Kabanata Apat

81.9K 1K 42
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Missy's POV

Kung bakit ba kasi napasok pa ako sa problemang ito e. Una sa lahat, ayaw ko siyang makita. Ayaw ko siyang makausap. Ayaw ko siyang makasama. Ibig sabihin, ayaw sa kanya e! Pero ano, ito ako magiging sunud-sunuran sa gusto niya? Hindi pwede yun! Basta, papayag lang ako na tawagin niyang "hoy" pero hanggang dun na lang yun! Ako pa rin ang masusunod sa buhay ko.

Pagdating ng uwian nakita ko na si panget este si Josh na naghihitay sa may pintuan ng silid-aralan namin. Yung mga kaklase kong babae parang mga uod na binuhusan ng asin kung kiligin. Akala mo naman sila yung pinuntahan nung mokong na si Josh. Hindi naman sa sinasabi kong ako yung ipinunta niya. Pero utang na loob naman, hindi naman si Josh ang pinakamatipunong tao sa mundo at sa buong kalawakan. Ako lang ba ang nakakakita nun? Hay, buhay.

"Hoy! Matagal ka pa ba diyan?" Biglang sigaw ni Josh habang nakasandal sa may pintuan.

"Sino kaya yung tinatawag ni Josh?"

"Ang swerte naman niya."

"Oo nga e. Sinusundo pa siya dito." Bulung bulungan naman nung iba kong mga kaklase. 

"Hindi rin talaga kayo chismosa e?" Biglang banat ni Josh sa kanila kaya napatahimik sila saglit. Pero maya maya lang sumigaw ulit si Josh.

"Hoy! Bilisan mo nga diyan! Ang tagal ko ng naghihintay dito ah!"

"Sino ba talaga kasi yung hinihintay ni Josh?"

"Oo nga."

"Kayo ba hindi titigil sa kakachismisan niyo ha? Isa! Dalawa!" Nag-iba yung itsura ni Josh kaya parang natakot yung mga kaklase ko. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Josh.

"Alis na nga tayo!"

"Tama 'yan!"

"Hindi ka ba talaga titigil diyan sa kalokohan mo ha?" Tanong ko sa kanya habang papalabas ako ng pinto.

"Paano kung sabihin kong hindi? May magagawa ka ba ha? Wala naman di ba? Tara na nga! Ang kupad kupad mong kumilos!" E? Bakit ba kasi hinintay niya ako rito?

"Teka nga lang! Sino bang may sabing sasama ako sa'yo ha?"

"Wala naman. Pero nung pumayag ka sa usapan natin kanina kasama na rin dun yung pagsama mo sa akin." Hala. Ano raw? Pakipaliwanag ngang maigi!

"Alam mo, sa pagkakaalala ko, pumayag lang akong tawagin mong "hoy" at hanggang dun lang 'yun."

"Ah. Ganun ba? Puwes, mali ang akala mo!" Grabe lang talaga. Siya na. Siya na ang makapal ang mukha! Argh.

"Kung sa tingin mo, mapapasunod mo ako sa lahat ng gusto, nagkakamali ka! Uuwi na ako. May gagawin pa ako."

"Oo na. Sige na. Panalo ka na ngayon. Pero ito na lang. Ihahatid na lang kita sa inyo. Ano, payag ka na?" Nanlaki bigla yung mata ko dahil sa sinabi niya. Siya, ihahatid ako? Di pwede!

"Ha? Hindi!"

"Wala ka ng magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, ihahatid kita!" Sabi ni Josh tapos kinaladkad na niya ako papuntang sasakyan niya. Kainis. Ang sama talaga ng ugali niya!


Josh's POV

Alam ko na kung anong iniisip niyo e. Iniisip niyo na gusto ko talaga siyang ihatid noh? Mali kayo diyan! Gusto ko lang malaman kung saan siya nakatira para naman maaasar ko na siya araw araw.

Missy's POV

Ano naman kayang pinaplano nitong mokong na 'to? Di ko gusto ah. Magturo na lang kaya ako ng ibang bahay? Sige. Ganun na lang. Akala niya ah. 

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon