Kabanata Labingtatlo

52.9K 691 10
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Hanggang sa pag-uwi, di maalis sa isipan ko kung kanino ba talaga galing yung mga regalo at sulat na natatanggap ko. Buong akala ko kay Josh galing yun pero mukha namang hindi kasi ayun na nga siya at nanligaw na sa harap ng madla. Nakakatuwa mang isipin na may nagkakagusto sa akin ng palihim, nakakatakot din pala yun kasi di ko alam kung anong balak niya, kung sino siya at kung anong kaya niyang gawin sa akin. Kaya ang misyon ko ngayon ay alamin kung sino ba yung lalaking yun.

Pero, bago ko gawin yun, kailangan ko pa ring gawin ang misyon ko kay Josh. Ang turuan siya ng leksyon at di hayaan na mapagdiskitahan niya ako. Kahit na sobrang kilig ako sa ginawa niya kanina, hindi pa rin ako maaaring magpadala dun. Kailangan kong tandaan na kasama lang yun sa mga palabas niya. Kaya dapat itatak ko sa utak ko na wala lang yun kahit na gusto ko totoo na lang yun.

Kinabukasan, dumating si Kokey. Ay mali. Si Josh pala. Kung bakit, dahil lang sa 1 dahilan, susunduin daw niya ako.

"E? Sinong may sabi na sunduin mo ako ha?" Tanong ko sa kanya.

"Wala. Pero ang gusto ko, simula ngayon, ako na ang susundo at maghahatid sa'yo."

"Aba! Iba ka rin e. Nanliligaw ka pa lang ganyan ka na kung makaasta. Ano pa kaya pag naging tayo? Kaloka naman 'to o."

"E di may posibildad nga na maging tayo? Ikaw na mismo may sabi e." Sabi niya bigla sa akin tapos tumataas baba pa yung kilay niya. Nakakainis lang kasi naloko niya na naman ako.

"Oo. Pero wag mong kalimutan na may posibilidad din na aasa ka sa wala." Masakit mang aminin, pero yun nga ang lagay niya ngayon. Umaasa siya sa wala.

Nagpunta na kami sa eskwelahan. Tahimik lang ako sa sasakyan niya, nagmumuni-muni. Iniisip kung hanggang dito na nga lang ba talaga kami. Kung wala na ba talagang pag-asa na magbago siya at mahalin talaga niya ako ng totoo. Dahil sa katahimikan ko, nagtanong tuloy si Josh.

"Bakit ang tahimik mo? May sakit ka ba?" Pagkasabi niya nun, nilagay niya yung kamay niya sa noo ko at tinignan kung may sakit ba ako.

"Wala ka namang sakit. Pero bakit ganyan ka? Nakakapanibago ah. Di ako sanay."

"May iniisip lang ako." Matipid kong sagot sa kanya.

"Ah. Kaya naman pala. Siguro iniisip mo ako noh? Wag ka namang ganyan. Magkasama na nga tayo, ako pa rin iniisip mo. Haha."

"Sira ka talaga." Sabi ko tapos pinilit ko na lang na tumawa para di na siya mag-isip ng kung ano.

Pagbaba namin ng sasakyan, nakatingin yung mga chismosa naming kaklase. Pinagbuksan pa kasi ako ng pinto ni Josh. Hay. Kung ganito siya ng ganito baka mahulog na talaga ako sa kanya.

Nagapatuloy ang mga araw. Lumipas ang mga linggo at buwan at hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo sa akin ni Josh. Medyo tumigil na rin yung nagpapadala sa akin nung sulat kaya parang lumalaki na yung posibilidad na maging kami nga ni Josh.

Isang araw, napagdesisyunan ko na subukan kung anong mangyayari kapag kami na talaga ni Josh. Ang ibig kong sabihin, sasagutin ko na siya. Pinuntahan ko siya sa lugar kung saan siya madalas tumatambay. Balak ko kasi siyang sorpresahin. Ang hindi ko alam, ako pala yung masosorpresa.

Sa sobrang gulat ko, nabitawan ko yung mga libro ko. Narinig niya yung tunog kaya napatingin siya sa akin. Nagulat din siya kasi nandun ako. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya. Lalapitan niya sana ako pero kinuha ko lang yung gamit ko at tumakbo na papalayo. Grabe naman talaga 'to o. Bakit ngayon pa nagkaganito?

"Missy, teka lang!" Sigaw ni Josh habang hinahabol niya ako.

"Bakit?!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya.

"Missy, hayaan mo naman akong magpaliwanag o."

"Di pa ba sapat yung mga nakita ko ha? Sige, ano pang idadagdag mo dun?" Di na makapagsalita si Josh. Parang naubos na yung mga salita sa bibig niyang walang ibang laman kung hindi kasinungalingan. Pagkatapos nun, umalis na talaga ako.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon