Kabanata Isa

192K 1.9K 61
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Josh's POV

"Hoy pare! Ano ba yang binubulong mo diyan?" Sabi nung isa kong kaibigan pagkaalis na pagkaalis nung babaeng masungit. Di ko na lang siya pinansin at tinitignan ko pa rin yung lugar kung saan nagpunta yung babae.

"Oo nga Josh." Sabat naman nung isa sa mga syota ko.

"Wala na kayong pakialam doon!"

"Hmp! Makaalis na nga!" Sabat naman nung isa ko pang syota.

"Sige lang. Wag ka na rin palang lalapit sa akin pagkatapos ah. Alam mo naman, mayamaya lang makakahanap na ako ng kapalit mo at ibang babae na ang kasama ko bukas."

"Josh naman e! Hindi mabiro. Hehe." Yan ang nakakainis sa mga babae e. Aangal angal tapos pag nagbanta na iiwan bigla bigla namang makukumahog para makuha ulit yung atensyon mo. Labo lang e. Parang yung ugali nung babae kanina. Ang labo niya. Hindi na lang aminin na may gusto sa akin e.

"Bibigay ka rin pala e. Tara na nga!"


Missy's POV

Sa isang mamahaling kainan...

"Missy! Tulong naman o!" Biglang sigaw ni Pia, malapit kong kaibigan.

"O! Anong problema na naman ba 'yan?" Tanong ko naman sa kanya. Ganyan naman lagi si Pia e. Ililibre ako sa sa kung saan saan para lang humingi ng kung ano. Ako lang naman ang takbuhan niya pag may problema siya e.

"Missy naman e."

"Ay sus! May paganyan-ganyan ka pa. Alam ko namang hihingi ka na naman ng payo e."

"Ay nako. Kilala mo na talaga ako." Sagot ni Pia. Ilang taon ko na rin kasi siyang kaibigan e. Simula kinder magkaklase na kami. Hindi na kami naghiwalay. Kaya siguro kabisado ko na rin yung ugali niya pati kung kailan siya nauutot o nadudumi. Hahaha.

"Naman! Haha. O ano nga yung problema?" Tanong ko.

"E kasi ano." Hindi mapakaling sagot ni Pia.

"Ano nga?"

"Yung kaibigan ni Josh nililigawan ako."

"ANO?!" Bigla akong napasigaw dahil sa narinig ko. Katulad ng sinabi ko dati, ayaw na ayaw ko kay Josh kaya damay na rin dun yung mga kaibigan niya. Kasi hindi naman sila magiging magkaibigan kung hindi sila magkapareho ng ugali di ba?

"Sabi ko yung kaibigan ni Josh - " Pag-uulit ni Pia pero pinutol ko na siya.

"Oo. Narinig ko. Di naman ako bingi."

"Narinig mo naman pala e. Bakit ka pa nagtanong ulit?"

"Ganyan ka na ah! Dapat di ka na lang pumunta sa akin." Sagot ko na para bang nagtatampo ako.

"Missy naman e! Kailangan ko talaga ng tulong mo! Parang awa mo na! Di ko talaga alam kung anong gagawin ko e." Pagwawala ni Pia. Napansin ko bigla na tumahimik sa loob nung kainan. Nakakahiya lang talaga.

"Oo na. Wag ka na ngang mageskandalo dito. Nakakahiya sa mga tao e. Pinagtitinginan na tayo." Pagpipilit ko para lang tumahimik si Pia. Baka kasi pag di pa siya tumigil kainin na ako ng lupa dahil sa kahihiyan e.

"Salamat Missy. E ano na nga?" Sabi ni Pia sabay ayos ng upo.

"Alam mo naman kung anong isasagot ko diyan di ba?"

"Oo. Pero - "

"Pero ano?"

"Pero gusto ko na yata siya e."

"Ay sus! Ganito na lang yan ah. Kapag ikaw niloko at pinaiyak ng mokong na yun, wag kang aangal sa akin kasi ngayon pa lang sinabihan na kita."

"Sige." Sagot ni Pia sabay ngiti. Nako. Kung di ko lang talaga kaibigan 'tong babae na 'to matagal ko na 'tong dinagukan.

"Basta tandaan mo, nandito lang ako na handang tumulong sa paglutas ng problema mo maliban na lang kung may koneksyon sa grupo ng mga mokong na yun."

"Sino yung mga mokong?" Biglang may sumabat sa usapan namin. Pagtingin ko, si Josh. Kainis. Nawalan ako bigla ng ganang kumain.

"Ay anak ng tipaklong naman o! Humagin na naman dito." Pagpaparinig ko.

"May sinasabi ka?" Tanong naman niya.

"Ay naku, wala. Baka guniguni mo lang yung naririnig mo."

"Ah. Akala ko may sinasabi ka e."

"Akala mo lang yun." 

"Teka lang ah. Magkakilala na ba kayo?" Sabay sabay nilang itinanong sa amin.

"Oo." "Hindi." Sabay naman naming sagot ni Josh kaya naguluhan sila.

"Ano ba talaga?"

"Hindi nga e. Ang kulit niyo naman e. Sige Pia, alis na ako ah. Di ko na gusto ang ihip ng hangin dito e." Sabi ko sabay tayo. Di ko na lang inubos yung kinakain ko. Ayaw ko talagang makasama yung mga yun sa iisang lugar e. Pssh.

"Sige. Salamat talaga Missy. Ingat ka."

"Sige."

"Hmm. Missy pala ah."

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon