasama akong kakanta. Yung isa naman yung kasama ko lang yung kakanta. Sana magustuhan niyo yung mga tutugtugin ng banda namin. Salamat." Sabi ni Ralph tapos naghiyawan naman agad yung mga tao.

"Tss. Makalayas na nga muna dito." Sabi ko sabay labas ng kwarto.

"Ito na yung una naming kakantahin. Yung pamagat ay Tabi. Sana magustuhan niyo."

Naranasan mo na ba
Mawalan ng makakasama?
Sa gitna ng daan
Hindi malaman ang pupuntahan

Huwag mag-alala
Hindi kita pababayaan
Sa iyong tabi
Ako ay iyong mahahawakan


Bakit kaya naghihiyawan yung mga tao? Ordinaryo lang naman yung boses nung mga kumanta e. Parang timang lang talaga. Tss. Pero bakit may biglang tumatakbo papunta sa akin?

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon