Chapter 25: Surpise Visit

14.2K 210 21
                                    

Chapter 25: Surpise Visit

Sabado ng umaga habang nagluluto si Rosa nilalambing siya ng kanyang asawa. “Happy Anniversary” bulong ni Robert sabay tinuka tuka sa pisngi ang kanyang asawa. “Tumigil ka nga, baka makita tayo ng anak natin” landi ni Rosa. “Alas sais palang, tulog pa yon” sabi ni Robert at nagbungisngisan sila.

Natigil ang lambingan nila nang marinig nila yung buzzer ng gate. “Go see who it is” sabi ni Rosa. “Wala yon, baka mga bata nanaman na pinaglalaruan yung buzzer” sabi ni Robert pero muling tumunog yung buzzer. “Akon a nga” sabi ni Rosa kaya nagtungo yung mag asawa sa may pinto at binuksan ito.

“May tao nga” sabi ni Robert kaya sabay sila lumabas at lumapit sa gate. Pipindot ulit sana si Cristine nang marinig na mga boses nung mag asawa. Pag bukas ni Robert ng gate nagulat sila nang makita yung magandang artista. “Cristine” bigkas ni Rosa sa gulat.

“Good morning po tito at tita, sorry I know it’s early pero…” sabi ng dalaga sabay lumingon sa paligid. “Oh no no come inside” sabi ni Robert. “Ah teka po, manong Ronel please” pacute ng dalaga kaya lumabas yung driver at dinala yung malaking tray ng baked macaroni.

“Hala nag abala ka pa iha, I was actually going to cook something special for our anniversary pero…thank you iha” sabi ni Rosa. Nautal si Cristine pero mabilis siya nakaisip, “Enan told me, sorry po at ito lang nadala ko pero  favorite ni Enan” sabi ng dalaga.

“Pasok kayo” sabi ni Robert, “Ay hindi po kasi day off ni manong Ronel” sabi ni Cristine. Kinuha ni Robert ni tray, “Sige po manong I will be fine” sabi ni Cristine kaya nalito si Ronel at napakamot. “Sige po enjoy your day off” hirit ng dalaga kaya ngumiti nalang yung matanda at bumalik na sa kotse.

“Diyos ko ang ganda mo talaga sa personal” sabi ni Rosa. “Di naman po tita” sagot ni Cristine. Pagpasok nila ng bahay start struck parin yung mag asawa at nahihiya sila pagkat nakapambahay lang sila. “Pasensya ka na iha talaga kasi di pa kami nakaligo at lahat lahat na” sabi ni Rosa.

“Don’t be tita, ako nga dapat yung magsosorry kasi masyado ako maaga” sagot ni Cristine. “Anyway I am Enan’s dad, Robert” sabi ng ama ng binata at nakipagkamayan sa magandang artista. “I am Rosa” sabi ng nanay ng binata at imbes na magkamayan at yumakap ang nanay ni Enan kaya bungisngis si Cristine.

“Ang ganda ganda mo talaga iha, ay teka halika at gisingin na natin si Enan. Halika sumama ka” sabi ni Rosa kaya sumama si Cristine sa second floor. Binuksan ni Rosa yung pintuan, “Pasensya ka na makalat talaga tong si Enan” sabi ni Rosa. “We should let him sleep pa tita” sabi ni Cristine na nakita ang binata nakadapa sa kanyang kama.

“Enan! Gising ka anak at may bisita ka” sabi ni Rosa. “Mother, Sabado, visiting hours ala una pa diba? Alam ng mga fans ko yan so pagsibahan mo yung mga bago yung schedule” sabi ni Enan. Bungisngis si Cristine, si Rosa tinapik paa ng anak niya at inuga uga ito.

“Anak mahiya ka naman si Cristine nandito” sabi niya. “Sinong Cristine? Ang dami nila, ano apelyedo, from A to Z kakilala ko na Cristine” sabi ni Enan. “Cristine, yung girlfriend mo” sabi ni Rosa kaya dahan dahan lumingon at binata at pagmulat niya nakita niya yung magandang artista.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon