Kabanata Dalawa

119K 1.4K 59
                                    

WARNING: Semi-jeje version pa 'to. Iba yung nasa published book.

***

Josh's POV

Aaminin ko, sa buong buhay ko ngayon lang ako nakakilala ng babaeng katulad niya. Lahat ng babaeng nakikilala ko kindatan ko lang bibigay na pero siya walang epekto e. Dahil sa mga inaasal niya, lalo akong nagiging interesado sa kanya. Para naman pag bumigay siya sa akin maipagmamalaki ko sa buong mundo na may naloko akong babae na ayaw sa akin nung una. Alam ko ang sama ng plano ko at magiging problema pag nahulog talaga ako sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hinding hindi yun mangyayari kasi ako si Josh, ang hari ng eskwelahan namin at ni minsan di pa ako nagmamahal ng totoo kasi nga ang babae laruan ko lang.

"Pia, ganun ba talaga kasungit yang kaibigan mo ha?" Tanong ko kay Pia, pinopormahan nung kaibigan ko. Di ko naman alam na kaibigan pala nito yung babaeng yun e. Maliit lang pala talaga ang mundo. Hahaha.

"Hindi naman. Tahimik nga lang talaga yan sa harap ng maraming tao e. Kasi umiingay lang yan pag kasama niya ang pamilya at mga kaibigan niya. Pero sa inasta niya kanina, halatang inis siya sa'yo kaya nagkaganun." E? Parang di naman! Yun, tahimik? Naglolokohan tayo! Kung awayin ako wagas e.

"Ah. Ganun ba? Bakit naman pala siya inis sa akin?"

"Pasensya na pero di ko pwedeng sabihin sa'yo yung dahilan. Nangako kaming magkakaibigan na hindi lalabas sa grupo namin yung mga sikreto namin e. Sige, una na rin ako." Sabi ni Pia habang papatayo mula sa upuan niya.

"Hatid na kita."

"Ha? Hindi na."

"Hindi. Hatid na kita."

"Sige na nga." Kulitan nila Pia. Dapat kasi ihatid na lang kung ihahatid. Di yung nagtatalo pa. Tss.

"Sige Josh, una na kaming dalawa."

"Sige."

"Josh, saan na tayo pupunta?" Tanong nung isa kong syota. Nag-isip ako saglit tapos naisip ko na gusto ko munang mapag-isa para makapag-isip ng maayos. Kaya naisip ko na sungitan na lang yung dalawang babaeng kasama ko.

"Aba malay ko sa inyong dalawa! Basta ako uuwi na. Diyan na nga kayo!" Sigaw ko sabay tayo at labas ng kainan. Bahala sila sa buhay nila. Malaki na sila. Kaya na nilang makauwi.

"Pagpasensyahan niyo yun ah. Tinopak na naman e."

"Ok lang. Pinili naman naming malagay sa posisyon na ito e kaya kailangan naming magtiis."

"Hay. Ewan ko nga ba kung bakit gustung gusto niyong mapaglaruan ni Josh. Sige, alis na rin ako."

"Sige."

Missy's POV

Hay. Kainis talaga yung mokong na yun! Sinira na niya yung buong araw ko! Kung bakit ba kasi napatingin pa ako sa direksyon nila kanina e. Parang ayaw ko tuloy pumasok bukas.

Kinabukasan...

"Missy! Gumising ka na nga diyan! Aba'y ala-sais na! Mahuhuli ka na sa pasok mo!" Sigaw ng nanay ko habang inaalog alog ako sa kama ko.

"Ayaw ko pong pumasok e." Sagot ko habang pinipilit na buksan yung mga mata ko na para bang ang bigat bigat bigla.

"Alam mo naman na hindi ka pwedeng lumiban sa klase mo di ba? Paano ka magtatapos na may mga medalya niyan kung liliban ka ng walang matinong dahilan?" Sus. Puro medalya rin nasa isip nitong si nanay e. Ayaw man lang akong pagbigyan.

"Hay. Sige na nga po papasok na." Piilit kong sagot tapos nagbagal pa rin ako sa pagkilos. Hihihi.

Pagpasok ko, dumiretso na ako sa may languyan kasi paglangoy ang una kong asignatura. Nagbihis na rin ako at naghanda. Ay! Nasabi ko na ba sa inyo na isa ako sa mga panlaban ng paaralan sa paglangoy? Ayan ah, alam niyo na. Basta ayun, katulad ng dati pinuri-puri na naman ako ng guro namin. Pero lahat naman ng mga estudyante niya pinupuri niya e. Pagkatapos nun maglalakad na sana ako papunta sa susunod kong klase ng biglang sumulpot sa paligid ang taong pinakaayaw kong makita: si Josh.

"O! Ano namng tinitingin-tingin mo diyan?" Bungad ko sa kanya.

"Sa tingin mo ba ikaw yung tintignan ko?" Sagot naman niya sa akin.

"Oo. Kasi ako lang naman yung nandito. Diyan ka na nga lang!" Parang napahiya siya sa sinabi ko kaya akala ko makakaalis na ako. Pero nagkamali pala ako.

"Hep! At sa tingin mo saan ka pupunta ha?" Sabi ni Josh sabay harang sa harapan ko. Tinignan ko siya ng masama saka ako sumagot.

"Sa susunod kong klase bakit may angal ka ha?" Tanong ko sa kanya habang iniaangat ko yung manggas ng uniporme ko.

"Wala naman." Mahinang sagot ni Josh. Ha! Takot din pala siya e.

"Wala naman pala e! Tumabi ka na diyan!"

Josh's POV

Ay sus! Nabara na naman niya ako! Bakit ba di ako makasagot pag siya yung kausap ko? Di ko magamit yung angas ko e. Pero maghintay lang siya, babawi ako.

Maling Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon