Chapter 6: Habulin

12.2K 162 7
                                    

Chapter 6: Habulin

Ilang araw lumipas at nag aalala na sina Clarisse at Shan para sa kaibigan nila. “I really feel bad, napaka careless ko. Sana binura ko nalang yung video dati pa” bulong ni Clarisse. “Babe, relax, di mo naman na foresee magkakaganon e. At di naman natin na expect si Violet masamang tao pala” sabi ni Shan.

“Naawa na talaga ako kay Enan, grabe lantaran na siyang nilalait ng lahat. Tapos isa pang kinakatatukan ko e baka idemanda siya nung artista e. Pinalabas nina Violet kasi na Enan edited the photo and placed her face. Di nila alam yung real story na totoo naman na naging sila e” sabi ni Clarisse.

“Pero di mo ba napansin na yung kampo ni Cristine hindi nag rereact? I mean its all over the news and internet na pero not one word from their camp so…” sabi ni Shan. “Enan was not lying, totoong naging sila” sabi ni Clarisse.

“Yun na nga e, so I kinda feel happy for Enan. I mean bilib ako kaya lang di matanggap ng iba. Gusto ko na nga sabihin na totoo yung photo at hindi edited e” sabi ni Shan. “Uy wag, sabi ni Enan wag daw. Privacy daw” sabi ni Clarisse. “Its too much na kasi e, affected narin ako sa panlalait sa kanya. I just want to make them all shut up, gusto ko nga ipakita yung video e para magulat din sila” sabi ng binata.

“Everyone knows naman masama ugali ni Cristine, kung fake man yon e di I am sure nagreact na siya. Since wala pa kinikilig nga ako e knowing its true na naging sila. Pero I cant be happy kasi nga tulad ng sabi mo they are being bashed. Siguro kaya nananahimik din camp ni Cristine e para sabihin narin na its not true. Ganon naman e diba? Pag di totoo wag na magreact” sabi ng dalaga.

Samaantala sa loob ng isang condo nairita si Cristine pagkat walang tigil nagriring phone niya. “Ano ba? Jelly bakit ring ng ring phone ko? Ilang araw na yan ha! Ano nanamang issue ang meron? Nanahimik na ako diba? Ano nanaman nangyari? Yung lumba lumba nagfile ba ulit ng kaso? Akala ko ba you handled that already?”

“Shit may taping pa ako mamaya I need to sleep!” sigaw ng dalaga. “Ah Cristine…I think its time you knew about this” sabi ni Arlene. “Oh bakit ka nandito? Shit I knew it, bad news nanaman ano? So what did that fat lady do again? Di pa ba sapat pagsorry ko? Ano gusto niya gatasan ako para tuluyan na siya matigok dahil sa heart attack?” tanong ng dalaga.

“Halika, tignan mo ito” sabi ni Arlene at hinarap niya yung laptop. Nakita sa screen ang isang larawan ni Cristine na nakasandal at nakaakbay sa isang lalake at hinahalikan siya sa noo. Nanlaki ang mga mata ni Cristine nang makita yung pangit na lalake na kasama niya pero imbes na magreact e naalala niya bigla yung araw na yon.

“Ah ano masasabi mo? Ilang days na kumakalat ito sa Internet kasi” sabi ni Jelly. “Who the hell is that?” bigkas ni Cristine sabay pasimple siya napahaplos sa noo niya. Napailing siya konti nang makita itsura nung lalake. “I think this was taken nung pinilit mo magpunta tayo sa fastfood”

“Noong inaantok ka ata noon tapos maybe they took a photo of you with eyes closed tapos naphotoshop nila yung photo with the guy inserted now and pretending to be kissing you” paliwanag ni Arlene pero napalunok si Cristine pagkat ngayon niya lang narealize na totoo pala may sinasandalan siya noon at may humalik talaga sa noo niya.

Kinabahan sina Arlene at Jelly, itsura ni Cristine di maipinta at parang nararamdaman nila sasabog na ito sa galit. “Wait wait lang, before you react, I think you should read the comments muna” sabi ni Arlene kaya pinaupo nila yung dalaga at pinabasa yung mga comments.

“Oh my God, pumatol siya sa ganyang kapangit?” basa ni Jelly. “Siraulo photo shop yan, makapal lang mukha nung pangit na yan at feeling naman niya papatulan siya ni Cristine” basa ni Arlene. “Oh shut up, its not photoshopped, its real. Kadiri si Cristine, ang daming gwapo tapos diyan pa sa ganyan papatol. Oh nasusuka ako sobra” basa ni Jelly ulit.

ArtistahinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon