Chapter 10: Celebrity

14K 192 18
                                    

Chapter 10: Celebrity

Lunes ng umaga nagtatawanan sina Clarisse at Shan sa loob ng kotse habang papunta sila kina Enan. “Babe, ganda ng porma natin ha” sabi ng binata. “Ikaw din, bakit ka pumorma?” pacute ni Clarisse. Halakhakan yung dalawa hanggang nakarating sila sa bahay ng kanilang kaibigan.

Nakita ni Enan yung kotse kaya nagmadali siyang lumabas ng bahay. “Hi Enan” biglang bati ng isang kapitbahay niya kaya yung binata kumaway at nagmadaling pumasok sa kotse ni Shan. Pagkaupo niya napataas ang kilay ni Clarisse. “My God, hindi ka man lang pumorma?” tanong ng dalaga.

“What the heck?! Bakit kayo nakaporma? Ano yan?” tanong ni Enan kaya nagtawanan yung magsyota. “Pre, well since you are going to be in the spotlight at lagi tayo magkasama kaya I wanted to look good naman” sabi ni Shan. “Look good? Pati ba naman ikaw Clarisse?” tanong ni Enan.

“Eh kasi like what he said” pacute ng dalaga. “Clarisse! Kahit magpambahay ka maganda ka parin. Are you wearing make up? Oh my God, e ikaw pare nagmake up ka din?” banat niya kaya nagtawanan silang tatlo. “Pare naman, let us share the limelight with you” biro ni Shan.

“Ah ganon, dati tawa tawa lang kayo sa mga sinasabi ko. Ngayon…wait kakawayan ko lang sila baka sabihin nila snob ako” sabi ni Enan. Binaba niya yung bintana sabay kinawayan yung mga kapitbahay niyang dumaan. “As I was saying, tawa tawa lang kayo dati, now you see me as the true artistahin?”

“Ang tagal niyo na nakikishare ng limelight, feeling ko nga kaya ka nanalo sa mister Commerce dahil sa akin e. At ikaw Clarisse wag mo balakin sumali ng Binibining Pilipinas, I know you can win pero pag nanalo ka e baka sabihin I had something to do with it. Alam niyo na artistahin influence” sabi ni Enan at lalong nagtawanan yung tatlo.

Pagdating nila sa parking area kapansin pansin ang pagdami ng tambay doon. Paglabas ni Enan ang daming bumabati sa kanya kaya ang binata talagang napangiti at pinansin naman sila. “Enan, kinukuhanan ka photo” bulong ni Clarisse. “Sanay na ako diyan, artistahin nga e, pero lumayo layo ka sa akin kasi baka magselos si Cristine o kaya baka awayin ka ng fans namin” bulong ni Enan.

“Kumukuha pa ba? Wait naman sisingit ako” sabi ni Shan at paspas niyang tinabihan si Enan at inakbayan. “Walanghiya ka, gusto mo ba pagdudahan yung sex orientation ko? Doon ka sa nobya mo men. Geez pre, madami din ako detractors, kaya maghahanap sila ng butas para siraan kami”

“Kung nakita nila photo na nakaakbay ka sa akin e baka pagdudahan talaga ako. So Please lang doon ka” sabi ni Enan at nagtawanan yung tatlo. Pagdating sa tambayan natawa si Enan at talagang napakamot. “Pati ba naman kayo? Tommy, Jason and wow Greg you look…human” biro niya.

“Pre, sorry for doubting you my idol” sabi ni Greg. “Oh well, kahit naman pumorma kayo I will still stand out kasi ako yung artista e” sabi niya. “Pre kinukunan ka talaga ng photos e” sabi ni Shan. “Pare naman let them, ipopost nila yan sa Instagram nila. Ano ka ba? Ganyan talaga no, meron pa nga website na tawag nilang Celebrity Sightings” sabi ni Enan.

“Dami na pumapansin sa iyo pare o” sabi ni Greg. “Lahat ng attention nila dito kasi alam nila dito ka tumatambay” sabi ni Jason. “Mga kaibigan ko maupo tayo, act normal lang, let them be” sabi ni Enan. “Idol bakit hindi ka man lang pumorma?” tanong ni Greg. “Bakit pa? Ito ako e, kahit naman ano isuot ko makikilala parin nila ako no” sabi ni Enan.

“Pero pare, nasa news ka na, kung dati biro biro lang pagiging celebrity mo, ngayon totoo na” sabi ni Greg. “Ouch, that hurts. Tapos tatawagin mo akong idol? How dare you” landi ni Enan kaya tawanan sila. “Pag pumorma ako, natatakot kasi ako na bigla ako dudumugin ng girls. I know irresistible na ako looking this way, what more pag jumaporms naman pa ako?”

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon